Chapter 6 Change

13 1 0
                                    

* ~ ~ ~ *

Graduation day.

"Bea, patingin ng diploma mo!" sigaw ni Micha.

"Wait bhe" iniabot ko kay Micha ang diploma ko.

"Yey! Degree holder na tayo!" sigaw ni Chemee.

"Congrats satin!" sigaw naman ni Jp.

"Picture tayo guys!" sigaw ni Dan. "Saglit, kayo ang maghawak nitong phone."

"Ah ayoko, anlaki ng mukha ko sa unahan!" sabi ni Micha.

"Si Jp na!!!" angal naming apat. Wala ng nagawa si Jp kaya sya na ang humawak nung phone ni Dan.

*click

. . . .

Sina Dan, Micha, Chemee at Jp ang naging friends ko sa college. Iba't-ibang school kasi ang pinasukan naming SWIT gurls. Si Evana ay schoolmate ko pa din dito sa Laguna State Polytechnic University, Criminology ang course nya at ako naman ay Business Ad. Si Ana ay Physical therapy sa Perpetual help sa Biñan, si Jilyan ay Civil engineering sa Malayan sa Cabuyao, si Francine ay Information technology sa La Consolation sa Manila, si Jessica ay Nursing ang kinukuhang course sa San Pablo Colleges dito din sa Laguna at si Dianne ay kapareho ko din na Business Administration sa Batangas State University.

Malapit na rin ang graduation ng iba sa amin. Kasabay kong grumaduate si Evana dahil same school kami. Si Ana at Jilyan ay five-year course kaya next year pa sila ga graduate.

. . . .

"Bhe, graduate na tayo! Yiee hahaha" sigaw ni Chemee.

"Grabe, ang bilis ng araw no? Kung dati ang dudugyut natin, tamo nga naman graduate na tayo ng college" sabi ni Micha.

"Tara guys san tayo? Chill ba?" tanong ni Jp.

"Hoy aba! Kagagraduate lang inom agad?!" saad ni Dan.

"Kj ni Dan!" sabi ni Micha.

"Tara magcelebrate!" sabi ni Chemee

"Saan?" tanong ko. "Teka hindi ba kayo magcecelebrate with family?"

"Bukas pa kami." sabi ni Jp. "Ano! Tara?"

"Game ba ang lahat?" tanong ni Chemee.

"Pass muna ako guys" sabi ni Dan.

"Ako rin, date with the family eh" sabi ko.

Nagpicturan kaming magkakaklase sa field. Nagcongratulate sa isa't-isa tapos ay naguwian na para magcelebrate. Nagplano nalang kami the day after ang celebration naming magkakaibigan.

Kumain kami ni mame at ate sa isang fine dining resto.

"Bea, anong balak mo? Magtatrabaho ka ba agad?" tanong ni mame.

"Opo mame, magaapply po ako kaagad in an instant hehe. Ayokong nakatengga sa bahay at magpahinga muna. Sayang ang araw."

"San mo ga gusto mag apply?" tanong ni ate.

"Baka sa banko muna ate, hindi ko pa din alam. Baka mag manila na din ako, dun sa pinagOJThan ko last sem."

"Sige Bea, nasayo pa rin ang decision. We're here to support" sabi ni mame, I smiled at them.

. . . .

Hayyy nakakapagod ang maghanap ng trabaho. Andami kong pinasahan ng resume, tatlo na rin ang napuntahan kong job interview pero bakit hindi nila ako tinatawagan?

Thank you Ms. Valdez, we'll give you a call.

Sawang sawa na ako sa statement na yan. Lanjo ah. Gasgas na sa pandinig ko ng agang na yan. Am I not good enough?

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon