CHAPTER 26 - Rule Number 1 (Unforgetable moment)

157 10 0
  • Dedicated kay Lyka Mae Salazar
                                    

CHAPTER 26 - Rule Number 1 (Unforgetable moment)

Red's POV

After what happened, my oh-so-wierdo wife ay nag-explain ng katakot-takot kay Eyra.

"You don't have to explain, Gray. It's natural. You're married and there's nothing wrong with that. Actually, I find it cute mga eh. Forgive me but I won't delete your picture on my cam." nakangiti nyang sabi kay Gray, tapos ngumisi sa akin.

What he fox?! Hindi nya pa rin siguro nakakalimutan 'yung deal namin. Yung deal kung saan siya ang nanalo! Patay!

"Bakit ka ba napasugod dito sa kwarto, ha, Eyra?" Tanong ko habang prenteng nakahiga sa kama.

"Eh narinig kong may kumalabog eh. Akala ko nahulog ka. Kaya ini-ready ko na itong camera ko para mapagtawanan kita. Pero ang mas nakakatuwa, I've got the cutest picture ever!" Nakangiti nitong sabi. Wari'y proud na proud sa nagawa.

"Tsss. Lumabas ka na nga. Doon ka na kay Gil." Pagtataboy ko kay Eyra. Si Gil ang mapapangasawa nya. As far as I know, they were classmates in their elementary years. And they started to date when they're in college and tomorrow, they're getting married.

Lumabas na nga ang pilyang si Eyra at nag-iwan ng pilyang ngiti.

Nahiga si Gray sa tabi ko at tumagilid patalikod sa akin. Anyare dito? Bakit hindi nangungulit? At parang nalugi sa talong kung umasta.

Hay! Bakit ko ba sya iniisip! Tss. Tutulog na nga lang ako.

---

Pagkagising ko, wala na si Gray sa tabi ko. Tiningnan ko ang relo ko at napag-alamang 5pm na. Napahaba din ang tulog ko ah.

Sinuri ko ang kwarto at napag-alamang wala si Gray sa loob. Akmang lalabas na ako ng pinto ng mapalingon ako sa bintana. Presto! Nasa labas sya, mukhang masayang masaya habang may hawak ng what's that? Feathers? At kasama ng... Teka? Sino 'yong lalaking kasama nya? Naalarma ang sistema ko at agad akong lumabas para lapitan sya.

---

Gray's POV

"Ganito ba?" Tanong ko kay Prince. Tinutulungan nya kasi akong gumawa ng silo para sa ikakasal. Silo is composed of feathers and coins and tape. Not the recording tape but a scotch tape. It's up to you whether you like to use one peso coin or twenty five cents as a coin.

According to Prince, kailangan lang daw namin ng scotch tape and put feathers and coin on it alternately. But the tape should be long, that a two person can fit as we put it on infinity-like sa balikat ng ikakasal. This symbolizes wealth. Nakasanayan na daw nila ang ganitong tradisyon na ginaganap sa gabi bago ang kasal. If other cultures beleive that the bride-to-be and the groom-to-be should not see each other on the night before the wedding, Batangas culture is different. There's a certain Pahapunan kung tawagin na ginaganap sa gabi before the wedding. Kasiyahan daw iyon at may mga kabataan, dalaga at binata na sumasayaw ng sweet sa dance floor.

"Mali, Gray. Hindi vertical ang paglalagay ng mga feathers, it should be horizontal." Natatawang kinuha ni Prince sa kamay ko ang feathers. One full minute had pass but he's still holding my hand.

At ano ba ang lalaking ito, bakit hindi pa niya inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko?

"Akala ko ba, maginoo ang mga Batangueno? Bakit nakahawak ang lalaking iyan sa kamay mo?" Asked by my oh-so-hottie-hubby in a husky voice na bigla na lamang lumitaw sa tagiliran ko. Siya namang pagbawi ko sa kamay ko.

"Hindi siya taga-Batangas. Nagbabakasyon lang siya rito. Taga-Quezon siya." I said para matakpan ang pagkapahiya ko. "Anong kailangan mo this time, Red?" tanong ko nang hindi humaharap sa punom-puno ng kagwapuhan kong asawa.

Red Roses for a Gray LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon