Chapter 25 Punishment

12 0 0
                                    

* ~ ~ ~ *

"So ayun yung nangyare Xander. To make the story short, naituon ko lahat ng attention ko kay Kris at unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya sa hindi inaasahan na pangyayare. Para kasing nagmukha akong bridge kay Jenny at Kris tapos di ko namamalayan na ako pala yung nahuhulog sa bitay." pagpapatuloy ko sa kwentuhan namin ni Xander.

"Wow ha! To make the story short? Eh ang haba ng naikwento mo!" natatawang sabi nya.

"Hoy hindi ah, oa ka!"

"Anong hindi!" Tiningnan nya ang kanyang wrist watch tapos ay ipinakita iyon sa akin. "Eh tatlong oras kang nagkwento tapos tatanggi kang hindi mahaba" giit nya. Sinimangutan ko nalang sya. "But seriously, I'm glad that we're okay now" and he smiled at me.

"Pero bakit ka ngayon mas natakot magmahal ng dahil kay Kris?" tanong nya. Natigilan rin naman ako sa tanong ni Xander. Hindi pa kasi tapos ang kwento ko kay Kris, ayoko lang talagang ishare muna. Masasabi ko kasing puno ng katangahan ang mga pinaggagawa ko nung college. Nagmahal lang naman ako ng palihim pero bakit ako yung mas nasaktan. Dun ko lang napatunayan na talaga palang komplikado ang lahat ng bagay pagdating sa love. "Ah eh. Saka ko nalang siguro ikekwento sayo Xander, maggagabi na oh. Tara ng umuwi"

"You're right. Let's go home. Napasarap na tayo sa kwentuhan." inilalayan nya pa akong tumayo tapos ay nagtungo na kami palabas. Pinagbuksan nya rin ako ng pintuan. "Uhm, salamat sa time. Nag enjoy ako." ani ko kay Xander. "Ako rin. Nag enjoy rin ako. May utang ka pa sakin na kwento ha. Hindi mo pa yun tapos. Next time nalang kapag hindi na tayo busy."

"Sige pero dapat ikaw rin magkwento ka sakin ha. Bye una na ako" tumingin na ako sa tapat kung saan may mga nakaparadang tricycle. Paparahin ko na sana ngunit hinawakan ni Xander ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. "Sabay ka na sakin. Hatid na kita" alok nya. Agad naman akong tumanggi. Nakakahiya kasi.

Umiling ako sa alok nya at nginitian sya. "Hindi na. Malapit lang naman yung tinutuluyan ko."

"Ikaw pa rin talaga ang Bea na nakilala ko. Wag mo na akong tanggihan. Wag ka na ring mahiya."

"Okay lang talaga Xander." at tinapik ko pa sya sa balikat. "No, sakin hindi okay. Hindi na ulit kita pababayaan. I insist, sakay ka na." binuksan na nya ang pintuan sa passenger seat ng kanyang kotse. Nagbuntong hininga na lamang ako. Mapilit eh. Kilala ko ang isang ito. Gusto nyang masunod ang mga bagay na maisipan nyang gawin. Lumaki kasing spoiled.

Sumakay na ako sa kotse nya at agad naman nya yun isinara. Mabilis syang umikot papuntang driver seat. Sinuot ko na rin sa akin ang seatbelt kasabay ng pagbuhay nya ng makina at pinaandar ang kanyang kotse na mabagal sa umpisa at agad rin namang pinabilisan ang pagmamaneho. Mabilis kaming nakarating sa kanto ng boarding house ko. Hindi naman kasi kasya sa kalye ang kotse nya kaya sa kantuhan na ako bumaba. Nagpasalamat ako kay Xander tapos ay umalis na rin sya.

"Uy Bea, boyfriend mo?" napatalon ako sa gulat ng marinig ko si Charmaine, boardmate ko. "Wag ka namang manggulat Charmaine" sabi ko nang nakahawak sa dibdib ko. Sobrang bilis tuloy ng kabog ng puso ko dahil sa gulat. "Hindi naman kita ginugulat ah, so ano nga Bea? Boyfriend mo?"

Agad naman akong umiling sa tanong nya. Hindi ko na ulit sya pinansin at umakyat na ako pataas tungo sa aming kwarto. Umupo ako sa paanan ng aking kamay at iiling iling. Inisip ko ang nangyari sakin buong araw. Ang kwentuhan namin ni Xander.

"You're still my Cupid huh?" sabi ko sa mahinang tono nang nakangiti. Nakakamiss rin pala ang mokong na yun.

"Ano yun Bea? May sinasabi ka?" tanong ni Charmaine na kapapasok pa lang dito sa loob galing rin sa labas. "Ahh wala naman Charmaine. May pagkain ka na ba?"

"Wala pa. Bibili nalang siguro ako jan sa labas ng pang hapunan ko." sabi nya't pumanhik sa kanyang kama sa taas ng double deck. "Wag na, may mga pagkain akong tinake out. Pagsaluhan nating dalawa mamaya itong mga ipinabalot ko.

"Naku nakakahiya naman. Okay lang. Bibili nalang ako mamaya"

"Ikaw talaga, wag ka ng mahiya. Walang kakain nito kung hindi mo ako sasaluhan. Itatapon ko to sige ka" panakot ko sa kanya. Alam ko kasing manghihinayang sya sa pagkain kaya papayag sya na kainin ang mga pinabalot ko. Minsan na nga lang ako manlibre dahil kuripot rin ako, tatanggihan pa nya. "Wag sayang, wag mong itapon ah"

"Kaya sabayan mo akong kumain. Marami itong tinake out ko." wala na rin syang nagawa kaya tumango nalang si Charmaine at ngumiti. Nang mag alasyete, kumain kaming dalawa ni Charmaine. Si Charmaine ay nagtatrabaho sa San Miguel corporation. Wala ang dalawang studyante na ka boardmate namin sa kwartong ito dahil bakasyon nila. Si Jona ay nagaaral sa CEU at si Grace naman ay Third year college sa N.U.


"Brian naman eh. nakikiliti ako." rinig kong sabi ni Katy pagkadaan ko sa department nila. Tiningnan ko sya at nakita kong kinikiliti ni Brian si Katy. "Huy tama na nga yan, andami nang langgam sa sahig oh" suway ko sa dalawa kaya napalingon sila sa akin at natigilan naman si Brian sa pagkiliti kay Katy. "Ang bitter naman ng isa jan. Nagmamahalan lang naman kami eh" sabi ni Brian.

"Brian kasi, tama na" sabi ni Katy kay Brian habang tinatanggal nya ang kamay ni Brian sa kanyang tagiliran. "Bea, kanina ka pa hinahanap ni sir Andrei. Ahm, pumasok ka na sa office nya. Bilisan mo. Mukha kasing galit na naman eh." sabi nya na ikinataranta ko kaya mabilis na akong nagpaalam sa dalawang love birds. Kinabahan tuloy ako. Bulyaw na naman ba ang aabutin ko sa boss ko? Palagi nalang mainit ang dugo nya sakin eh. Daig pa ang babaeng may menstruation.

Dahan dahan kong itinulak ang glass door ng kanyang opisina at unti-unting pumasok sa loob. Nakita kong nakatuon ang buong atensyon ni Andrei sa kanyang laptop at nakakunot ang noo. Naglakad na ako papalapit sa kanya.

"Uhm, sir?"

Nagangat sya ng tingin at nagtama ang aming mga mata sa isa't-isa. Nakakalunod ang mga titig nya. Ang seryoso nang kanyang mga mata.

"Maupo ka" malamig na utos ni Andrei kaya naupo ako sa harapan nya. "Pinapatawag nyo raw po ako?" kalmadong tanong ko sa kanya. Isinarado nya muna ang kanyang laptop at ipinagsalikop ang mga kamay na ipinatong sa kanyang mesa. Umayos na rin sya sa pagkakaupo.

"Nagpatawag ng urgent meeting mamaya si Mr. Esteban."

"Okay. Anong oras ba Andrei?"

"Lunch meeting so maybe 11:30 sa Giligans"

"Ah, sige. Pwede ba akong magpahatid kay mang Bert sa service?"

"No" simpleng sagot nya. "I'll be with you sa meeting" tango nalang ang naisagot ko sa kanya. Wala naman na akong sasabihin pa eh. "Is that all sir?" tanong ko ngunit imbes na sumagot sya ay binigyan nya ako ng isang matalim na tingin. Animoy isang mabangis na hayop. Hindi ko na tuloy maiwasang magtanong ulit. "B-bakit sir?" I utterly asked.

Tiningnan nya ako ng diretso sa mata and he entwined his fingers. "As for your punishment" panimula nya kasabay ng paglunok ko sa aking laway. Hindi ko mahanap ang mga salita sa bibig ko. Parang naubusan ako ng hininga sa mga titig ni Andrei. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ulit magtanong. "P-punishment?" simpleng pagtango lang ang sagot nya sakin. Katahimikan ang nanaig sa loob ng kanyang office. Ngunit makalipas ng sampung minuto, he broke the silence. My eyes widened from what he told me. Parang nabingi ako sa sinabi nya.

"Sa condo ko na ikaw titira"

* ~ ~ ~ *

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon