Chapter 23 Beside him

3 1 0
                                    

* ~ ~ ~ *

"Bea! Where are you going? Bumalik ka nga dito!" singhal ni Ana sa akin ngunit hindi ko sya pinansin at dirediretso ako sa paglalakad papunta sa kinauupuan ngayon ni Xander.

I want to talk to him.

After seven months, nakita ko ulit sya. Kay tagal ko itong hinintay, ang pagkrus ng landas naming dalawa. Alam kong ayaw na nya sakin pero hindi ko na kaya, gusto kong magbulag bulagan, gusto kong magkabalikan kami. Umaasa pa rin ako na may pagkakataon pa para magkaayos kami. Siguro may dahilan sya kung bakit nya ginawa yun, kung bakit nya ako iniwan ng ganun ganun nalang. Kahit na ano pang dahilan nya, handa akong patawarin sya.

Mahal ko pa rin si Xander.

Nang makalapit ako sa kanya. Para akong naestatwa, wala halos boses ang lumabas sa bibig ko. Iyak lang ako ng iyak habang pinagmamasdan sya mula sa kanyang likuran. Ang lapit lapit ko na sa kanya ngunit parang ang layo nya pa rin. Bakit ganito? Hindi ko ata sya kayang hawakan. Nanginginig ang mga kamay ko. Napansin siguro ng kasama nya ang presensya ko kaya nagsalita na sya. "What are you doing here?"

"Jason, sino bang sinasabihan mo nan?" tanong ni Xander sa kasama nya. Oh, I miss his voice. Unti-unti akong nilingon ni Xander at kitang-kita ko sa mga mata nya ang bakas ng pagkagukat na napalitan ng pagkairita. "Bea? Bakit ka nandito?"

I still don't know what to say. I can't even find the right words. I'm like a statue, stuck staring at him. Akmang hahawakan ko sya sa pisngi pero agad syang umatras para iwasan ang pagdampi ng aking kamay sa kanyang balat.

"You better leave, especially in this kind of place" sabi nya gamit ang malamig na boses. It is full of authority that makes my nerves tremble.

"Xander" yun lamang ang nabanggit ko.

"Stop. I don't wanna hear your voice. We're done. It's over" mariin nyang sinabi. Nanlamig ang buo kong katawan sa kanyang sinabi. Hindi ba nya alam na nasasaktan ako? Sobrang sakit. Parang sinasaksak ako ng kutsilyo sa puso. Ang mga salita nyang yun ang mismong dumudurog sa pagkatao ko.

"Babe, is everything fine here?" isang babae ang lumapit sa gawi namin at inangkala ang kamay sa braso ni Xander. "Yes babe, antagal mo namang mag cr. I missed you." hinapit ni Xander ang bewang ng babae palapit sa kanya kaya nagulat ako pero ang mas ikinagulat ko nang idikit ni Xander ang labi nya sa labi ng babae. Pinanuod ko lang sila habang naghahalikan. Ang sakit. Ayoko na. Nasasaktan ako sa nakikita ko pero patuloy ko pa rin silang pinapanood. Tanga na talaga ako.

Tumriple ang pagkagulat ko dahil napaupo na si Xander sa sahig. He is now holding his jaw and I saw his fist clenched. Nagangat sya ng tingin at parang nagaapoy sa galit ang mga mata nya. Nakakatakot. Isang lalaki ang sumuntok kay Xander dahilan ng pagdugo ng gilid ng kanyang labi. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang mga kaibigan ko sa aking likuran na puno ng pagaalala. Agad nila akong dinaluhan. Muli kong inikot ang tingin ko sa bar at wala man lang nakapansin sa pagsuntok na ginawa nung lalaki kay Xander. Lahat ng tao dito ay abala sa paginom ng alak at pagsayaw sa dancefloor.

"Stay away from my sister!" sigaw nung lalaki kay Xander at hinawakan ng madiin ang babae na nakahalikan kanina ni Xander. Agad silang lumabas ng bar. Tangay tangay ng lalaki yung babae kanina na kapatid daw nya. Hindi pa rin magsink in ang lahat ng pangyayari sa aking utak. Hinila na ako ng mga kaibigan ko papunta sa table namin at pinaupo nila ako ng marahan.

"Bea are you okay?" tanong ni Evana na puno ng pagaalala sa mukha. Tango lang ang naisagot ko sa tanong nya. "We should go home" sabi ni Jilyan kaya napagdesisyunan na naming umuwi lahat.

Pagkauwi ng bahay, dun na bumuhos ang lahat ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan na tumulo. Isang balde na siguro ang nailuha ko bago ako tuluyang makatulog.

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon