* ~ ~ ~ *
Retreat ng fourth year students. Andito na kami sa Calaruega Nasugbu, Batanggas. Katabi ko si Jilyan at Ana sa bus. Kakaiba itong tourist bus na nasakyan namin dahil yung apat na row sa hulihan ng bus ay magkakaharap kaya naman katapat ko sa upuan sina Dianne, Francine, Evana at Jessica. Katapat nila kami nina Jilyan, ako, Ana at Aira na classmate namin.Binaba na nung conductor ng bus ang mga maleta namin galing sa streabo. Nakita ko naman ang maleta ko kaya hinila ko na iyon at sinundan ang mga kaibigan ko, medyo nasa hulihan ako dahil mabigat ang dala ko.
"Ako na!" hinila ni Xander ang maleta ko, inagaw ko yun pabalik dahil digulong naman ito kaya hindi ako mahihirapan. "Wag na! Kaya ko naman!" pagpupumilit ko.
"Tss kulit mo! Bitaw!" pagtataas nya ng boses.
"Aba! Sino ka para sigawan ako!" sabi ko ng nakataas ang kilay at nakangisi at the same time.
Tapos sya naman ang ngumisi. "Boyfriend mo lang naman!" sigaw nya. Kaya lumingon ang mga kaklase namin sa aming dalawa at inasar pa kami. Pinabayaan ko na si Xander na sya ang magdala ng maleta ko dahil may hagdan pa pala kaming aakyatan. Naawa naman ako sa kanya dahil dalawa ang bitbit nyang maleta kaya tinulungan ko din sya kahit ayaw nya.
Ang ganda ng nature dito at malamig pa. Mataas ang lugar dito at sa kabilang hill ay tanaw namin ang isang malaking pagoda, altar ata iyon. Maganda din ang accommodation dito sa retreat house. Hiwalay ang room ng boys sa girls. Tig 50 double decks ang mga kama sa rooms pero nasa 60 lang ata kaming girls na fourth year. Ang boys ay nasa 70 siguro. Ang mga teachers ay naka bukod sa maliit na rest house sa katabing building namin. Nakakabusog ang mga pagkain. Nagtimpla rin nga kami ng kape dahil mabango ang kapeng barako nila tapos andaming saging na senyorita kaya nilantakan ko ang mga iyon. Mala unggoy ako kapag nakakita talaga ng saging.
Masaya ang retreat namin at nagiyakan rin naman. Marami kaming natutunan sa pari na naglecture samin at sa principal namin na madre. Puro reflections, may mga activities din na drawing at may mga nag-speach sa unahan para mag share ng story nila sa buhay.
Bago kami umuwi, nag Enchanted Kingdom muna kami. Hindi kami magkasama ni Xander dahil quality time with friends muna. Andami naming pictures at ang mas ikinatuwa naming SWIT gurls ay yung picture namin sa log jam dahil ang epic talaga ng mukha namin nina Dianne, Francine at Ana. Kaming apat ang magkasama sa rides na yun, hiwalay sina Jessica, Jilyan at Evana.
Naubos ang pera namin sa fair, yung mga stall na pwede kang maglaro like pashootan ng bola, barilan at iba pang games. Inabot na kami ng gabi at natuyo na rin ang damit namin na nabasa kanina sa rio grande dahil sumakay kami sa flying fiesta. Natanaw ko naman si Xander kasama ang ibang boys na nagtatawanan. Nagpapapicture sila dun sa mga princess na nagsayaw kanina sa may carousel.
"Tara sa kanila! Papicture din tayo dun sa mga prinsesa!" sabi ni Francine.
"Ihhh naman, sa prinsesa nga ba? Baka kay Gab ka lang magpapapicture!" pang aasar ni Dianne.
"Hahahahahahaha" nagtawanan kaming pito.
Nilapitan na rin naman namin yung mga boys kasama ang mga princesses ng EK.
"Psyche mas maganda ka pa kesa sa mga yan" bulong sakin ni Xander.
"Wehh? Eh kanina ko pa nga nakikita na titig na titig ka sa kanila."
"Hindi ahh, sayo lang ang mga titig ko!"
"Tigilan mo nga ako Cupid!"
Naagaw ang atensyon naming magbabarkada ng magsilapitan ang mga prinsipe. Hindi namin namalayan na nakangiti na pala kami sa mga iyon. Hindi ko na rin naririnig ang paligid at wala na kaming pakialam sa mga kumakausap samin.
"Pinagpapalit mo na ako!"
My senses came back and I didn't know that I was spacing out. "Ha? Ano ulit yun Cupid?"
Nagpout lang sya at dumiretso na palabas ng EK kasama ang mga classmate naming boys. Tinawag ko pa ulit sya pero hindi nya ako nililingon kaya hinabol ko tuloy sya.
Nang makaakyat ako sa bus, sinuyo ko pa si Xander at inasar ng inasar. Ang lakas kasi magtampururot, kalalaking tao. Alam ko naman hindi nya ako matitiis kaya bago ako bumalik sa tabi ni Jilyan at Ana ay nagbati na rin kami.
. . . .
Mabilis ang panahon, lumipas ang November at December. January 1 ngayon, bukas ay birthday ko. Maraming bumati sakin sa facebook at sa text ng mag 12am. Hinintay ko talaga mag 12 kasi inaantay ko si Xander na baka batiin nya ako at mauna sya pero hindi. Natulog na rin ako nung nag 12:36.
Nagcelebrate ako ng 16th birthday sa bahay lang ng 3pm kasama ang SWIT gurls tapos tinulungan ko si mame at ate na magluto at magprepare ng inihanda. In invite ko rin naman si Xander. Niregaluhan nya ako ng sketch pad.
Nagdaan ang February, nag JS prom ulit kami. Nagsalita ang Valedictorian namin na si Allen para sa Valedictory address tapos si Angelica sa class history. Nagtawanan naman kami sa class prophecy na ikinewento ni Cresjohn. Katulad ng last year, nagsayaw kami ng slow dance tapos party party ang barkada. Lahat kami bonggacious ang gowns pati feslak namin. Pak na pak ang beauty.
Nagdate kami sa restaurant nung Valentines day. Sobrang sweet ni Xander at gentleman. Wala na talaga akong mahihiling pa. I don't even know what I did to deserve someone like him. Kaya sobra akong thankful kay God na dumating sya sa buhay ko at walang palya akong pinapasaya at sinosoportahan. Binigyan nya ako ng bouquet of roses at binigyan ko rin sya ng isang dogtag na may naka embose na name namin pareho tapos may pana na nakasabit. Binigyan rin nya ako ng bracelet na arrow ang pendant.
Natuwa kami pareho dahil sa regalo namin sa isa't-isa. Bow and arrow ni Cupid.. . . .
Graduation day.
*Asan ka na Cupid?
Text ko kay Xander. Magsisimula na kasi ang graduation march, good thing at panghuli kami sa pila pareho dahil alphabetical na tinatawag. Nagreply naman sya agad.
*OTW na Psyche :* <3
Lagi syang may kiss mark sa text kahit sa mga comments sa social media. Malandi ang boyfriend kong yan eh.
Nang matapos ang graduation, masaya kaming lahat pero nagiyakan ang iba. Ako hindi, kasi sayang ang make-up baka maging chaka ako after. Kakain pa kasi kami sa labas para magcelebrate. Pumunta kami sa Maxx resto kasama ang family ko at ni Xander. Nabusog kami sa chicken at sa sinigang.
Nagkwentuhan sina mame, ate at parents ni Xander sa loob ng resto, ngayong gabi ay nasa labas kami, sa veranda. Nasabi sakin ni Xander na sa Manila sya magco-college. Magkakalayo kaming dalawa dahil dito lang ako sa kalapit na bayan magaaral. Nalungkot kami pareho pero nangako kami sa isa't-isa na kakayanin namin kaya gumaan sa pakiramdam at hahawakan ko nalang ang mga pangako nya.
"Psyche, you don't know how much I love you." hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. Ngumiti naman ako.
"Cupid, mahal na mahal kita. Sana walang magbabago sating dalawa."
May inilabas si Xander na maliit na kahon at nang buksan nya iyon ay nagulat ako at tinanong sya kung ano iyon at para saan.
"It's a promise ring. Pareho tayo. Dahil promise ko sayo, walang magbabago."
Isinuot nya ang isang singsing sa kaliwang ring finger ko at isa sa kanyang daliri. Then he kissed my forehead.
"Psyche, this is only the beginning."
* ~ ~ ~ *
End of Flashback
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Novela JuvenilMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...