CHAPTER 20 ouch!

165 10 1
                                    

CHAPTER 20

Nakatulugan ko na kagabi ang pag-iisip kung sino kaya si Kay?

Hay, imbis na mag-isip ako, maglalaba na lang ako. Mamaya ko na lang sya kukulitin.

I collected lahat ng soiled clothes ko. And then I was about to knock sa door ni Red nang may marinig na naman akong may kausap si Red.

"I missed you so much, Kay." si Red.

Napasinghap ako pero agad ko ding tinakpan ng kamay ko ang bibig ko.

Sino ba ang Kay na 'yun?

Kinakabahan ako. Iba pa naman ang pakiramdam ko. Malakas ang instinct ko at iba ang kutob ko ngayon sa mga ganitong bagay

At inaamin kong nasasaktan ako sa narinig ko.

"Yeah. I'll pick you up. I'll be there in 20 minutes."

...

"I'll call you as soon as I get there. Bye. Take care."

Sabay bukas ng pinto. Hindi na naman ako nakatakbo. Patay.

"Ano na namang ginagawa mo dito sa labas ng kwarto ko?" Si Red wearing his signature coldness in his pretty face.

"Kukunin ko lang po 'yong mga soiled clothes mo at maglalaba na po ako, Your Highness." sagot ko. Hindi ako sanay magsinungaling pero that's partly true.

"Kunin mo sa loob." Tumalikod sya sakin at bumaba na ng hagdan.

"Hoy, Mahal, saan ka pupunta?" Ako.

"None of your business." Masungit nyang sagot. Dire-diretso sya sa may pinto. Akmang hahawakan nya ang door knob nang magsalita ako.

"Sino si Kay?" Mahina lang 'yon pero alam kong narinig nya at napatigil sya sa paghawak sa door knob.

Akmang hahawakan nya na ulit ang door knob nang batuhin ko sya ng unang bagay na nahagip ko, notebook. Tumama 'yon sa likod nya. Sabay sigaw ko ng "I hate you!"

Tuloy-tuloy lang syang lumabas ng pinto.

Naiwan akong nanggigigil. "Nakakainis talaga sya!"

---

Ibinuhos ko nalang ang inis ko sa paglalaba. Kulang tatlong oras na akong naglalaba ngunit hindi pa rin ako natatapos. Ilang araw din kami sa Quezon at talagang tambak ang labahin ko ngayon. At ang tinamaan ng kunat, halos kanyang damit na lahat itong nilalabhan ko. At ayon sa kagustuhan ng Red na iyon. Wala kaming washing machine. Kaya, hala, Laba, Kuskos, Piga ang drama ko ngayon.

Ang hapdi na ng mga daliri ko. May mga maliliit na sugat na at namumula.

"Hah! Kaya ko 'to." bulong ko kahit naiiyak na ako sa hapdi.

Kalahating oras ang lumipas at tapos na ako sa paglalaba. Nakapagbilad na rin ako sa loob ng labinlimang minuto.

Ang hapdi pa rin ng mga daliri ko. Pumasok na ako sa bahay para gamutin ang mga maliliit na sugat. Yay! Nakakaiyak talaga sa hapdi.

Naglalakad ako pataas sa hagdan para kumuha ng maiigamot sa mga sugat ko sa medicine cabinet sa bathroom nang hustong bumukas ang main door at pumasok si Red. Nagtama ang paningin namin pero mabilis kong iniwas. Naiinis ako sa kanya.

---

Red's POV

Kadadating ko lang sa bahay mula sa pagsundo kay Kay sa airport. Inihatid ko na rin sya sa bahay nila.

Hindi ko inaasahang nandito rin si Gray sa bahay ngayon.

Sandaling nagtama ang paningin namin pagpasok ko ng main door at napatigil sya sa paglalakad, para lang mag-iwas ng tingin at magpatuloy ulit sa paglalakad pataas sa hagdanan.

Alam kong galit sya sakin sa inasal ko kanina.

Ngayon ko lang ulit sya nagalit mula nang magkita ulit kami. Pero alam kong madali ko lang syang maaamo tulad ng ginagawa ko sa kanya noong mga bata pa lang kami. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa maabutan ko sya. Hinawakan ko ang kamay nya para mapahinto sya sa paglalakad ng biglang...

"Aaaaaaaaaaahhhh!" Si Gray.

Ha? Natigilan ako sa lakas ng sigaw nya.

"Bwisit ka talaga kahit kailan, 'no?!"

"Huh? What did I do?" Sa wakas ay nakabawi ako.

"What did I do-What did I do ka pa jan? Bitawan mo ang kamay ko, you jerk!" Sigaw sa akin ni Gray.

"Ano ba? Bakit ka ba sumisigaw?!" Ganting sigaw ko sa kanya. Aba, halos mabasag na ang ear drums ko sa sigaw nya ah. Lalo ko pang hinigpitan ang paghawak ko sa kanya.

"Araaaaaaaaaaaay! Bitiwan mo ang kamay ko sabi!" Maluha-luhang sigaw nya at binawi ang kamay nya sa 'kin.

I looked at her hands at nagulat. "Anung nangyari sa kamay mo? Bakit namumula at ano yan, parang may dugo?" Tanong ko.

"Oo. Nagkasugat-sugat ang kamay ko sa paglalaba ng mga damit mong kasingtaas mo ang dami!" Sigaw nya sabay talikod at dire-diretso sa bathroom.

Parang sinuntok ako sa tyan sa nakita kong sakit sa na nakarehistro sa mukha nya. Na-guilt ako dahil alam kong masama pa rin ang loob nya sakin kanina. At ngayon ay nasugatan ang mga kamay nya ng dahil sa akin. Bakit ko pa kasi naisip na hindi bumili ng washing machine!Tssss. I'm the biggest jerk in town!

Sinundan ko sya at hinawakan sya sa braso. "Ako na ang gagamot nyan."

Binawi nya ang braso nya mula sa pagkakahawak ko. "Wag ka nga! Kaya ko 'to mag-isa. Dun ka na lang sa Kay mo!"

Tssss. Nakuha pang magselos eh masakit na nga ang mga kamay nya. Hinawakan ko ulit ang braso nya.

"Hindi mo makakaya 'to ng mag-isa dahil parehong mga kamay mo ang may mga sugat. 'Wag ng matigas ang ulo. Tara sa kwarto."

Nanlaki ang mga mata nya. Huh? Ano na naman ang sinabi kong ikinagulat niya?

Then biglang 'TING!' "Tara sa kwarto nang magamot na 'yang sugat mo." Pigil na pigil ko ang pagtawa. Kahit kailan talaga, Gray. Hmn. You make me smile.

Nakita kong namula na naman ang mga pisngi nya. Ang cute nya talaga! Pero nunca na aaminin ko 'yon sa kanya.

Pinaupo ko sya sa kama ko. "Sa gitna ka umupo. Baka mahulog ka." Sumunod naman sya. Nag-indian sit kami pareho. Magkaharap kami. Nalalanghap ko ang baby cologne nya na humalo sa natural nyang bango.

Hinawakan ko ang isang kamay nya at sinuri bago pa maiba ang takbo ng malikot kong utak at hindi mapigilan ang pagiging handa ni MINI-ME.

"Hmm. Wala akong masyadong alam sa panggagamot ng sugat pero alam kong mas hahapdi ito kung alcohol ang gagamitin ko, kaya betadine na lang." Then, nilapatan ko ng bulak with betadine ang mga maliliit nyang sugat sa kamay.

I secretly look at her face. Alam kong masakit pa rin ng kaunti itong paglalapat ko ng bulak dahil sariwa pa ang sugat. Pero nakikita kong nilalabanan nya ang sakit at tila ayaw nyang ipakita sa akin na nasasaktan sya. Hindi pa rin sya nagbabago. Sya pa rin 'yong Gray na nakilala ko. Malakas at matibay talaga 'to. Walang arte at ibang-iba sya sa lahat ng mga babae. Naalala ko tuloy si Kay at napangiti ako.

Argh! Enough with Kay, Red! bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Then yung sa isang kamay nya, ganun din ang ginawa ko.

"Lalagyan ko pa ba 'to ng gauze?"

"Wag na."

Then after a while. Ok na.

"Thanks, Red." Yun lang at ngumiti sya sa 'kin ng ubod ng tamis.

Ano na naman 'tong nararamdaman ko? Sige lang puso, magwala ka! How can I resist those sweet smile of her?!

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon