Prologue

34 2 3
                                    


* ~ ~ ~ *


"Uy Bea, tingnan mo yun oh!"

"Huh? Alin ba?"

"Si pogi oh, kanina pa tingin ng tingin sayo. Ihhhh kinikilig ako, ka forever mo!"

"Aray ha, makahampas wagas!" Tiningnan ko yung tinuturo nyang lalaki at tama nga si Francine, nakatingin sa direksyon namin. "Sira, sayo nakatingin eh, ikaw ang crush!"

"Ang pogiii~ uyyy si kuyang pogi papalapit na sya satin!!" napaayos naman sya ng upo kaya napairap nalang ako."tss"

"Hi girls, mind if I join you?"

"No?! We mind! And besides paalis na kami so sorry. Francine lets go" akmang tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Francine at hinila ang wrist ko.

"Wala naman tayong pupuntahan eh, dito muna tayo. Si kuya na nga yung lumapit, ang KJ mo talaga." bulong nya.

"May gagawin pa ako, kung ayaw mo umalis, maiwan ka na muna dito kasama yang kuya mo for the landi!" tumayo na ako at kinuha ang bag sa katabing upuan. "If you'll excuse us but we have to leave."

"Bea wait for me!!" sigaw ni Francine habang hinahabol ako.

"Talagang sinigaw mo pa ang name ko!?" tinaasan ko sya ng kilay.

"alam mo, kaya ka walang nagiging boyfriend eh, ang taray taray mo! Si kuya na nga yung gumawa ng way nilayasan mo pa!" Hinampas nya ako ng mahina sa braso. Lagi syang ganan pag may poging nakikita.

"Tigilan mo nga ako sa mga ganyang bagay, hindi ko priority ang lovelife. Bata pa ko."

"Anong bata? Eh ang gurang mo na 4th year college na tayo kaya uso ang magkalove life."

"Maraming bagay ang pinoproblema ko ngayon at distraction lang ang love love na yan and besides darating din ang the one sa tamang panahon. Love takes time."

"Hay naku, ang manang mo!!"

Nakarating na rin kami sa village namin, halos mag kapitbahay kami nitong si Francine. Sa second street sya samantalang ako naman ay sa third street.

"Hindi naman sa manang. Alam mo naman kasing takot ako magmahal." namulat kasi ako simula pagkabata na lahat ng nagmamahalan nauuwi rin sa hiwalayan. Sa una inspiration pero sa sumunod na araw nagiging separation. Ganun naman talaga eh, masaya sa umpisa pero sa huli masakit na.

"Takot magmahal? Ang sabihin mo, takot kang masaktan!"

Naghiwalay na kami ng tinahak na daan, lumiko na sya sa second street at ako naman ay dumiretso.

Tama naman si Francine eh, takot talaga akong masaktan kaya ayokong pumasok sa isang relationship kasi alam kong kapag nagmahal ako, automatic ang sakit na mararamdaman.

Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan.

. . . .

* ~ ~ ~ *

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon