* ~ ~ ~ *"Good afternoon Mr. Lagdameo" ani ko at nakipag kamay kay Jason. Pati na rin kay Xander. Alas dos na sila nakarating dito sa hotel sa Pagbilao samantalang kami ni Andrei eh kanina pang 10am.
Hinatak ako ni Andrei sa bewang na ikinagulat ko. Nilingon ko siya at nakitang titig na titig ito kay Jason. I poked him again sa tagiliran dahilan ng paglingon nya sakin at ngumiti. Muling binalik nito ang titig kay Jason at naglahad na rin ng kamay. Nagshake hands lang kaming apat ng walang imikan tapos ay umupo.
Nakakabingi ang katahimikan.
Munch. Munch. Munch.
Nguya lang kami ng nguya. Sana pala eh naghiwa-hiwalay na lang kami ng lamesang kinainan kesa ganito sila na walang imik at walang kibo.
"Jason. Dito rin ba kayo matutulog sa hotel?" tanong ko na nagbasag sa katahimikan naming apat. Lumingon naman silang tatlo sa akin at tumitig.
Agad akong nginitian ni Jason. "Yeah" tipid nyang sagot. Tumango nalang ako.
. . . .Kinabukasan ay pinuntahan na namin ang location to develop the village. Masinsinan ang pagtingin ni Xander sa lugar. Bawat sulok ng lupa ay inalam nya ang sukat maging ang lawak nito. Matapos nilang i-discuss ni Andrei ang plano agad na kaming bumalik sa hotel.
Ganun lang pala ang gagawin nilang trabaho. Bakit pa ba ako isinama nitong si Andrei? Hindi ba pwedeng sa ahente nalang nila iutos ito? Nasayang lang ang oras ko. Tambak na ang mga gawain ko sa office.
. . . ."Andrei" pagtawag ko sa kanya bago ito pumasok sa kanyang kwarto.
"Hmm? Why?" curious nyang tanong.
"About the project" panimula ko.
"What about it?"
"May mga nakita kasi akong mga bahay doon sa location natin"
"So? Elaborate more. Spill it." sabi nito sabay halukipkip.
"There are families living to the place we're going to develop. Palalayasin ba natin sila? Saan sila titira? Paano na sila?"
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. "Don't worry. My dad's plan is great. He decided to construct a bungalo to each family and Merkley will have a livelihood program to support their needs and necessities."
"Ahh. Ayos yun" pagkasabi ko nun ay tuluyan na syang pumasok sa loob ng kwarto nya. Nakangiti akong pumasok sa room ko dahil sa sinabi nya. Maganda ang Idea ng kanyang tatay. Nabalitaan ko kasi kay Katy at Brian na mababait daw ang mga Sevilla. Si Mr. Arthur Sevilla ang tatay ni Andrei. Mestizo ito at pormadong pormado. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Hindi matatanggi na sa kanya nagmana si Andrei dahil sa mapupungay na mata nito at makisig na mukha. Pati nga ang tindig ng tatay nya ay namana rin ni Andrei. Carbon copy kumbaga. Labi lang ang nagkaiba sa kanila. Siguro ay sa nanay nya ito nagmana.
. . . .Makalipas ang dalawang oras ay napagpasyahan kong maglangoy sa indoor swimming pool ng Merkley hotel. Nagpractice akong mag backstroke at freestyle. Naka racer back sando ako na kulay itim para hindi bumakat ang aking suot na panloob at short na adidas na color blue. Susulitin ko lang ang mga oras na nandito ako. Sayang ang pag check in namin kung hindi magagamit ang facilities. Hindi na nga ako nakapaglibot at pasyal dito sa Pagbilao eh. Mamayang gabi kasi ay aalis na kami at babalik na ng Manila.
"It's getting cold. Pumasok ka na sa loob"
Napaangat ang ulo ko at tiningala kung kanino nanggaling ang boses.
Nginitian ko sya the moment I saw his face. "Ayoko pa. Nageenjoy pa ako dito eh" pagkasabi ko nun ay nag floating pa ako palayo sa may paanan nya. Napadpad ako sa may falls ng pool at lumuhod. Mababaw lang kasi sa parteng ito. Hinayaan kong malaglag ang tubig sa ulunan at sa balikat ko. Masarap sa pakiramdam ang pagpatak nito sa akin dahil para akong minamasahe ng mga tubig. Napapikit na lamang ako sa sarap ng sensation na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...