CHAPTER 30 New Circle of BROKEN-HEARTED Friends

110 6 0
                                    

CHAPTER 30 New Circle of BROKEN-HEARTED Friends

Gray's POV

Semestral break is officially ended. And today is the first day of the second semester. At naglalakad ako papunta sa room ng klase ko. Ni-review ko ulit ang registration form ko to confirm kung tama yung tinatahak kong way ng classroom. Mabini bldg. MMB. Hinanap ko at hayun! Found it!

Isa na namang nakakapanabik na subject para sakin. English class. Nagulat ako nang pagpasok ko ay namataan ko ang parang pamilyar na mga girls. Tama! Sila nga iyon. Nilapitan ko sina Jai, Charm, Jeneleth, and Lexy. Kung natatandaan ninyo, sila yung mga ka-group namin sa camping dati.

"Wow! Classmates tayo dito?" Masiglang tanong ko.

"Yup, cousin! That's why they're here." Pamimilosopo ni Lexy.

"Okay." (-___-")

"Kamusta ka na, Gray? Long time no see. How's your vacation?" Masayang bati ni Jeneleth.

"Masaya naman. We went in Batangas with Re-... Ahm, with Lexy. Hehe" whew! Muntik na ako. "How's your love for Kent?" Panunudyo ko sa kanya.

"He's such a jerk! A chauvinist pig! And he can go to hell!" naiiritang sigaw niya.

"Ahm, Miss, masyado kang hard. Sa labas mo na isigaw yan. Nakakaistorbo ka sa pag-aaral ko." Said by Farah, the not-so-known student but feeling nya, sikat na sikat siya sa campus.

"Wow! First day palang, at hindi pa na-me-meet ang professor, aral agad? Running for cum laude, 'Teh?" Pambabara ni Jeneleth.

At sa sinabi niyang iyon, hala, hagalpak kami sa kakatawa.

"You're stressing me out, bitch!" Farah yelled with a visible throbbing vein in her forehead.

"Oh yeah? I wanna stress you out more, come here!" Paghahamon ni Jeneleth.

"Aba! Kakaiba din pala ang nagagawa ng galit nito kay Kent ah." komento ni Jai na ikinatawa namin.

Then nakarinig na lang kami ng-- BOOOOOGSH! Tunog ng pintong kumalabog.

"Walk out ang lola mo." Natatawang komento ni Lexy.

"Ok, back to Kent na tayo. Ano'ng nangyari? Tell us!" Ako.

"Ang walang hiyang iyon! Niligawan ko na't lahat, basted pa ako!" namumulang pahayag ni Jeneleth.

"Really? Niligawan mo, girl?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jai.

"Aba'y oo. Ang kapal ng mukha! Siya na ang nabigyan ko ng plastic na blue rose, binigyan ko ng bola ng basketball, tumanggi pa!" naghihumutok na namang wika ni Jeneleth.

"Baka naman kasi basketball court ang gusto?" Si Charm.

"Ang kapal nya ha! Isang basketball team ang ibigay ko sa kanya eh! Na kaming dalawa ang gagawa!" humahagikhik na wika Jeneleth.

"Beystos mo na Jenny!" Natatawang komento ko.

"Kung maka-Jenny ka riyan, Gray ha. I want it to be Jeneleth, and emphasize the 'TH'." mataray na sabi ni Jeneleth.

"Ok. Jeneleth with TH." Natatawa kong sabi.

"So, how's life, Charm?" Tanong ni Lexy.

"Not as good as before." Matamlay na wika ni Charm.

"At bakit naman?" Pang-uusisa ni Jai.

"Kasi naman eh, si Mag-WHO!" Naiiritang wika ni Charm.

"Mag-WHAT?!" Sabay-sabay na sigaw namin.

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon