CHAPTER 21
Gray's POV
Hay. Monday na naman at papasok na kami sa school ni Red. Actually, nasa car na kami ngayon papuntang school.
After Red parks the car, pinalabas nya na ako. Susunod daw sya pagkabilang nya ng 15. Para nga naman hindi mahalata ng ibang students na magkasama kami sa iisang kotse, di ba?
Then naglakad na ako palabas at dire-diretso papunta sa cafeteria. Masyado pang maaga para sa first class ko. No choice lang ako kasi maaga ang first class ni Red. On my way to the cafeteria, iisa lang ang naririnig ko sa bawat estudyanteng madaanan at makasalubong ko.
"Andito na si Kay?"
"Oh my! Kay's back?"
"Kailan pa nagbalik si Kay?"
Huh? Bakit puro na lang si Kay? Sino ba kasi ang Kay na 'yun?
Then nakita ko sina Jai, Charm at Jeneleth. They were my groupmates sa camping sa Quezon.
"Hi, Gray!" Si Jai. Since sya ang unang nakakita sakin.
Then, binati din ako nang dalawa at ginantihan ko din ang bati nila.
"It seems that a certain Kay is the topic of almost all the students here. Do you, guys, have any idea who she is?" I ask.
"Nah. First year lang tayo. Maybe she's older than us and a former student of STU. I heard they're saying Kay is back." Si Charm.
Siguro nga. Pero bakit pag nababanggit ang salitang Kay, kinakabahan ako? Uso ba ngayon ang pangalang Kay? The other day, may Kay na kausap si Red, tapos ngayon Kay na naman? Uso nga yata. Baka pwedeng papalitan ko ang first two letters ng pangalan ko at gawing 'K' yun. Para in.
I saw Adam walking towards us.
"Hi Adam." Bati ni Jai.
"Hi girls." Sabay ngiti sa amin na ginantihan naman namin lahat ng ngiti.
"Adam, who's Kay they are talkin' about? They're like Kay here, Kay there." Ako at sinabayan ng mahinang pagtawa.
Habang hinihintay namin ang sagot ni Adam, pinagpapawisan ang kamay ko sa kaba.
"Ahm, Kay's a former student here, a tourism student. But she left STU last year as her family migrates to states. She's popular for her beauty and brain. And oh, she's Red's girlfriend." Si Adam.
SHE'S RED'S GIRLFRIEND.
SHE'S RED'S GIRLFRIEND.
SHE'S RED'S GIRLFRIEND.
Paulit-ulit na nagfa-flashback sa isip ko ang sinabing iyon ni Adam kaninang umaga. Parang bombang sumabog sa harapan ko at hindi ko alam ang gagawin.
Hindi ba naging faithful si Red sa loob ng mahabang panahong kasal kami?
Didn't he know the sanctity of marriage?
At sila pa rin ba ng Kay na 'yun ngayong nandito na ako?
Ang daming mga tanong sa isip ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ano na ngayon ang gagawin ko? Should I ask Red about this? Or should I ask Mark before Red?
Yeah. I'll stick to my second idea.
Hinanap ko si Mark sa campus. And thanks God, hindi pa sya nakakauwi. I saw him at the gym. Playing basketball alone. Lumapit ako sa kanya.
"Mark!" Tawag ko.
"Oh, hi, Couzy." Nakangiting bati ni Mark habang nasa isang kamay ang bola at nakalapat sa bewang.
He's really cute. Kung hindi ko lang nakilala si Red, malamang si Mark ang crush ko. At napaka-swerte ng pinsan kong si Lexy sa ugok na 'to.
"Pwede ba kitang makausap saglit?" Seryosong tanong ko.
"Whoa! Gray? Is that you? Kailan ka pa nagsalita ng seryoso?" Pumalatak ito. "May bayad ang serbisyo ko, dear couzy, a date with Lexy." nakangising wika nito.
"Mark! I'm serious. Pero sige, kakausapin ko si Lexy. But please be serious for a while."
Natahimik kami pareho. Waring may hinala sya kung bakit gusto ko syang makausap pero hindi sya kumibo. Ako ang bumasag sa katahimikan.
"Mark, please be honest with me. Do you know a certain Kay?" Sa hitsura nya, mukhang hindi na sya nabigla. Mukhang alam sadya nya ang ipinunta ko sa kanya.
"Kay? As in Kay Samaniego?" Si Mark.
"I don't know if that's her freakin' last name. Just answer me, please?" Alam kong napataas ang boses ko at hindi ko dapat ginawa 'yon.
"Ok, I'm sorry, Mark kung napataas ang boses ko." Paghingi ko ng paumanhin.
"It's ok, Gray. I forgive you. At alam kong minsan ka lang humingi ng sorry sa kahit kanino. I feel blessed." Hinaluan nito ng mahinang tawa ang huling sentence nito.
Hinintay ko syang magsalita.
"As far as I know. Red and Kay were good friends before Kay left. There were rumors that they are in a boyfriend-girlfriend relationship. But I don't believe that. Though I didn't ask Red about that before, I know they didn't had a relationship other than good friends. Though hindi naman sila magsasalita about doon. You should ask Red if you want to know the truth." There's a glint of such emotion in his eyes that I can't understand. Parang something na nakidaan but agad nyang naitago ulit.
Dapat ko nga bang itanong kay Red? Pero natatakot ako sa posibleng isagot nya.
"Gaano katagal silang..." Itinaas ko sa ere ang mga kamay ko at nag-quote-unquote sign. "Good friends"?
Tanong ko.
"I don't know exactly, but, I think one and a half years or almost two years? I'm not sure though." Si Mark.
So, matagal pala. Siguro naman sa tagal na iyon, kilalang kilala nila ang isa't isa at hindi ko maiwasang malungkot at magselos.
Then Mark hugged me. And I feel his sincerity on it. He just wants to comfort me for he knows how I very much love Red.
Naiiyak ako sa sakit sa nalaman ko. Paano kung totoong may relasyon sina Red at Kay? Paano kung hindi lang sinasabi ni Red kay Mark ang totoo kasi alam ni Mark na asawa ako ni Red? At paano na ako ngayong nagbalik na si Kay?
Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko to avoid my tears from falling. Then bumitiw ako sa pagyakap ni Mark at umusal ng pasasalamat. Then I leave.
A/N: votes and comments please. 😍
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...