CHAPTER 23 (MARXY part 2)
Caution: If you see any mistakes, please let me know.
Happy reading!
Let the MARXY's Bet begins!
At nagsimula na kaming mag-inuman. Si Mark ang naglalagay sa baso ko at ako ang naglalagay sa baso nya. Bawat baso, punum-puno. Walang gustong magpatalo.
Habang nag-iinuman, nagkukwentuhan kami syempre. Medyo tipsy na ako. Hindi kaya ako sanay. At alam kong tipsy na rin si Mark. Kahit naman lalaki ito at ewan ko kung madalas mag-inom, sa klase ng alak na iniinom nya ay talaga namang malalasing kaagad sya.
"Kailan mo ba ako balak shagutin, ha, Lexy-my Lhabs?" Tanong ni Mark. Nasa panglimang bote pa lang kami ngayon,
"Anong ishashagot ko sa'yo eh hindi ka naman nhanliligaw?" Natatawa kong sabi.
"Nhanliligaw nha ako, aba! Mhatagal nah!"
"Ow? Bakit hindi ko alam?" Tanong ko.
"Hindi moh talagah alam dahil hindi koh ipinapaalam." Seryoso nyang sabi.
Natawa ako ng malakas sa sinabi nya. "Unggoy ka talaga!"
"Akohh? Never akong magiging hunggoy. Sha gwapoh kong itoh? Ang macho pa, oh." At ipinakita pa nya ang formed muscles sa kaliwang braso. "At itoh pah, oh." Ipinakita naman nya yung nasa kanan.
"Nakakatawa kah talaga, Marky." Natatawa kong sabi, habang namumungay ang mga mata.
"Did you just called me Marky?" Tanong nya.
"Yes. Marky naman talaga hang tawag koh sa'yo since we were kids di bah?" Nakangiti kong sabi ay ginulo ko pa yung buhok nya.
Nagsalin na ulit sya sa baso ko.
"Pang-ilan nah bah ito, ha, Marky?" Tanong ko habang nagsasalin ng alak sa baso nya.
"Pang-8 na." Si Mark.
"What?! Pang-8 pa lang 'to? Antok nah hantok nah ako, Marky." Nararamdaman kong parang ang bigat-bigat na ng katawan ko. Lumipat ako sa tabi nya at isinandal ang ulo ko sa balikat nya. "Magpick-upan nalang tayo!" Suhestyon ko.
"Sige ba. Mauna ka." Si Mark.
"Sige. Eto. Unggoy ka ba?" Tanong ko habang nakangisi at nakatingin sa gwapo nyang mukha.
"Baakeet?" Nakangiti nyang tanong.
"Anong 'baakeet', 'oo' dapat." Pag-banat ko habang hawak-hawak ng dalawang kamay ko ang magkabilang pisngi nya at kinurot ng madiin. Tapos tumawa kami.
"Ikaw talaga." Sabi nya habang tumatawa ng mahina at ginugulo ang buhok ko.
"Oh, hikaw naman ang bumanat!" Ako.
"Ikaw ba 'yong PILIPINAS sa panatang makabayan?" Pagsimulang banat ni Mark.
"Baakeet?"
"Kasi iniibig kita ng buong katapatan." Sakto namang pagharap ko sa kanya para tumawa sana. Pero nakita kong titig na titig sya sakin at seryosong-seryoso. Nararamdaman kong parang nanunuot sa katawan ko ang titig nya. Tapos...
Tapos...
Tapos...
Natumba kami pareho sa sahig. Ramdam kong nakaunan ako sa braso nya. Natatawa pa nga ako sa sitwasyon namin. Nahihilo na ako sobra. Nagdidilim at umiikot na ang paningin ko pero pinilit kong magsalita.
"Mark, hayoko ditoh matulog sha labas. Find us shome decent place." Ungot ko kay Mark.
"Okay. At your service, boss." Kahit hindi ko sya nakikita, kasi nga, nakapikit na ako, alam kong nakangisi sya. Naramdaman ko nalang na binuhat nya ako. At pasuray-suray syang naglakad. Ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama ang huli kong natatandaan.
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
UmorismoJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...