* ~ ~ ~ *
"Pagkatapos mo jan, linisin mo yung stock room ko!" bulyaw na naman ni Andrei. Pangatlong araw ko na itong ginagawa, ang linisin ang mga kalat ni Andrei sa condo nya. Seriously, his unit is a mess. Ang linis sa salas pati sa mga kwarto pero yung ilalim ng cabinets, at yung stock room nya ay sobrang kalat. Akala ko ba may mga house keeper dito at tagalinis sa bawat condo unit? But it seems to be that there's none. Oh sadyang kinakalatan lang talaga ni Andrei para pahirapan ako?
Kahapon nga lang ay pinalinis nya sakin yung kotse nya na sobrang baho. Maasim ang amoy, parang amoy suka tapos amoy alak rin. Andami pang basura. Katatapos ko nga lang linisin itong kusina nya na puro tapon ng condiments sa may sink at sa stove. May mga balat din ng kung ano ano na nakakalat sa ilalim ng drawers. Sala pa ang tapon sa basurahan, hindi man lang nya ishoot na tama. Minsan nga tuturuan ko syang magbasketball para matutong ishoot ang mga kalat sa basurahan. Nakakainis na talaga si Andrei, sinusubukan nya ang pasensya ko.
"Hurry up! May gagawin ka pa after you clean up this mess" aniya nang nakaturo sa stock room. Napabuntong hininga na lamang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? I'm his slave.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ako aalipinin ni Andrei. Gusto ko na itong tapusin.
"I have a meeting and once I get back, you're done cleaning that room." utos na naman nya at bago ako makaangal ay isinara nya ng pabagsak ang kanyang pintuan dahilan ng pagtumba nung black garbage bag sa sahig. Kumalat na naman yung mga winalis ko kanina sa sahig.
"Aahhhhh" Sumigaw ako sa inis!! Hindi ko dapat ito ginagawa eh. Kasalanan ni Zach at Brian kung bakit ako nandito sa posisyon ko ngayon at alipin ni Andrei.
Andaming libro dito sa stock room, andami ring mga papel at sa tingin ko ay mga files ito about sa Merkley. Niligpit ko ang mga iyon at inilagay sa kahon. Pinagsama ko din ang mga lumang gamit. May mga suit case din sya na inaamag na. Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko ay may napansin akong malambot na bagay na nakabalot sa blue na tela. Because of my curiosity, I opened it and a teady bear caught my eyes. Bago pa ito at napaka cute.
Kay Andrei kaya 'to? O baka naman ibibigay nya kung kanino? Tiningnan ko pa yung loob ng blue na tela at may nakita pa akong picture. Si Andrei ang nasa litrato at may kasama itong isang babae. Nakaakbay si Andrei dun sa babae at magkatinginan sila sa mata. As what I am seeing, it looks like they're couple here and they're in same school in college because of their uniform. Pero bakit nakatago pa ito dito? Sa tingin ko ay ex ito ni Andrei nung college at hindi pa sya nakakamove on kasi bakit nya pa ito itinatago dito imbes na itapon. He's still treasuring this teddy bear same goes with this picture and maybe together with his memories with this girl.
Ibinalik ko yung teddy bear sa tela pati yung picture. I just shrugged my shoulders at binalewala ang nakita ko. Wala naman akong mapapala dun. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at may nakita akong photo album. Dahil makalikot ako, binuksan ko iyon at tiningnan.
Mga pictures ni Andrei nung bata pa sya na may kasamang matandang lalaki, baka lolo ni Andrei ito. Nasa amusement park silang dalawa. Pagkatapos ko sa unang photo album, yung pangalawa naman ang tiningnan ko at laking gulat ko na makita si Jason Lagdameo kasama si Andrei. Magkaakbay sila pareho at nakangiti ng malapad. High school silang pareho dito sa litrato. Magkakilala pala sila noon pa? Pero bakit parang hindi na ngayon? Ni hindi nga man lang sila nagiimikan. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Mukha silang mag bestfriend sa sunod na pictures. Grabe ang closeness nila dito, hindi ko akalain na ngayon ay hindi na sila nagpapansinan. Nagaway kaya sila?
Matapos kong tingnan yun ay nilagay ko na sa kahon kasama ang ilan sa mga papeles. Andami kong nalalaman at parang puzzle na kailangang buuin dahil hindi pa malinaw sakin ang lahat. Bakit parang may hidwaang nagaganap sa pagitan ni Andrei at Jason? Sino din pati yung babae na nasa picture na kasama ni Andrei?
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...