CHAPTER 31
Gray's POV
Urgh! One week na ako sa school for this semester. At one week na rin akong natutulili at naririndi sa mga hinaing at mga himutok sa love life ng mga sira ulo kong kaibigan.
And today is a very stressless saturday and a marvelous morning to hope for a productive day to happen. Ang sarap mag-inat-inat ng mga butu-buto sa napaka-simpleng nagsusumigaw na dahilan - WALANG PASOK. Ano kaya ang plano ni Red ngayon? ( ^_^ )
Dali-dali akong bumangon, nagligpit ng kama at dumeretso sa kusina para tingnan si Red. Pero hindi si Red ang nabungaran ko roon. Hindi rin sino, kundi ano.
Sinangag na kanin, sunny side up egg, fried tilapia, powdered version ng milo na nasa bilog na platito, at isang basong gatas. Excited na ako sa pag-lafang! Ikaw ba naman ang ipaghanda ng almusal ng walang kasing gwapo mong asawa, pag hindi ka pa nagkagana, ewan ko na lang. Teka, nasaan ang tinamaan ng kunat?
"Mahal!!!" Sigaw ko.
Pero no response. Lumakad ako patungo sa silid nya. Kumatok. Knock! Knock!
No response pa rin. "Red!!!" Tawag ko ulit.
No response talaga. Okay! Balik sa kusina ang drama ko. Mag-isa na lang akong kakain. Humigop muna ako ng kaunting gatas. Wow! Swak na swak ang timpla! Lasang-lasa na Bear Brand. Sarap!
Then I started eating. In all fairness, ang sarap talagang magluto ng asawa kong iyon. The best ang sinangag! The best din ang fried tilapia. Halatang nilahukan ng magic sarap. At walang tatalo sa itlog ni Red! I mean, yung itlog ng manok na niluto ni Red.
After kong maubos ang walang kasing sarap nyang luto, nilantakan ko naman ang milo. Yes. Pinapapak ko ang milo in powdered version. Hate na hate ko ang lasa noon kapag tinimpla na. At hindi ko alam kung bakit, maski si Red walang makuhang eksplanasyon. At imbis na mag-isip pa, ang comment na lang ni Red ay: "Hala sige! Papakin!"
I was about to go to the kitchen sink, when the door opens. Inuluwa niyon ang aking esposo. Dire-diretso sa kwarto nya ang loko. At narinig ko pa ang 'click' sound. Meaning, nag-lock pa ng pinto.
Feel na feel ko ang paghuhugas ng plato habang kumakanta.
Red's POV
Baliw talaga ang bebot na ito. May pagkanta pa! Sa isip-isip ko. "Yaman din lamang at tapos ka ng maghugas ng mga pinagkainan mo, hintayin mo ang mga damit ko. At magsimula ka ng maglaba, Chimay!" Dali-dali kong tinungo ang kwarto ko at isinara ang pinto at mabilis na ini-lock. BOOOGSH!
Narinig kong kumalabog ang pinto pero hindi ko na pinansin.
Mabilis kong kinuha ang hamper at lumabas ng aking silid. Napanganga ako ng makita kong nasa labas ng kwarto ko si Gray, sapu-sapo ang noo. Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sakin agad.
"Totoo pala ang stars, Mahal." Nakatingalang wika niya at natumba siya sakin.
"Anak ng--- nauntog ka sa pinto?!"
Tumango siya.
Inakay ko siya patungo sa kwarto niya, iniupo sa kama, ikinuha ng ice cubes sa ref, inilagay sa ice bag, umupo ako kaharap niya, at matiyagang nilapatan ng cold compress. Ano itong drama ko ngayon? Tanong ng isang bahagi ng utak ko. Isang dakilang asawa. Sagot naman ng isa.
"Masakit pa ba?" Tanong ko kay Gray sabay sulyap sa wrist watch ko. Sheeeeet! Five minutes na lang. Ma-le-late ako!
"Oo! Hindi mo ba nakikitang bukol! May BUKOL ang noo ko!" sigaw ni Gray sa mukha ko. Talsik pa ang laway. Ngunit talagang mababakas sa mukha ang dinaranas na sakit.
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...