* ~ ~ ~ *
. . . .
"Aawwwww Bea grabe naman yung kwento nyo! That is such a breaking story. Hindi ko akalain na ganun ang gagawin sayo ni Xander." sabi ni Gillien.
"Well, ganun talaga. Expect the unexpected."
"What if may dahilan sya sa nangyari? What if may chance pa pala?"
"Hindi na uso ang second chance girl. Sometimes you have to accept the fact that certain things will never go back to how they use to be."
"But still I can't imagine that the two of you guys ended up that way." aniya.
"Let's just not talk about it anymore. I've moved on."
"Pero paano ka naka-move on?" tanong ni Gillien.
Flashback
Dalawang buwan na ang nakalipas. Wala akong ginawa gabi-gabi kundi ang umiyak ng umiyak. Masakit pa rin. Palagi na rin akong tulala at out of focus. Parang tanga lang. Ano bang nagawa ko? Ano bang pagkukulang ko kay Xander?
Pumasok ako sa school na bangag. Magang-maga ang mga mata ko. Hindi ako makapag concentrate sa pagaaral.
"Hanggang ngayon ba iniiyakan mo pa rin ang lalaking yun?" tanong ni Dan.
"Wag na nating pagusapan bhe." sabi ko.
"Mukha kang zombie!" sabi ni Micha.
"Sobra kang wasted, para kang naka-drugs. Hahaha" sabi ni Chemee.
"Tara, ipakulong na natin to! Ipasuko na sa pulis. Hahaha" sabi ni Jp at hinigit nila ako patayo ng study table.
"Ang salbahe nyo talaga sakin!"
"Pinapagaan lang namin ang loob mo bhe. Tama na kasi ang pagluluksa!" sabi ni Dan.
"Wag na kayong magalala sakin. Nabuhos ko na lahat ng luha ko, hindi na ulit ako iiyak."
"Oh sya tara na mag celebrate! Libre ni Bea dahil naka move on na sya! Hahaha" sabi ni Micha.
"Hoy hindi ako manlilibre. Ang dami pa nating bayarin!"
Mabilis na lumipas ang panahon. Pinipilit ko ang sarili ko na mag move-on pero ang hirap. Para syang garapata dahil ang hirap nyang alisin sa buhay ko.
"Class, I will discuss your project for Midterm. You will create a commercial video at kayo ang bahala sa product. Dapat unique. 5 members in each group."
Kaming lima nina Dan, Micha, Chemee at Jp ang naging magkaka group.
"Ano munang product naten?" tanong ni Dan.
"Pwedeng sabon panlaba, tas si Chemee yung bida sa commercial tutal mukha namang labandera. Hahaha" asar ni Micha.
"Tapos dalawang babae maglalaba. Si Chemee dun sa product naten tas si Bea dun sa BRAND X." mariin na sabi ni Jp at talagang inemphasize pa yung letter X.
"Ang diin ng brand X. Hahaha." - Dan.
"Ayoko nga sa brand X, dun ako sa product natin."
"Ikaw na Bea tutal X mo naman si X." sabi ni Micha.
"Tss. Kinakalimutan ko na nga pero pinapaalala nyo pa." daing ko.
Nahihirapan akong makalimot. Lalo na kung may nagpapaalala pa. Araw-araw nila akong inaasar.
Wala na talaga kaming communication ni Xander. Ni hindi man lang nya ako sinuyo.
Gusto ko syang kausapin. Gusto ko syang balikan. Gusto kong itanong kung pano nya nagawa yun sakin. Gusto kong malaman kung ano bang nangyari. Gusto kong marinig ulit ang boses nya. Gusto ko syang makita. Gusto kong mag sorry sya sakin. Gusto kong alamin ang totoong dahilan nya. Gusto ko syang patawarin. Gusto ko syang bigyan ng second chance. Gusto kong magkaayos kami.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...