* ~ ~ ~ *
Malamig ang simoy ng hangin. Ni-clip ko ang kaunti kong bangs kasabay ng pagsingit ng ilang strands ng buhok ko sa tenga. Andito ako ngayon sa baywalk sa MOA para hintayin ang lalaki na magbibigay ng kalinawan sa lahat lahat.Maya-maya lamang ay naramdaman ko na may umupo sa aking tabihan. Unti-unti ko syang nilingon at nakita ang lalaking hinihintay ko. Nakatingin lang sya ng diretso sa dagat tapos ay medyo tumingala para tingnan ang langit.
"Ang ganda ng sunset" giit nito kasabay ng pagtingala ko sa kalangitan at tama nga sya, maganda ang sunset. Tanaw na tanaw namin ang paglubog ng araw. Dark blue ang dagat. Kulay orange at yellow ang langit. Ang mga ulap ay parang cotton candy, ang sarap iimagine na humihiga ako doon at palutang lutang. The view is perfect.
I heard him chuckled na nagbalik sa ulirat ko. Di ko namalayan na kanina pa pala ako lutang sa kakaisip na lumulutang ako sa langit. Nilingon ko siya na punong-puno ng pagtataka sa aking mukha.
"Hindi ka pa rin nagbabago." he said.
"Huh?" takang-taka ako. Bakit nya iyon sinasabi sa akin?
"Tulala ka. Siguro nagde-daydream ka na lumilipad at naglalaro ka sa mga ulap" nakatitig pa rin sya sa kalangitan tapos ay bumaling sakin ng titig. Nakangiti pa sya subalit agad iyong nawala at napalitan ng malungkot na expression. Ngayon ay magkatitigan na kami. I kinda feel awkward now. Maamo ang mukhang pinapakita nya sa akin.
"Bea, pinapunta kita dito dahil marami akong gustong sabihin sayo" panimula nya. Pumayag na rin akong makipagusap sa kanya. I need to clear things out. Kailangan naming magkalinawagan.
"I'm sorry" pagkabanggit nya nun ay napaiwas sya ng tingin sa akin at tumitig muli sa dagat ng nakayuko. Nakatingin pa rin ako sa kanya at hinintay na magsalitang muli.
"Hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal mo noon sa akin. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit at paano ko nagawang saktan ka. Ang gago ko para saktan ka. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at hindi mabilis patawarin ang nagawa ko. Gusto ko lang talagang magsorry sayo. I didn't apologize to you since then. Sorry. I'm sorry. I really am sorry." parang maiiyak na ako dito sa kinauupuan ko. Parang naalala ko ang lahat ng nakaraan namin. Sobrang saya naming dalawa noon. High school days. Kinilala nya ako, kinaibigan nya ako, pinakilig nya ako, minahal nya ako at sinaktan nya ako. Isang Alexander Villarreal na nagparamdam sa akin ng pagmamahal at sakit. Hindi ko alam ang naging dahilan nya. Basta ang pinaniwalaan ko lang noon ay hindi na ako magpapalokong muli matapos akong masaktan. Hindi na ako kakagat sa bitag. Hindi ako isda para hulihin lang ng isang lalaki at mas lalong hindi ako hipon na katawan lang ang kanilang habol.
Tumitig na lang din ako sa dagat habang nakayuko. "P-pero bakit Xander? Bakit at paano mo nagawang ipagpalit ako sa iba?" tanong ko dito. I tried not to speak in a cracked voice.
"Sobrang bata pa natin nung panahon na yun. I fall out of love. I'm a coward because I didn't tell you before. Nahirapan ako sa college kaya kumapit ako sa patalim. Hindi ako agad nakipagbreak sayo dahil hindi ko kayang makita kita na nasasaktan but I did the worst thing. Mas lalo kang nasaktan sa nagawa ko." at nagbuntong hininga sya. Humarap ako sa kanya. Nakatitig pa rin sya sa dagat. Alam kong mabigat para sa kanya ito ngayon, ang balikan ang sakit sa nakaraan. "Akala ko kasi kapag nanlamig ako sayo ay magsasawa ka nang mahalin ako at ikaw mismo ang makipag-break sa akin pero hindi eh. Palagi kang nasa tabi ko to support me all the way. Hindi mo ako iniwan at kahit nung panahon matapos mong makita ako kasama si Andrea ay ikaw pa yung sumuyo at humingi ng tawad, ikaw pa yung gumawa ng paraan para magkabalikan tayo imbes na ako dahil ako ang may malaking kasalanan. I used Andrea that time, nung nanalo kami ng team ko noon. Hinalikan ko si Andrea dahil nakita ko na papasok ka sa locker room. Sinadya kong makita mo ako para magalit ka sakin." humarap na sya sakin. Mata sa mata. Namumungay na ang kanyang mga mata.
"Sobra akong naguilty sa nagawa ko sayo. Hindi kita nilapitan at hindi na rin ako nagsorry sayo kasi gusto kong magalit ka sakin ng sobra para mabilis mo na akong makalimutan. Gusto kong ikaw mismo ang lumayo sakin. Nagpaka-playsafe ako noon. Hindi ko rin kasi kayang magbitaw ng masasakit na salita sayo. It's a stupid move. Sorry bea. I'm really sorry." tapos ay hinawakan nya ang kanang kamay ko na nakapatong sa aking lap. Napatingin ako sa kamay naming magkapatong. Hindi ko mapigilang ngumiti. I feel relief. After hearing his explanation, napanatag ang loob ko kahit papaano. Nakakainis ang dahilan nya. Galit ako sa mga naisipan nyang gawin noon. Pero ngayon, hindi na ako nasasaktan. Ibinaon ko na sa limot ang lahat ng sakit. Apat na taon na ang nakalipas. Wala na akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya. Ipinatong ko naman ang kaliwa kong kamay sa kamay nyang nakapatong sa isa kong kamay. Muling binalik ko ang aking tingin sa kanya at ngumiti ako kay Xander.
"Xander, sana sinabi mo sa akin noon na nawala na ang pagmamahal mo sakin. Tatanggapin ko naman. Oo masasaktan ako pero at least you tried to explain your reasons" I said. "Ginawa mo akong si Piolo Pascual eh, hindi ka naman si Toni Gonazaga. Am I not worth for an explanation?" I asked. Kahit seryoso ang usapan namin ngayon, nagawa ko pang pumanch line to lessen the tension. Hindi ko kasi kaya ang seryosong usapan. Lumalabas ang pagiging sense of humor ko sa lahat ng bagay.
"No, it's because I don't know how to explain everything to you. I don't know what to say and I don't know what to reason out. I don't want to see you in pain because of me. I thought that certain things are better left unsaid. But I was wrong, it causes you more painful." nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Hindi lang ako ang nahirapan at nasaktan noon. Maging si Xander ay nahirapan din sa naging desisyon nyang pagiwan sa akin. "I'm sorry" muling nyang banggit. "I know that it is hard for you to forgive me. But still, I wanted to apologize. Sorry din dahil ngayon lang ako humingi ng tawad sayo. Sorry bea, sorry." he stated.
"Matagal na kitang napatawad Xander" bigla naman nya akong niyakap na syang ikinagulat ko ngunit yumakap na din ako pabalik sa kanya. Namiss ko din ang kumag na to. Kumalas na din sya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Friends?" he asked. "Friends" I answered.
"Andaming mong sinabi eh" sabi ko habang tatawa-tawa. Hindi ako makapaniwala na bati na kami at parang walang nangyari. Hindi na ako naaawkward sa kanya. Masaya ako dahil bumalik kami sa dati. "Ganun talaga pag gwapo" at nagpogi sign pa ang kumag na to. "Asa ka!" at hinampas ko pa sya sa braso ng mahina. "Siguro kung may bayad lang yang sorry mo, ang yaman ko na. Sa sobrang dami ng sinabi mong sorry sakin, baka naging millionaryo na ako."
"Kung ganon ang mangyayari, magpapalibre ako sayo araw-araw"
"Aba, ang akin ay akin, ang sayo ay sayo. Sino ka para ilibre ko? Haha"
"Ako lang namang si Alexander the great. Besides sa akin nanggaling ang mga sorry kung magiging katumbas ito ng pera haha"
Inaya nya akong kumain sa isang restaurant para mag-dinner. Inabot na din kami ng gabi sa pagkekwentuhan sa baywalk ng Moa. Dito na din kami sa Moa kumain, sa Giligans. Si Xander na ang nagbayad ng mga kinain namin, pumayag ako kaagad. Aba, libre eh, magpa-pabebe pa ba ako? At bukod dun, mas malaki ang sweldo nya kesa sakin. Engineer eh, ako naman ay empleyado lamang at hindi kalakihan ang salary. Sapat lang panggastos sa araw-araw na pangangailangan ko at pang-ipon dahil pangarap kong magpatayo ng simpleng bahay para sa pamilya ko. Nagwindow shopping pa kami ni Xander sa mall at nagkwentuhan. Tapos ay hinatid na nya ako pauwi sa boarding house. May kotse sya eh. Sagarin na ang abuso kesa gumastos pa ako.
Masaya na ako. Eto pala ang tinatawag nilang closure. Masarap sa feeling. Naging maayos na kami ni Xander. Sabi nila na kapag mag-ex, hindi na nagkakaayos pang muli ngunit hindi lahat dahil matapos ang maganda naming paguusap ay nawala lahat ng bad thoughts and negative sides ko. Nabawasan ang pagiging bitter ko.
I'm okay now. 100% okay.
* ~ ~ ~ *
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...