Chapter 9 New

4 1 0
                                        

* ~ ~ ~ *

"Come with me, in my office!"

Automatic na naglakad ang mga paa ko para sumunod sa kanya. Pagkapasok namin sa loob ng office nya, hindi ako makagalaw. Malaki ang office ni sir Andrei pero pakiramdam ko ay naso-suffocate ako na kaming dalawa lamang ang tao dito. Hindi ko akalain na mas nakakabingi pala ang katahimikan. Umupo sya sa kanyang swivel chair and then he broke the silence.

"Have a sit." maawtoridad nitong sinabi. Agad naman akong umupo sa tapat nya. I wasn't even speaking and just waited for him to speak. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko sa nerbyos idagdag mo pa ang lamig ng aircon.

"You're one of the new sales coordinator. Right?"

"Opo"

"And you're Bea Valdez?"

"Opo"

"Na-orient kana ba?"

"Opo"

"Sa Department ka ba ni miss Garcia?"

"Opo"

"I don't want you in your department." aniya na ikinagulat ko. Para akong napako sa kinauupuan ko. Sinesesante nya ba ako?

"P-po?" I was really in shock and nervous at the same time. Nanginginig na talaga ako. Ayokong mawalan ng trabaho. Chance ko to and I don't wanna waste it. Malaking kompanya ang Merkley kaya sobra akong maswerte na makapagtrabaho dito. I don't want to blew my chance.

"Maglipit ka na ng gamit mo. You have to move-"

"Sir? Bakit po? Maayos naman po akong magtrabaho. Ginagawa ko po lahat ng task pati lahat ng binibigay ni miss Garcia. Wala naman po akong nagawang mali."

"Hush miss Bea. Patapusin mo muna ako. You will work for me." aniya.

"Sa inyo po sir?"

"Yes, you heard me right. I will assign you as my personal sales coordinator and as my secretary."

"Pero bakit po?"

"Dahil wala pa akong secretary. Tataasan ko ang sweldo mo. Ikaw ang mangenglyente para sakin. Your work is a commission basis."

"Sir seryoso po ba kayo jan? Ano po bang gagawin?"

"May ibibigay ako sayong 5 companies, kailangan mo silang mapapayag na mag invest satin. Almost a year ng nagpopropose ang Merkley company sa kanila. My dad gave me this task and challenge me. And you will be my representative, ikaw ang haharap sa kanila at sasama ka sakin sa mga meetings. Move your stuffs jan sa table sa labas ng office ko."

"Pero paano po ang trabaho ko sa sales department?"

"Kakausapin ko ang department head nyo at bukas na bukas, dito ka didiretso sa office ko. Because from now on, you are promoted as my secretary. You may leave."

"Okay po sir Andrei"

Tumayo ako kaagad at lumabas ng opisina ni sir Andrei. Hindi ako makapaniwala. Na promote ako pero dapat ko bang ikasaya yun dahil tataas din ang sweldo ko o dapat ba akong mainis dahil secretary nya ako, utus-utusan at araw-araw pa kaming magkikita.

"Uy Bea anong sabi sayo ni sir? . . . Huy!"

"Huh? Bakit? Ano yun Katy?"

"Natulala ka! Bakit? Napagalitan ka ba ni sir Andrei?"

"Ah- ano. H-hindi. ."

Inumpisahan ko nang ikahon ang mga gamit ko na nakapatong sa table at nasa loob ng drawer.

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon