CHAPTER 29 beach part II
Gray's POV
Magkasama kami ni Kay ngayon. Binabaybay namin ang magandang dalampasigan na lalong pinatingkad sa paghalo ng kulay ng papalubog na araw, habang nagkukuwentuhan.
Madami siyang kwento tungkol sa mga pinagsamahan nila ni Red noon. Masaya niyang ikinuwento kung paano sila nagkakilala, ang mga kalokohan nila habang lumalaki sila, ang mga pinagdaanan nila noong nag-aaral pa sa Pilipinas si Kay, at ang di umano ay relasyon nilang dalawa.
I didn't expect she would tell me that part of their lives. But, nandito na eh, heto na yung time para malaman ko ang totoo, ang sagot sa matagal ko ng tanong.
We stopped walking nang may mamataan kaming isang napakalaking bato, at doon ay naupo. She looked at me habang hindi naman ako lumingon sa gawi niya. Mataman ko lamang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, dapat sana ay nagagalit ako sa kanya. Pero hindi, wala akong makapang galit sa puso ko, kahit hindi pa man niya sinisimulan ang hinihintay kong kwento.
Then she took a deep breathe and looked away.
"Humihingi ako ng pasensiya sa'yo, Gray." She said in a whole sincere voice.
"Huh?" Napalingon ako sa kaliwa ko, kung saan naroon siya.
"Alam kong nasasaktan ka sa mga balitang narinig mo tungkol sa amin ni Red. Ang totoo niyan, kasalanan ko iyon." She paused. "Ay hindi! Kasalanan iyon ng eengot-engot na Jaze na iyon. Oo, tama, siya nga." Aniya na wari'y hindi na-practice ang sasabihin at ngayon palang inalala ang lahat.
"Huh? I don't understand. Bakit nasali si Jaze?" Naguguluhan kong tanong.
"Kasi, ang lintik na Poncio Pilatong hilaw na iyon ang ugat ng lahat ng kamalasan ko. Ang totoo niyan, hindi naman kami ni Red. Wala kaming relasyon na hihigit pa sa mag-bestfriend. Si Jaze ang talagang boyfriend ko. At si Red, siya lang ang pinalabas namin na boyfriend ko. As if naman na matitipuhan ko ang kulugong si Red na iyon, eh kapatid lang ang turingan namin sa isa't isa. Isa pa, alam kong kasal kayo." Mahinahon niyang paliwanag at ginagap ang aking mga kamay.
"Ano? Pakiulit nga?" Sa sobrang kaba ko sa posibleng sabihin niya, ay hanggang ngayon, buffering pa sa isip ko ang mga binitawan niyang salita.
"Ang sabi ko, mag-best friend lang kami ni Red, noon at ngayon. At si Jaze, siya ang totoo kong boyfriend." (-___-")
"Huwat? Really?" Sa pagkagulat ko sa isinawalat niya ay napatayo ako.
"Oo." Nahihiya niyang sagot.
"Boyfriend mo si Fafa Jaze?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Napatakip pa ang mga palad ko sa bibig ko.
"Iyan ba ang concern mo? Ang inaasahan ko kasi ay iyong sa relasyon namin ni Red ang ikinabigla mo." ("-___-) "Pero oo, naging boyfriend ko si Jaze pero hindi dahil sa kagustuhan ko. Nako, mahabang kwento. Mas mahaba pa sa dagat na tinatanaw natin."
"Nabigla din naman ako doon sa pagiging mag-bestfriend ninyo lang ni Red and I'm glad about that. Really. But, hindi ko talaga akalain na boyfriend mo si Faf-- este Jaze. Hhhang swerte mo, teh!" Natatawa kong sabi kasabay ng mahinang tapik sa braso niya.
"Hindi lang ikaw ang unang nagsabi niyan." Wari'y nagbilang siya sa daliri nya. "Pang-23 ka na." natatawa niyang sabi.
I laughed. Masaya ako dahil hindi ko naman pala karibal si Kay. Dahil sa lahat ng pupwedeng maging karibal ko, si Kay na super sweet at super bait ang hinding hindi ko papatulan. It seems like, she's like an angel at mapupunta ka sa hell kapag inaway mo siya.
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...