CHAPTER 14 - Unzipping Me

204 12 2
  • Dedicated kay Emieyette Caper Gamo
                                    

Red's POV

Tonight we don't have a game. We just have to relax and do some chitchat if we want.

Nakabilog lang kaming group 4. At naiinis ako sa tatlong flirt na babaeng kaharap ko. Wala ng ginawa kundi magpa-cute ng magpa-cute sa harap namin nina Ezekiel at Adam. Hindi na nakatiis si Adam.

.

"Girls, d'yan muna kayo ha. We have to go somewhere lang. Bye!" Si Adam.

Tumayo na kami ni Ezekiel. Pagkakataon na namin itong umalis sa mga trash talks. Tsk!

"Saan naman tayo pupunta? Maghanap tayo ng chicks, pare!" si Ezekiel.

"Iyon nga ang gagawin natin! Tara! Doon tayo sa Group three. Doon kay Miss killer legs!" Si Adam.

Teka, Si Gray siguro ang tinutukoy nito.

"Ah, mga pare, 'wag na tayo doon. Sa iba nalang. Madami pa namang ibang babae dito." Ako.

"Huh? 'Wag ka ngang KJ, Red. As if hindi mo rin gustong makita ang legs nya." Si Ezekiel.

"Eh balita ko, masungit daw yan." Pagsisinungaling ko.

"Ow? Saan mo naman nabalitaan? Hindi pa nga natin kakilala. Teka, bakit baa yaw mong lumapit tayo sa kanya?" Si Adam.

Bakit nga ba?

Pahiya ako. "Sige na nga. Lapit na tayo."

Nakita naming nakabilog silang lahat na group 3. Nagtatawanan sila.

Teka, familiar 'yong nakatalikod ah! Si Mark! Hindi ko alam na ka-group pala siya ni Gray. Napansin kong konti nalng, tutulo na ang laway ng dalawang 'to. Naka-short shorts kasi si Gray at naka sando. Tss. Hindi ba nilalamig 'tong isang ito?

Habang papalapit ako kay Gray, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

She's like some Greek goddess who had stepped down from heaven to give mere mortals like me an opportunity to have a glimpse of her. 'Yong dating nya kasi, kakaiba. Something unique of her. Dalaga siya na mukhang bata. Basta! Beautiful plus Cute! Pinagsama.

"Hello, Group 3! We're from Group 4. We just wanna know you, guys. By the way, I'm Adam." Pagsimula ni Adam.

Nakatungo lang si Gray. May binabasa sa phone nya, kaya siguro hindi pa nya kami napapansin.

"I'm Ezekiel."

"I'm Red." Pakilala ko tapos biglang tumingin si Gray. Our eyes met.

Naki-upo na rin kami sa circle nila.

"Why don't you introduce yourselves to us?" Nakangiting sabi ni Ezekiel.

Then isa-isa ngang nagpakilala sila. They told us their course and section. Pati yata birthday nila isinama na. Isang kainip-inip na sandal. Then, Gray's turn na. All eyes and all ears sa kanya 'yung dalawang kulugong ito.

"Hi, I'm Gray." She gave us a sweet smile. 'Yun lang. Tapos na syang magpakilala.

"Nice to meet you, Gray." Sabay pang sabi ng dalawa.

Nagkayayaan kaming maglaro.

Ang title ng game: "Unzipping Me." At ang mechanics, we have to write one question and a dare for it while answering the question. We will put our papers in the bottle, then we will spin it. 'Yung matatapatan ng bottle, bubunot ng isang paper, then 'yun iyong gagawin and sasagutin.

"Teka, wala tayong papel at ballpen dito." Si Gray.

"Meron ako sa tent. Sandali kunin ko lang." Ako.

"Sama ako sa'yo Kuya Red!" Si Gray sabay smile.

Kuya? Did she just called me, Kuya? Samantalang sa bahay, Mahal ang tawag nya sakin!

"Kuya ka d'yan!" Ako. Habang naglalakad kami at malayo na sa grupo.

"Eh alangan namang 'Mahal' ang itawag ko sayo? Utak naman, Red. Utak!" Eto na naman ang mapang-aping si Gray. Pahiya ako.

"Umayos ka nga, Gray. Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka ba nilalamig d'yan? Tsaka ang daming mga lalaki dito na halos tumulo ang laway at sumayad ang baba sa lupa sa pagtitig sa mga binti mo."

"Daddy?" pinabilog pa ang mga mata nya. "Is that you?" Si Gray.

Tss. Nag-aasar na naman 'to.

"Concerned lang ako sa'yo."

Tumingin siya sa akin. Eyes to eyes. Parang may gustong ipahiwatig ang mga mata nya na hindi ko agad mabasa.

"Concerned lang ako kasi baka ma-pulmonya ka."

Tapos titigan na naman kami. This time, nabasa ko na ang gusto nyang iparating.

"Ako? Nagseselos? With my killer abs na parang model ng Abercromie and Fitch? With my gorgeous face na halos pagkaguluhan ng mga babae saan man ako mapadpad? With my oozing sex appeal?" Pagyayabang ko.

"Wala akong sinasabing ganyan. Defensive ka masyado." Nakangisi nyang sabi at nagpatiuna ng maglakad.

Ha? Bakit ko nga ba naisip 'yon? Argh!

Nakarating na kami sa tent at kumuha na ng papel at mga ballpen.

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon