* ~ ~ ~ *"Bea, tara ng umuwi" pag-aya sa akin ni Katy. Nagovertime kasi kami ngayon sa trabaho at alas nuebe na ng gabi. "Sige, isha-shutdown ko lang ito" agad agaran ko ng pinatay ang computer at in-off na din ang avr. Pagkakuha ko ng aking bag ay agad akong hinila ni Katy papunta sa elevator at pagkababa na pagkababa namin ay nakita kong naghihintay si Brian sa lobby. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumapit naman kami.
"Let's go" ngingiti-ngiti nyang sinabi. "Brian? Hinintay mo kami for four hours?" tanong ko sa kanya. Ala-sinko kasi sya nag-out kanina. "Yeah" simpleng sagot nito at agad ko naman syang tinanong kung bakit. He just shrugged his shoulders and said "I can wait longer in the name of love."
"In love?" tila ba'y naguguluhan kong tanong. He's in love? Napaawang ang aking bibig ng mapagtanto ko ang sinabi nya. Hindi ba't nagusap na kami that we're just friends. It's not that I'm being unfair to him for not giving him a chance but it's because I don't want to hurt him. Hindi ko kasi kayang ibalik ang pagmamahal nya sa dahilan na natakot na akong magmahal muli.
Papalabas na kami ng kompanya. "Bea, he's courting me." giit ni Katy't mas lalo akong naguluhan. Nauunang maglakad si Brian sa amin ni Katy hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang sasakyan tapos ay humarap si Brian sa amin. "Bea, I'm sorry for not telling you. Gusto kong sabihin sayo na hindi ko pinaglaruan ang damdamin mo. Totoong nagustuhan kita nung una. Then suddenly I felt this strange feeling for Katy. Naiba ang tingin ko sa kanya. Aaminin ko sayo na nabroken-hearted ako matapos mo akong ireject sa Ktv bar. Alam kong mababaw pero nasaktan ako ng kaunti. Medyo kumirot ang puso ko dun. Hehe" then he scratch his nape at bahagyang napayuko habang nakangiti na parang nahihiya pa. "I was hurt back then but Katy was there. She comfort me. I saw how she cares for me. I noticed her presence and I started to fall for her." Nagangat sya ng tingin kay Katy at ngumiti. "She's all I ever wanted" napangiti ako sa sinabi nya. Maging si Katy ay napangiti rin, medyo teary-eye pa nga ang isang ito. Napahiya ako sa inisip ko kanina. Akala ko kasi ako yung dahilan ng paghihintay nya, si Katy pala dahil nililigawan na nya ito. "Nilalanggam ako sa inyo" biro ko.
"Tara nang umuwi." aya ni Katy, mabilis namang binuksan ni Brian ang pintuan ng kotse nya at iginaya paupo si Katy doon. Binuksan rin nya ang pintuan sa likod at inaya akong sumabay sa kanila but I refused. Pinilit pa ako ng dalawa but they are defeated. Andami kong idinahilan, sinabi kong maglalakad nalang ako tutal tapat lang ng company ang tinutuluyan ko pati para hindi na sila maabala pa kaya naglakad na nga ako pauwi.
Habang natawid, hindi ko mapigilang maging masaya dahil alam kong masaya sila. It's good to know that my two good friends are happy. Nakarating na ako sa kanto. May madadaanan pa akong eskinita kaya kinapa ko na ang flashlight sa aking bag. Habang hinahanap ko ang flashlight, nakaramdam ako ng matulis na bagay na nakalapat sa aking likod. "Miss, wag kang magtatangkang sumigaw. Ibigay mo sakin ang wallet at cellphone mo." ani ng lalaki na may malagong na boses. Nakakatakot. Parang nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi na ako makagalaw dahil ramdam na ramdam ko ang kutsilyo sa likod ko. Hindi pa naman ito bumabaon ngunit alam kong matalas ito.
"W-wag nyo p-po akong sasaktan" nanginginig kong sinabi. Pautal utal na ako dahil sa sobrang takot. "Ibigay mo na sakin ang pera mo kung ayaw mong patayin kita!" maawtoridad nitong sinabi't sa tono ng boses nito ay parang kaya nyang totohanin na patayin ako. Hindi ko kayang manlaban dahil alam ko sa sarili ko na mahina ako't lampa. Kukuhanin ko na sana ang cellphone at wallet ko para ibigay sa holdaper nang biglang lumiwanag at nasilaw ako doon. "Putangina!" sigaw nung lalaki. May bumabang tao sa kotse, agad namang itinutok nung holdaper ang hawak nyang patalim sa taong lumabas sa kotse. Sa hugis at hubog ng katawan nito ay masasabi kong lalaki ito. "Wag kang lalapit kundi papatayin ko 'to" sigaw ulit nung holdaper ngunit hindi nakikinig ang lalaki at lumalapit pa sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...