CHAPTER 25 - Unexpected Kiss
Red's POV
"Yes?" I ask after I touch the call button of my phone.
"Wag mo akong ma-yes yes dyan, Red. Mama mo ito. Nasaan kayo ng asawa mo?" Si Mama.
"Good evening din po, Mama." -__-
"Nasaan nga kayo? Don't you have any plan for your semestral break?" Si Mama.
Oo nga pala, sem break na namin. Hay... Tiyak na mabuburo kami ng panget na Gray na iyon dito sa bahay. What a life. -__-
"Wala pa po, Mama. Hindi pa namin napapag-usapan. Bakit nyo po natanong?"
"You're tita Maebel is expecting us to attend Eyra's wedding this week. And unfortunately, kailangan na naming bumalik sa Orlando ng Papa mo for our business. Isa pa, kailangan kami doon ng kapatid mo. Syang pala, they're also inviting you and Gray na magbakasyon doon ng ilang araw or a week if you want. Naka-oo na ako kaya hala, mag-empake na kayo and go to Batangas after you're final exams."
"What? Batangas? Eh ang layo noon, 'Ma. And I have plans for my self. Can you call Tita Maebel and tell her that we can't come?"
"Kahiyaan na ito, anak. Ano ka ba naman? Hindi ka ba nahihiya sa pinsan mong si Eyra? Parang hindi kayo nagkasama sa states ah." Paalala sa akin ni Mama.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit ayoko pumunta doon eh. At hindi iyon dahil sa malayo ang batangas. In fact, two or three hours drive lang 'yon. But si Eyra talaga ang dahilan. We had a deal kasi noong nasa Orlando pa kami. Argh! Baka hindi pa nya iyon nakakalimutan. Patay ako sa pagkaganda-ganda kong pinsan.
"Ma, magiging busy lang talaga ako this sembreak. Paano na ang Music Bandits? We'll have practice, Mama pretty." Hirit ko. Baka kasi mapipilit ko ang maganda kong Mama. (Evil grin)
"Wait let me think about it." Sagot ni Mama. Yes! May pag-asa pa.
"Ok, Ma. Take your time sa pag-iisip." Akmang ibaba ko na ang phone nang biglang...
"Andami mo pang hirit, isang linggo lang 'yon. Hala. Wala ka ng magagawa sa ayaw at sa gusto mo. Kinuha nga din pala nya kayo ni Gray na mga abay sa kasal nya. Daanan mo sa bahay ang invitation card nyo." Tapos sabay binabaan nya ako ng phone. Ang saklap! Paasa talaga si Mama!
Paano ba yan. I have no choice but to go to Batangas with my wicked witch wife and face my pretty cousin.
-__-
---
Gray's POV
"Talaga, Red?! Wooohooh! I'm soo excited! For how many days?" Excited kong tanong sa super hottie kong hubby.
"1 week." Walang ganang sagot nya.
"Really?! Oh my! Teka, eh bakit hindi ka masaya? It's your - este OUR cousin's wedding, right?" I ask.
"1 week in Batangas na kasama ka, sige nga, anong dahilan ko para sumaya?"
"Ouch! Mahal! You're so mean talaga! You're such a gay!" Sabi ko habang naka-pout. Nagpout pa talaga ako kasi malay mo, malay ko, malay nating lahat, i-kiss ako ng Mahal ko. Sino ba namang babae ang hindi nag-eexpect na once na sinabihan nila ng GAY ang mahal nila eh natural na ikikiss sila, di ba? Di ba? Di ba?
"Kung inaakala mong hahalikan kita, My gosh! Bakla na kung bakla." Sabi nya in a gay voice sabay talikod!
Hah?! Ang tinamaan ng kunat! At talagang magpapaka-bakla wag lang akong mahalikan! Akalain mong dinedma ang pouty redish lips ko?! Ang sarap sapakin sa atay, pati sa apdo!
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...