Chapter 3 JS Prom

8 1 0
                                    

* ~ ~ ~ *

Ako ang nagsketch ng project namin, mukha ni Eros at Enid. Cupid and Psyche ang name nila sa Roman.

Si Xander ang nagkulay tapos ay kinoveran namin iyon ng plastic cover ng matapos namin.



1 week deadline ang project namin. Monday nagsimulang i-present iyon, nakabase sa apelyido ng lalaki kaya panghuli kami na nagpresent at inabot kami ng Thursday dahil sa dami namin sa isang section. Ikinewento namin ang love story ni Enid at Eros.

"Hinanap ni Enid si Eros hanggang sa puntahan nya si Aphrodite para humingi ng tulong. Pero galit pa rin si Aphrodite kay Enid kaya binigyan nya ito ng mga pagsubok upang mapatunayan kung karapat dapat ba sya para sa anak ni Aphrodite na si Eros. Una ay ang ipag separate ni Enid ang mga butil ng bigas, palay at sebada sa loob ng isang araw lamang. Inutusan din nya si Enid na kumuha ng ginintuang balahibo ng tupa doon sa may ilog kung saan may naninirahang halimaw na maaari syang saktan at mapatay." pagpapaliwanag ko sa buong klase.

Si Xander naman ang nagkwento. "Nalaman ni Eros ang mga utos ng kanyang ina kay Enid. Hindi natiis ni Eros si Enid kaya palihim nitong tinutulungan ang asawa. Pero may isang pagsubok na napahamak si Enid, nang utusan sya ni Aphrodite na puntahan si Perisiphone sa underworld at manghiramin ng kagandahan dito."

Pagkatapos ni Xander ay ako naman ang nagsalita.
"Nagawa namang makapunta ni Enid sa underworld at binigyan sya ni Perisiphone ng isang kahon para dalhin kay Aphrodite. Habang pabalik sya, naisipan ni Enid na buksan ang kahon. Naisip nya kasi na kapag maambunan sya ng konting kagandahan, baka doon ay maging karapat dapat na sya para kay Eros. Ngunit pagkabukas nya ng kahon ay wala itong laman at bigla na lamang syang nakatulog at walag makagising sa kanya." pagke kwento ko.

Halinhinan kami ni Xander sa pagsasalita sa unahan. "Pinuntahan ni Eros si Enid at ginising gamit ang pana nya. Nang magising si Enid ay ipinagtanggol naman na sya ni Eros sa kanyang ina."

"Eventually pumayag na din si Aphrodite na magpakasal sila at ginawa na din nilang isang goddess si Enid. She then became the goddess of the soul." ibinaba na namin ang hawak naming illustration board after kong magsalita dahil sa pagkakaalam ko ay wala na kaming sasabihin pero umimik pa ulit si Xander.

"Kahit iniisip ni Enid na hindi sapat ang kagandahan nya para maging karapat dapat kay Eros. Hindi nya alam na para kay Eros, siya lamang ang nagiisang pinakamaganda sa mga paningin nya. At tulad ng ginawa ni Enid para sa asawa nya, gagawin rin ni Eros ang lahat ng pagsubok makasama lang ang pinakamamahal nya." saad ni Xander.

Nagandahan naman silang lahat sa gawa namin lalo na ang teacher namin. Mataas ang nakuha naming marka 98%. Kami ang may pinakamataas kaya naman natuwa sina mame at ate. Kinuha ni Xander ang gawa namin, nakipagaway pa nga sya sakin dahil itatago raw nya iyon. Sabi ko baka tambak lang sa kanila yun at maging kalat. Pero ang kulit nya kaya pinabayaan ko nalang na sakanya mapunta ang project namin.

Nagdaan ang ilang linggo, naging busy kami dahil puro quizzes at assignments.

Js prom na namin mamaya. Saktong Valentines day ang natapatan na araw. Nagpa make up at nagpaayos ako ng buhok sa palor ni mama Rea. Kulay royal blue ang suot kong gown at 4 inches ang black heels na suot ko. Nagpicturan muna kami nina mame at ate. Nang makarating ako sa campus, lumapit ako sa barkada ko at nagpicturan kaming SWIT gurls. Nagselfie rin naman kami ni Xander. Nagsimula na rin ang program, opening prayer, opening remarks tapos ay nagsayaw ang mga kasali sa kutilyon. Pagkakain namin ng dinner, nagsalita sa stage ang ilang mga seniors para sa kanilang valedictory address, class history, class will and testament at class prophecy. Tapos ay nagparty party na rin. Nang biglang naiba ang music, naupo kaming magbabarkada dahil nag slow dance. Naisipan naman naming magphoto booth kaya tinahak namin iyon. Lahat kami ay may tig iisang copy ng picture. Nilapitan kami ni Xander tapos ay iniwan kami ng barkada ko kaya nagphoto booth din kaming dalawa. Inabutan rin nya ako ng isang rose.

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon