CHAPTER 3 - KAMAHALAN

254 12 1
                                    

CHAPTER 3 - KAMAHALAN

Red’s POV

Nasa harap ko na ngayon at mas malapit ang babaeng gumamela. Nasa likuran din nya si Mama. Ano kayang ginagawa nito dito? Medyo natulala ako nang makita ko sya. Very short shorts ang suot nya. Lalaki ako at macho kaya napatunganga ako.

“Red, bakit dito kayo nag-uusap ni Gray? At bakit magkalayo kayo? Parang hindi kayo friends at hindi nagkikita sa university ah?” Nakakunot noong tanong ni Mama.

Siya na ba si Gray? Hindi naman pala ako lugi sa asawa kong ito. Maganda ang hugis ng binti, makinis at maputi. Umakyat ang tingin ko sa mukha nya. Hmnn. She was not bad-looking either. Medyo maganda na sya ngayon compare noong mga bata palang kami. Medyo kinulang lang sa dibdib si Gray. Halatang makapal ang padding ng bra nito dahil bakat ang outline niyon sa suot nitong masikip na spaghetti strap top.

“Ano pong university? Eh di ba kakadating nyo lang po nina Red galling US?” Si Gray.

Patay!

“Ha? Matagal na dito sa Pilipinas si Red. In fact, sa STU din sya nag-aaral. Third year na sya. Tourism. Hindi ba sya nakikipagkita sayo sa campus?” si Mama.

Uh-oh. Nakita kong umiling si Gray.

“Eh ‘Ma, hindi ko naman alam kung ano ang course nya at kung saan sya hahanapin sa lawak ng STU.” Palusot ko. Wala naman talaga akong balak hanapin yan sa totoo lang. Eh di namulubi ako sa kakabili ng Ponstan sa pagsakit ng ulo ko nang dahil sa pesteng witch na yan.

“Sya, halina kayo sa loob at may mahalaga kaming sasabihin.” Si mama.

Tumalima naman kami.

---

“Gray, Red, mga anak.” Panimula ni Papa. “Tutal, college na kayo, tinupad na namin ang promise namin sa inyo na pagbibigay sa inyo ng bahay. Doon na kayo titira. Kaya ikaw Red, magbalot-balot ka na at lumayas ka na kina Mark. Mamaya din ay lilipat na kayo doon. Nasa sa inyo na ‘yon kung gusto nyong kumuha ng kasambahay.” Derederetsong litanya pa nito.

“Hep! Bawal tumutol, nakamamatay!” segunda naman ni Daddy ng akmang magsasalita kami ni Gray. Napatungo na lang kami. Kaysa naman mamatay! Adik lang ‘tong mga ‘to eh.

Gray’s POV

Kami nalang ni Red ang pumunta sa bahay. Madami pa daw aayusin ang mga parents namin.

Isang palapag ang malaking bahay . May malawak na terrace. Pagpasok namin sa double door, bumulaga sa amin ang maluwang na sala. Kaunti lang ang kasangkapan doon – sofa, armchairs, mesita at salamin. Simpleng light fixture lang ang nasa sala, pero sa dining area may chandelier. Ang ganda! Six-seater naman ang dining table.

May tatlong pinto akong nakita. Binuksan ko ang una kong nadaanan. Hmnn. Mini-library. Base sa desk at sa bookshelf sa isang panig.

Binuksan ko naman ang isang room. Maaliwalas iyon at pambabae ang gamit. Ito siguro ang kwarto ko. Ang ganda naman! Pero walang sariling CR. Okay lang.

Siguro kay Red ‘yong katabi. ‘Yon lang naman ang pwede nyang maging room kasi wala na. haha. Natatandaan kong ni-request namin dati na magkahiwalay kami ng room.

Medyo gabi na, ano kaya ang kakainin namin? Hindi pa naman ako marunong magluto. Tatanungin ko nalang si Red.

“Tok! Tok! Red?” no response. Pumasok na ako. Bukas naman. Ang dilim. Walang ka-ilaw ilaw. Kumapa ako sa dingding at---

Ano ‘to? Ang tigas ah! Teka, medyo mainit. Kinapa-kapa ko pa. Huh? Tao ba ‘to?  Kinapa ko ulit. Tao nga ata. Si Red ba to? Kapa… Kapa… Kapa… Nagulat ako nang may magsalita.

“Hanggang kailan mo hahawakan ang abs ko?” Si Red. Tapos biglang nagliwanag.

Nakahawak pala ako sa hubad na katawan ni Red. Particularly sa abs nya nga. Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa mukha. Binawi ko bigla ang mga kamay ko kasi parang bahagya akong nakuryente. Nakakahiya.

“Kailan ka pa natutong mahiya?”

Huh? Nababasa ba nya ang isip ko? Teka, hindi ako papatalo. “Che! Anong nahiya ‘yang pinagsasasabi mo?”

“tss. Ano bang kailangan mo? Bakit nandito ka sa kwarto ko?” Naka-kunot noong tanong nya.

Sungit talaga. “Ahm, magtatanong lang po ako kamahalan. Ano po ang kakainin natin?”

“Kunwari ka pang magtatanong, hahawak ka lang talaga sa abs ko.” Bulong ni Red.

“Mabuti naman po at alam ninyo, kamahalan.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Pamatid gutom din itong abs nya. Hihi.

Tigagal sya. “Anong sinabi mo?”

“Nandito po ako para hawakan ang napakatigas nyong abs, kamahalan.” Nakangiti kong sabi habang pinaglipat-lipat ang tingin sa abs at sa mukha nya.

Medyo tulala pa rin sya. “’KAMAHALAN’ ka dyan!” Si Red.

“Ayaw mo?”

“Ayoko.”

“Sigurado kang ayaw mo talaga ng endearment ko sayo?” pangungulit ko.

“Ayoko nga.” Medyo naiinis ng sabi nya.

“Oh sige. Paikliin natin. ‘MAHAL’ na lang.” Sabi ko sabay kindat kay Red.

Tulala ang loko.

(*^﹏^*)

--

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon