CHAPTER 22 (MARXY part 1)

165 10 0
                                    

CHAPTER 22 (MARXY part 1)

A/N:

Lie low muna tayo kay Gray and Red. Team MARXY muna for a while ha. Hope you like it. 😍

Lexy's POV

Humahangos ako patungo sa gym upang komprontahin ang magaling pa sa Valedictoriang Mark na iyon. Nanggigigil ako sa galit. Gusto kong tirisin ang... ang... Teka, ano nga bang pwedeng tirisin sa kanya? Ano bang maliit sa kanya? Isip! Yun! Gusto kong tirisin ang ilong nya!

At thanks God, nakita ko sya agad. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya kita ang pagdating ko. Binatukan ko agad sya ng isa.

"What the?!" Sigaw ni Mark pero agad nagpreno pagkakita nya sakin. "Ano ka ba naman, Beybi ko, bakit mo ako binatukan?" si Mark sa maamong mukha. Maamo pa sa tupa ang tinamaan ng kunat.

"Tumigil ka! Hindi mo ako beybi! At paanong hindi kita babatukan, eh hindi ka sumunod sa usapan!" Oo, may usapan kami. A deal that started before the camping.

FLASHBACK.

"Nandito kami ngayon sa Villa Chinny Resort para i-celebrate ang pagkapanalo ng Basketball Team sa championship na pinaglabanan ng iba't ibang universities. At naambunan kami ng swerte, kaming mga cheerers.

Kung hindi nyo naaalala, cheerleader ako. Yes po. Cheerleader na ako kahit first year college lang ako. The former cheerleader had to quit for her studies. Graduating kasi. And dahil biglaan ang pag-quit, biglaan din ang pag-hire. I was the cheerleader here at STU high school department. Meaning, I'm popular. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero that's true. Walang audition na naganap. They just told me to go to the office and poof! I'm the new cheerleader. I hesitated at first. Baka kasi may mga senior cheerers na sumama ang loob sa akin. But as I get to know them, I know they are all nice people. They allow me to call them Ate and they treat me as their youngest sister.

Back to the story, we were at the party and all were drinking. I drink red wine then. I'm not used to drink alcohol kasi.

And then bigla na lang sumulpot si Mark sa harapan ko.

"Hi Lexy-beybi. Don't you miss me?" Si Mark. Naaamoy ko ang alak sa hininga nya. Masyado kasing malapit ang mukha nya sa akin.

"Miss you, your face!" Mataray kong sagot. Tapos tinalikuran ko sya.

"Ouch! Don't leave yet, Babe!" si Mark.

Oh my! Ano na naman kaya ang kailangan nito? "Okay, what do you want?" Hindi pa naman sya lasing na lasing kaya pinagtityagaan ko pang kausapin.

"Pa-kiss naman!" Nakangisi nyang sabi. Litaw ang maputi at pantay-pantay nyang ngipin.

Aw! Shet! Ang gwapo! "Kiss sa talampakan gusto mo?!" Pagtataray ko. Eh ano naman kung gwapo sya? Madami pang ibang gwapo sa STU no. Hmp! Erase!

"Sweetheart naman, hindi ka na mabiro. Be my date nalang sa T-Night." Ang T-Night na sinasabi nya ay ang Tourism Night.

"A-YO-KO." Ako.

"Ang damot mo naman, Labs. Please na? Please. Please. Pretty please?" Pangungulit nya with puppy eyes pa.

Ano bang isasagot ko sa makulit na ito? Alam kong hindi ako tatantanan nito at mahirap tanggihan ang gwapo!

"Bakit hindi nalang iba ang yayain mo?" Tanong ko.

"Eh ikaw ang gusto ko." si Mark.

Okay, medyo nakakakilig. Ay hindi! Masyado lang natuwa ang pride ko. Halakhak pa sa sobrang galak. Pero nunca akong kikiligin sa ugok na 'to. "Wala na bang valid reason?"

"Hindi pa ba valid reason 'yon, My labs?"

"Aba't ang dami mo ng endearment sakin ah. Masyado ka namang natuwa sa pagbibigay mo ng Pagkadami-daming pangalan sakin. Hindi ikaw ang tatay ko, hoy!"

"Okay, okay. Sorry Lexy d' Sexy. Let's have a bet nalang." Seryosong sabi nito. Pero naku, may kakaibang kislap ang magagandang mata nito.

"At ano namang bet yan, ha? Lasing ka na. Huwag mo na akong idamay sa mga kalokohan mo, unggoy!"

"Hindi pa ako lasing. Eto naman. Eto 'yung bet natin. Kung sinong unang malasing, talo! Okay? Pag ikaw ang natalo, ikaw ang magiging date ko." Si Mark.

"So, hinahamon mo ako? Hindi ako pumapayag. Hindi ako sanay uminom, kaya alam kong tatlong baso pa lang niyang iniinom mo, talo na ako." Ako.

"Sa'yo na nanggaling. Eh di wag mong inumin 'tong iniinom ko. 'Yang red wine ang inumin mo. Konti lang ang alcohol content nyan eh. Tapos ako, eto ang iinumin ko, ano game? Alam kong hindi ka duwag Lexy-my Labs. Kaya kita gusto eh!" At sinamahan nya ng kanyang lopsided smile.

Pagkarinig pa lang sa salitang duwag, naku, hinding hindi ako aatras. 'Yan yata ang kahuli-hulihang salitang ma-i-de-describe sa amin ng pinsang kong si Gray.

"Sige ba! Ano? Ilang baso ba ang kailangang ubusin?" Mayabang na tanong ko.

"Sampu. Sampung basong punum-puno. Ano, sapat na kaya 'yon?" Si Mark.

Tumango ako. "Hep! Aba, teka. Ano namang mapapala ko pag ako ang nanalo?"

"Ano bang gusto mo?" tanong ni Mark.

"Wait. Let me think about it. Aha! You'll be my slave for a month. Ano? Deal?" Nakangiting tanong ko.

"For a month? Ang bilis naman! Gawin mo ng two months! Please?" Hirit nito na nagpuppy eyes pa.

"No. One and a half months. Ano, okay na?"

Sunod-sunod ang tango ng loko. "Deal." At nag-shake hands kami.

Then lumipat kami ng pwesto. Ayaw ni Mark sa madaming makakakita. At ayaw ko din namang makakuha kami ng atensyon ng iba. Doon kami pumwesto sa medyo madilim na part. May kaunting liwanag namang nababanaag sa paligid at sapat na iyon para isagawa ang deal namin.

Let the MARXY's Bet begins!

A/N: woooooh! This is our first day in our 19 days vacation! Yes po. 19 days lang. I'm hopong that I can do a lot of chapters for this story. 😊

Votes and comments are very much appreciated. You are free to comment what scene you want for me to add it in RRFAGL story. 😍💋

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon