Chapter 29 He's with you

0 0 0
                                    

* ~ ~ ~ *

"Andrei bakit tayo nandito? Kaninong bahay ba ito? Parang may party oh. Ang daming bisita. Kakilala mo ba ang may paparty dito? Katrabaho ba natin kaya mo ako sinama? Wala akong dalang regalo at hindi ko din alam kung anong occasion. Hindi mo man lang ako sinabihan na may pupuntahan tayong handaan. Tingnan mo nga ang suot ko oh, nakapang office attire pa ako. Hindi mo na dapat ako isinama." sunod-sunod kong sabi. Tiningnan lamang ako ni Andrei mula ulo hanggang paa and after that he just shrugged his shoulders. "You look okay" sabi nya. Sa dami ng inimik ko, yun lang ang sasabihin nya? Ni hindi nya nga man lang sinagot ang isa sa mga tanong ko.

"Hold this" utos nya at iniabot sa akin ang isang paper bag na color light blue. Hindi ko na naitanong kung ano ang laman nun at kung para saan dahil nagsimula na syang maglakad papasok sa gate kaya dali-dali akong naglakad para masabayan sya. At nang makasabay ako sa lakad nya ay dun ko na nagawang magtanong kay Andrei. "Wait, what exactly are we going to do here?"

"Attending my nephew's birthday" napatigil ako sa pagsunod sa kanya dahil nagsink in na sa utak ko kung para saan itong regalo. Para sa pamangkin nya dahil birthday nito.

Tiningnan ko ang paligid nang makarating kami sa garden area. Nahiya ako sa suot ko dahil halos lahat ay nakaformal attire at mukhang galing silang lahat sa prestigious family. Mayayaman ang mga taong nandito ngayon at mukhang puro mga business man dahil sa suot nilang coat and tie. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang marealize ko na pamilya ni Andrei ang nandito dahil karamihan sa mga lalaki ay kamukha nya. I shouldn't be here with them. I do not belong to his world.

Dumikit nalang ako sa likod ni Andrei. Siguro ay uuna na lang akong umalis at papara ng taxi kapag naibigay na nya ang regalo sa pamangkin nya na dala-dala ko. Napansin kong nakatingin ang lahat kay Andrei tapos ay ako ang binalingan ng tingin at nag bulung-bulungan ang mga bisita. Lalo akong nakaramdam ng tripleng hiya kaya yumuko nalang ako at tinitigan ang paper bag na dala ko. Gusto ko nang umalis dito at bumalik sa trabaho o kaya naman ay umuwi na lang. Bakit pa ba kasi ako isinama nitong si Andrei na ito. Hindi ko alam kung paano makipagsabayan sa mayayaman na nandito.

"Apo, bakit ngayon ka lang? Come here and give me a hug" isang matandang lalaki ang lumapit sa pwesto namin at pilit na niyakap si Andrei. Sya yung nasa photo album na tiningnan ko kahapon nung nagligpit ako sa stock room ni Andrei.

Medyo nakakatawa pa ang mukha ni Andrei at halatang ayaw nyang makipagyakapan sa matandang nakayapos sa kanya. "Lo, cut the hugging thing." sabi ni Andrei nang magkahiwalay na sila ng matanda na sinasabi nyang lolo sa yakapan. Iling lang nang nakangisi ang ginawa ng lolo ni Andrei at napatingin sa gawi ko. Naiba ang expression sa mukha nya at napalitan ng curiosity.

"Who's this fine young lady with you?" tanong ng lolo nya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magpapakilala. I feel out of the place. Who am I to be here in their house and attend this birthday party for Andrei's nephew? I'm nobody in this house. "She's Bea" pagpapakilala ni Andrei sa akin and he's looking at me.

"Hello din po" magalang na pagbati ko. Agad ko namang inilahad ang kamay ko sa lolo nya at agad din nya iyong tinanggap.

"Hello Bea, I'm Andrei's grandfather. Arthur Sevilla. Might as well call me lolo Art." he smiled at me so I also smiled in return while shaking hands. "So Bea, how do you do?" tanong ni lolo Art nang magbitiw ang mga kamay namin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nya. Bakit nakaramdam ako ng kaba? Para akong iniinterview ni lolo Art na magapply sa trabaho. Ganun ang pakiramdam ko, yun bang iniisip ko ang isasagot ko para lang makapasa sa kanya.

"I work po in Merkley company as" tumingin ako saglit kay Andrei bago ibalik ang tingin kay lolo Art "as Andrei's secretary" mahinahon kong sinabi pero nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni lolo Art sa mga mata nya. My forehead creased. I don't know why his facial expression turned to quite shocked. But I just shrugged the thought of it.

"I thought your my grandson's girl" lolo Art stated and now it's my turn to be shocked. Girl daw? Did he thought that I'm Andrei's girl? What does he mean by that? One of Andrei's girl maybe. But no, I wont take that credit. I will  never be one of his girl. Madami na sigurong napakilala si Andrei na babae sa lolo nya kaya napagkamalan akong isa sa mga babae nya. Playboy kasi. Tss.

"Ahm, yes. He's girl secretary po" I saw lolo Art laughed a little. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You're jolly" simpleng sabi ni lolo Art and before I could react to what he stated, he gestured us to go inside. "Nasa loob ang parents mo pati si Andrea kasama ang birthday celebrant" tango at ngiti lang ang sagot ni Andrei kay lolo Art at pumasok na sa loob. Nag bow ako ng bahagya at ngumiti ng tipid kay lolo Art bago sumunod kay Andrei. Nasa akin pa rin kasi ang paper bag na regalo nya. Gusto ko na talagang umuwi dahil naging apat na ag hiya ko nang malaman kong nasa loob ang pamilya nya. Nakakahiya kina Mr. Sevilla, baka akalain na nagtatrabaho pa din ako sa bahay nila.

Bago pa man makarating sa living room ay hinabol ko na si Andrei at hinawakan sa braso para mapigilan sa paglalakad. "Ahm, Andrei ito na yung regalo mo sa pamangkin mo oh. I better be going." I said but Andrei's forehead creased kaya napaawang ang bibig ko. Iimik pa sana ako para magpaalam sa kanya at lalabas na ng bahay nila ngunit hindi ko na naituloy dahil may umimik na boses babae sa likuran ni Andrei.

"Andrei, andito ka na pala." hinarap ni Andrei ang nagsalita. Hindi ko pa makita kung sino iyon dahil naharangan ito ng malapad na likod ni Andrei. Nakatayo lang ako at hindi ginagalaw ang mga paa ko. Naiwan ako dahil sumama na si Andrei dun sa babae. Ilang segundo pa bago ako nilingon ni Andrei at nakakunot na naman ang noo nya. Seriously, mas daig pa nya si lolo Art dahil mukha na syang may wrinkles sa kakakunot nya ng noo. Sumenyas ito sa kasama nyang babae ng sandali lang at bumalik sa pwesto na tinatayuan ko. "Aren't you coming?"

"Ha?" nakanganga lang ako habang iniaabot ang paper bag. Hindi nya kasi ito kinuha sa akin kanina. Tiningnan lang nya ang paper bag tapos ay ibinalik sa akin ang tingin. Hinila nya ang wrist ko at nagpatianod naman ako. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko din naman alam kung paano ako makakauwi. Nakarating na kami sa pwesto nung babaeng tumawag kay Andrei kanina dito sa salas.

"Mom, this is Bea" nagulat ako ng kaunti nang ipakilala ako ni Andrei. So si Mrs. Sevilla pala itong babaeng kaharap namin. Agad naman akong nagbow ng kaunti at binati ang mommy ni Andrei. "Hello po Mrs. Sevilla" medyo nahihiya pa akong batiin ang mom nya. Sobrang ganda nito at hindi halatang mommy ni Andrei. Birthday nga pala ito ng pamangkin ni Andrei so ibig sabihin ay may apo na si mrs. Sevilla. Hindi halatang may apo na ito.

Nginitian lang ako ng mom ni Andrei ngunit halata naman sa mukha nito ang pagkagulat and I don't know why she reacts like that. May lumapit sa amin na lalaki. Wari ko'y si Mr. Sevilla ito dahil pamilyar ang mukha nya at isa pa, kamukha sya ni Andrei.

"Dad, nakauwi ka na pala. How's Los Angeles?" tanong ni Andrei. Tama nga ako, sya si mr. Sevilla. Galing pala itong LA kaya wala sya sa kompanya at si Andrei ang naging acting CEO. Nagusap pa ang mag ama at tiningnan ko lang sila. Nakakatuwa dahil close sila sa isa't-isa. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit dahil bata pa lang ako ay naghanap na ako ng kalinga ng isang ama ngunit ipinagkait ito sa akin. Ganun lang siguro talaga ang tadhana para sakin. Tanggap ko naman eh dahil hindi lang ako ang tao na naulila sa ama. Napatingin si mr. Sevilla sa akin kaya tipid akong ngumiti. Napansin nya siguro ang presensya ko na nakatitig sa kanilang dalawa ni Andrei.

"You are?" tanong ni mr. Sevilla.

"Ahm, Bea Valdez po." agad kong tugon. Lumapit naman sa akin si Andrei. "She's with me dad." nakita ko ang pagngisi ni mr. Sevilla sa kanyang anak. Tiningnan ko si Andrei at sya naman ay iiling iling. Kumunot tuloy ang noo ko. Naglahad ng kamay sa akin si mr. Sevilla kaya nakipagshake hands agad ako. Aba, ang swerte ko dahil ilap si mr. Sevilla sa mga empleyado nya sa Merkley so I take this as an opportunity to meet our big boss.

"So, you're with my son? I'm glad that he's with you"

* ~ ~ ~ *

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon