CHAPTER 13

191 11 4
  • Dedicated kay Criszandra Salazar
                                    

Gray's POV

Si Daniel Junior ba ito o si Channing Tatum? Hindi ko mapigilang pagmasdan ang nag-uumapaw sa kagwapuhan nyang mukha. He's huge but he's gentle the way he spoke. It was calming. Wala ding makikitang karahasan sa mukha nito sa kabila ng size nito.

Inilipat ko ang tingin ko kay Red. Binigyan nya ako ng let's-get-out-of-here look. 'Yung parang 'pag hindi pa kami umalis doon ay magbibigti na sya sa puno ng kamatis sa plant box na katabi nya.

"Ah, Lola Kathrine, Kuya Enrique, at DJ, hindi na rin kami magtatagal. Baka kasi hinahanap na kami ng mga kasamahan namin. Pero, pwede ba munang maki-CR?" Ako.

"Sige, hija. Nasa likod ang banyo namin." Si Lola.

Nagtungo na ako sa CR at nag-pee.

Paglabas ko,biglang umihip ang hangin at may nilipad na papel deretso sa mukha ko. Tinanggal ko 'yong papel at binasa 'Love Molecule' ang title. Tapos 'pag harap ko. Andito na si Red. Pinagmamadali na ako. Itinupi ko nalang 'yong papel at isinuksok sa bulsa ko.

"Ano ba ang naisipan mo at nga-CR ka pa?" Si Red.

"Sobrang linis ng hangin dito kaya siguro gumanda ang function ng pantog ko." Ako.

"Ipahahatid ko na kayo sa mga anak ko at baka hapunin na kayo."

At ayun, nagpasalamat kami at sumakay na ng kabayo. Nasa likuran ako ni DJ samantalang sa kabayo ni Kuya Enrique si Red nakasakay. Nalalanghap ko ang mabagong amoy ni DJ. Manly scent with matching amoy araw at downy. Masarap sa lungs.

First time kong makasakay sa kabayo kaya kapit na kapit ako sa katawan ni DJ. Ayoko ngang malaglag at mabalian.

Malapit na kami sa site nang sabihin kong itigil nalang dito at lalakarin nalang namin. Baka kasi pagkaguluhan pa sila ng mga TYA members.

Nag-bye na kami at nagpasalamat sa dalawa.

"Kung makakapit ka, parang gusto mo nang iuwi ang katawan nya ah." Si Red.

"Eh natatakot akong mahulog eh, pakialam mo ba. Teka, nag... N-nagseselos ka ba?" Ngiting ngiti akong humarap kay Red.

"A-ako? Ang nuknukan ng gwapo and oozing sex appeal, nagseselos?" Namumula si Red.

"Eh bakit namumula ka?" pang-aasar ko sa kanya.

"Dala lang 'yan ng sikat ng araw. Halika na nga!"

Pagdating naming sa site, natanaw agad kami nina Sir at Ma'am at agad kinausap. Kanina pa daw kami hinahanap ng mga ito. Alalang-alala daw sila sa amin kaya medyo napagsabihan kami. Sinabi namin na naligaw kami. Hindi na namin ipinagtapat 'yong about kina Lola. Hahaba lang ang kwento.

Pagbalik ko sa tent, kitang kita ko ang mapanuksong tingin ni Lexy. Mamaya ko nalang ikukwento sa kanya.

A/N

baka matagalan ang next update guys. kaya medyo dinamihan ko na. back to school na ulet tayo. :(

vote, comment, follow. :)

magdededicate na po ako. comment lang po sa gusto. :)

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon