CHAPTER 2.2
Gray’s POV
PRESENT
Ringggg… ringggg… Naputol ang pagre-reminisce ko ng past namin ni Red dahil sa pag-ring ng phone ko. Si Mommy ang tumatawag.
“Opo, Mom. I’ll be right there in five minutes. Bye.” Ibinaba ko na ang phone ko. Hmnn, bakit kaya ako pinapapunta ni Mommy sa house nina Mama? ‘Mama’ is Red’s mom. Nasa Orlando, Florida sila nina Papa, Red at Fritz pero hinahayaan kami na pumunta punta sa bahay nila next to our house.
My Mom is a plain housewife. Ginusto nyang maalagaan at mabantayan ang paglaki ko kaya hindi sya pinagtrabaho ni Dad. Though, there was a time na nagtayo sila ni Mama ng boutique. But when Red’s family migrated to US, nawalan na si Mommy ng gana. My Dad is a doctor until now. He is the Director of Jesus, the Healer Hospital also. Si Mama naman, ang balita ko, sa Orlando ipinagpatuloy ang pagtatayo nya ng boutique. And I guess successful naman. Si Papa, he’s one of the business magnates sa Orlando. Sosyal. Si Fritz, Red’s brother, well, high school pa lang. I’m pretty sure na lumaki syang gwapo like his Kuya. At syempre, ako, first year nursing student sa STU, ordinaryong student lang, maganda, sexy, matalino. Chos!
Nagpunta na ako sa bath room at dali-daling naligo. Then I wear very short shorts and pink spaghetti strap top. I opened the door of our house and smiled as I saw my gumamela plant. Namumulaklak na. I picked the biggest one. The one I experimented with pink, orange and white color and with gold dust-like on it.
Red’s house is just next to ours. Isinipit ko ang gumamela flower sa tenga ko. Natutuwa ako kasi ang laki. And then napaderetso ako ng tingin. Wow! Siya ba si ano? Teka, sya ba talaga si… Nasa tapat siya ng bahay nina Lexy and Lexy’s house is the house next to Red’s. Pinag-aralan kong mabuti ang mukha nya as I take little steps towards him. Malapit na ako sa gate nina Red ng mapansin kong parang uulan. Medyo gray ang kalangitan. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki.
Sya nga kaya yun? Hala! Hindi ko alam kung paano magpapacute! Hah! Hindi na kailangan, cute na ako noon pa. Habang palapit ako ng palapit sa kanya, napansin kong medyo hindi sya mapakali. Napatigil sya sa paglalakad at napatingin sa legs ko. Medyo parang nagulat sya. Tapos dahan dahang tumungin naman sya sa mukha ko.
Hala! Lalo syang nagulat! Ganun ba ako kaganda. And then our eyes met. Sya nga! I’m pretty sure about it! Sya nga yung crush ko sa bagong school ko! I don’t know his name kasi first year college pa lang ako. Teka, Parang may mali talaga. Hindi naman sya ganyan tumayo ah. Tapos tumingin sya sa bahay nina Lexy. Napakunot ang noo nya. He started to walk again. May mali talaga. The way he walks, he’s not like that. Hindi sya muntang* maglakad. Wala naman ‘tong polio ah. Yung kamay nya parang hindi mapakali malapit sa bulsa ng pants nya. Then hindi sinasadyang napatingin ako sa hindi ko dapat matingnan. Nanlaki ang mga mata ko. O_O Napatingin ako sa mata nya at nakatingin din sya sakin. Patay! Nakita nyang tinitingnan ko ang… ang… ang bird nya. Tumakbo na ako papasok sa bahay nina Red.
Sa laki ng mansion nila, sa sala ko lang pala sila makikita. Aba’y malamang. Alangan naman sa servant’s quarter? Singit ng isang bahagi ng utak ko. Che! Kontra naman ng isa pa. Nagulat ako ng makita ko sina Mama at Papa. Niyakap nila ako ng mahigpit. Group hug ‘to ha.
“I missed you, Gray. We have a lot of pasalubongs for you.” Si Mama. Hinagod nya ang katawan ko ng humahangang tingin. “You’ve grown beautifully with a perfect body.”
“Thanks, Mama. And I missed you, too. Both of you. You still look younger ‘Ma. And you look machoer ‘Pa!” I smiled to them and hugged them again.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Gray! You’re such a sweetheart pa rin.” Papa said with a smile habang ginugulo ang buhok ko na nakasanayan na yata nito.
Kating-kati na akong itanong kung nasan ang pinakamamahal kong si Red. Pero pinigilan ko muna ang sarili ko. Nag-excuse muna ako sa kanila. Sinabi kong may nakalimutan lang ako sa bahay namin, pero ang totoo ay hahanapin ko muna si Red sa mansion.
Palabas ako ng veranda nang may marinig akong kumakanta.
“Jumbo hotdog kaya mo ba ‘to? Kaya mo ba ‘to? Hindi si Red bato, para magpatalo.”
Naalala ko the day after niyang ma-circumcised. Narinig ko syang kumakanta ng kantang ‘yon. Pinagtawanan ko siya at tinawag ko syang “tiny dick” at ganoon nalang ang galit nya sakin. Alam ko namang hindi “tiny” yun eh. Big kaya! Lumaki pa kaya ‘yon ngayon at may pakanta-kanta pa ito ng Jumbo hotdog ngayon?
Hah! Si Red! Nilapitan ko ang pinagmumulan ng tinig. Sa tabi ng mga tanim kong American Rose. Nakita kong nagpagpag ito ng pantalon by shaking his legs – parang pumapadyak ng kaunti. At napasinghap ako sa sunod nyang ginagawa – he scratched his “thing” – with feelings! Nanginginig pa ang mga balikat nya.
Do you have crabs, Red?
“Red, hijo, andyan ka na pala.” Nagulat ako nang magsalita sa likod ko si Mama.
Napatingin si Red sa gawi namin. Our eyes met. Hinagod nya ng tingin ang katawan ko. From head to toe. Then from toe to head. Ano ‘to Physical Assessment? Kailangan head-to-toe?
--
BINABASA MO ANG
Red Roses for a Gray Lady
HumorJust Read the Story. It's worthy. :)) Short Throwback Red’s POV “Ano yan, Daddy?”curious na tanong ng pangit kong asawa sa aking “pag-aari”. “Labas ka muna, baby." Malambing na sabi ni Dr. Ofqueria, her dad. I call him Daddy too, for he’...