Chapter 31 I can't imagine

0 0 0
                                    

* ~ ~ ~ *

From: Xander my Cupid

Yellow cab. 4pm

Text ni Xander. Hindi ko alam kung ano ang naisipan nya at sa yellow cab pa kami magme-meeting. Nalaman nya kasing mahilig ako sa pizza nung sumimba kami kaya siguro sa yellow cab sya nag-aya. Knowing Xander, manlilibre na naman yun.

Sinimulan ko nang ligpitin ang mga gamit ko para maaga akong makapunta sa meeting namin ni Xander. Alas tres na kaya naman I better be going. Tinext ko na din si Andrei at sinabing pupunta na ako sa meeting, wala naman akong natanggap na reply mula sa kanya kaya umalis na ako ng kompanya. Pumara na ako ng taxi para makapunta sa Tomas morato. Hindi ako pamilyar sa lugar na to kaya natagalan ako sa paghahanap ng yellow cab. Kaya naman ng mahanap ko na yung yellow cab ay talagang halos magtatalon ako sa tuwa. Bwisit na Xander yan, pinahirapan pa ako sa paghahanap. Pwede naman kasing sa J corporation na lang kami mag-meeting.

Pumasok na ako sa loob at nagpalinga linga but I can't find Xander. May lalaking lumapit sakin at nagtaka naman ako kung bakit sya nandito. "Mr. Lagdameo?"

"Shall we?" sabi nya't naglahad ng kamay. So ibig sabihin ay si Jason ang makaka-meeting ko at hindi si Xander?

This was supposed to be a meeting with Xander but it turns out that Jason was the one that I'm going to meet today.

"Good afternoon sir, nasan na po si engineer Villarreal?"

"Oh, he's not joining us. May emergency kasi sa J corporation kaya ako na yung makaka-meeting mo"

Bakit hindi man lang sinabi sakin ni Xander na si Jason pala ang makaka-meeting ko? Pati bakit big boss agad? Hindi ba dapat ay kasamahan na lang sana nya na engineer din. Nakakahiya naman at CEO pa ang kaharap ko ngayon. Umupo na ako sa tapat ni Jason at tiningnan sya. Pareho kaming napangiti sa isa't-isa.

Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Xander nung nagkita kami sa coffee shop date at nagkwentuhan.

"I'm still your Cupid"

"1st in the list."

"Jason Lagdameo."

"I'll set a date for the two of you"

Napailing nalang ako sa naalala ko. Tinotohanan talaga ni Xander yung sinabi nya, akala ko lahat ng yun ay biro lang nya. Ang kulit talaga ng Cupid ko. Nginitian ko lang si Jason. Kinapa ko ang phone ko na nasa loob ng aking bag at nang mahawakan ito ng kamay ko ay inilabas ko iyon at patagong inilagay sa aking lap. Agad ko iyong tinipa at nagsend ng text kay Xander.

To: Xander my Cupid

I guess you're starting your mission as my Cupid, huh?

"So, let's start?" nagangat na ako ng tingin kay Jason nang magsalita na sya. Tumango ako.

"Okay Mr. Lagdameo"

"Pwede bang Jason na lang?" nahihiya pa nyang suggest kaya nginitian ko sya. "Ah sige Jason"

"Yan, much better" sabi nya ng nakangiti. Sinimulan ko nang idiscuss ang mga detalye sa pagpapatayo ng village namin sa Pagbilao. Sinabi na rin nya sakin ang mga materyales na gagamitin at pati ang mga suppliers na pagkukunan namin. Si Xander na daw ang bahalang kumausap sa mga kompanya ng suppliers. Umorder din si Jason ng pizza kaya naman naganahan ako sa meeting namin.

Ako lahat ang gumamit ng hot sauce dahil ayaw ni Jason. Pangatlong pizza ko na to pero hindi pa ako nabubusog. Tapos na namin idiscuss ang lahat para sa project, inuubos nalang namin itong pizza at inumin namin. Kinagatan ko na yung pizza na hawak ko at habang ngumunguya ako ay tinitigan ako ni Jason. Nailang tuloy ako sa pagtitig nya.

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon