* ~ ~ ~ *
Nakausap ko na si Brian na hindi talaga ako nagpapaligaw sa kahit na sino and he agreed that we'll stay as friends.
"Bea, tara maglunch!"
"Ahm Brian, mauna ka na maglunch. Hindi pa kasi ako tapos dito."
"Hintayin na kita" sumandal sya sa cubicle ko at humalukipkip.
"Wag na, baka kasi gutom ka na." sabi ko habang nagtatype pa din sa computa ng hindi sya tinitingnan dahil nakapako ang tingin ko sa monitor.
"Okay lang ako, ikaw ang baka gutom na kaya mamaya mo na yan tapusin." Lumapit naman sya sakin sa likod ko at tiningnan din ang monitor. Sinisilip nya kung ano ang ginagawa ko.
Parang hindi ako mapakali sa pwesto ko dahil ramdam ko ang paghinga nya sa kaliwang tenga ko. I feel shiver. "Hindi pwede Brian kasi mamaya ko na ito i-email kay sir Andrei." untag ko at hindi ko magawang lingunin sya dahil one wrpng move ko lamang ay alam kong magkakadikit ang mga mukha namin.
Nanahimik lang si Brian at nagbuntong hininga. Ramdam ko ang pagtayo nya ng maayos. Patuloy pa rin ako sa pagtatype at hindi sya tinitingnan. Nanaig ang katahimikan at tanging pagtatype ko sa keyboard lamang ang maririnig.
"Bea, iniiwasan mo ba ako?" binasag ni Brian ang katahimikan. Hindi ko inaasahan na magtatanong sya ng ganun sakin. Sa totoo lang kasi nailang na ako kay Brian matapos ang pagamin nyang may gusto sya sakin. Lahat kasi ng mga lalaki pinagtatabuyan ko, kaya palagi ko na syang pinagtataguan at iniiwasan. Ayoko din naman sayangin yung friendship namin kaso ayoko din namang mahulog lalo ng tuluyan ang loob nya sakin. Mas mabuti nang habang maaga ay mapigilan nya na ang nararamdaman nyang pagkagusto sakin because I know that I can't return the love he's giving me. Unti-unti ko syang nilingon and gave him an awkward smile.
"Brian, hindi naman sa ganun. Busy lang talaga ako ngayon" palusot ko dahil alam kong maiinis sya sakin kapag nalaman nya na ang dahilan ay ilap ako sa kanya.
"Hindi lang naman ngayon eh. This past few weeks, I can sense that you are avoiding me. Look Bea, I'm sorry kung nailang ka sakin." sabi nya sabay pumamulsa sa kanyang slacks.
"Ano ka ba Brian, you don't have to sorry. Ako yung dapat mag sorry kasi iniwasan kita ng walang pasabi."
"Pwede bang kalimutan na natin ang nangyare? Can we still be friends?"
"Oo naman, friends tayo." I sighed. Sinave ko na ang ginagawa ko sa aking desktop then I shut it down. Naligpit ko na rin ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa. "So ano? Tara lunch tayo?"
. . . .
"Dito ka ba lagi nagla-lunch?"
"Oo kasi it is near the Merkley company and besides the food was great"
"Tama ka nga Brian, masarap dito."
Nagkwentuhan kami ni Brian about movies. Marami na syang na download na bagong release sa website na pinangda downloadan nya nga mga movies.
"Here's my usb, icopy mo na lahat."
"Ilang gb ba to?"
"16gb, kasya ba lahat ng bago mong movies jan?"
"I don't know pero pagkakasyahin ko nalang" he smiled brighly even his eyes are shining bright.
I was about to speak when suddenly I saw someone at the counter. He seems familiar to me, how he stand tall, how he gesture his hand pointing his index finger at the board and how he scratch the back of his neck. Though I can't see his face but I can never forget his hair that I used to comb using my fingers and play with it also his body that I used to hug.
I never thought that I will see his existence again. Matagal ko na syang pinatay sa isipan ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Lumabas na sya ng restaurant na kinakainan namin ngayon ni Brian and he leaned to his car.
He's wearing a long sleeves that is color light blue na nakarolyo hanggang siko and he's wearing black fitted slacks. Pinagmasdan ko talaga ang bawat galaw nya pati ang pagdukot nya sa phone at itinapat sa tenga nya. Kung pano nya ibuka ang bibig nya ay tanaw na tanaw ko at ang pangngisi nya habang may kausap sa kabilang linya sa kanyang phone na mas lalo pang ikinataranta ng buong systema ko. Ang gwapo pa rin ni Xander.
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit nya nagawa sakin yun. Gusto kong maramdaman rin nya ang sakit na naramdaman ko noon. Gusto kong mawala ang nararamdamn kong ito sa kanya dahil hanggang ngayon galit pa rin ako sa ginawa nya sakin.
Kahit lumipas na ang four years, parang bumalik ang lahat. Naalala ko kung paano nya ako niloko.
"Uy Bea?" nagaalalang tanong sa akin ni Brian na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya at kita ko ang malungkot nyang mukha na lalo ko pang ikinapagtaka.
"Kanina pa kita kinakausap, anlayo ng tingin mo! You're spacing out." untag nito.
"Sorry Brian" paghingi ko ng paumanhin kay Brian at tinanong ulit sya "Ano ulit yun?"
"Ano bang tinitingnan mo sa labas?" balik nyang tanong sa akin at napalingon si Brian sa likod nya kaya napatingin rin ako sa labas ng resto pero wala na si Xander at wala na rin ang kotse nya. Namalik mata lang ba ako kanina? But I'm definitely sure that it was him.
"Wala naman akong tinitingnan Brian. May naalala lang ako kanina." I jist shrugged my shoulders and looked at him. "What is it that you're asking?" I averted my gaze the moment I saw him staring at me. Honestly, I feel awkward when he look at me straight into my eyes.
"I'm asking you kung sino ba ang client mo tomorrow." he asked at medyo tagilid pa ang ulo nito na talagang hinihintay ang pagsagot ko.
"Ahhh, sa J corporate ako pupunta bukas. Kakausapin ko kasi ang isa sa mga engineer nila para maging engineer sa real estate natin."
"Teka, nabasa ko yung J corporation sa client profiles kanina. May inabot kasi sakin si miss Garcia na folder para matawagan ko yung mga clients and investors. Matagal nang nirereject ng J corporation ang proposal ng Merkley."
"Talaga!? Hindi nila pwedeng tanggihan ako bukas, nakasalaylay ang trabaho ko sa pagpayag nila." halos hysterical kong sinabi that made his forehead wrinkle. "Bakit naman?" tanong nito sa akin.
"Sir Andrei gave me one condition. Pag napapayag ko ang J corporation na maging engineer sa Merkley ang isa sa kanila, secretary pa rin ako ni sir Andrei pero pag hindi. . . . Tanggal na ako sa trabaho."
"What?! Seriously? Bea mukhang mahihirapan ka! Ilang beses ng nagpropose ang Merkley sa J corporation pero lahat ng yun ay rejected. Para kasing personal issue ang namamagitan sa dalawang company kaya ayaw nilang pumirma at maging ang engineers sa J corporation ay pinagbawalan na magtrabaho sa Merkley. Pero wag kang magalala, I'll help you sa proposal."
"Thanks Brian. Sana nga mapapayag ko sila."
. . . .
Saan at kanino naman kaya galing to? Bakit may rose dito sa lamesa ko? Kay Brian ba to galing? Hindi ba't napagusapan na namin na walang ligawan portion. Pero magkasama naman kami ni Brian kanina sa lunch kaya imposibleng sa kanya galing to. Baka naman may inutusan sya at pinalagay nya sa table ko? Ang kulit talaga ni Brian."BEA!"
"Ay rosas!" nalaglag ata ang puso ko dahil sa sigaw na uma- alingawngaw pa rin saking tenga hanggang ngayon. Unti-unti ko namang nilingon ang sumigaw ng pangalan ko at paglingon ko sa kanan ay nakita ko ang kagwapuhan ng boss ko. Kapangitan pala dahil nakakunot ang noo nya at salubong ang kilay. Itinago ko ang rose sa drawer ng table ko at nagangat ng tingin kay sir Andrei "Sir bakit po?"
"I need you here in my office." malamig na sabi nito na nagpatayo sa mga balahibo ko. Malamig pa ang boses nya sa aircon.
* ~ ~ ~ *
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Підліткова літератураMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...