Chapter 1 The Beginning

42 2 1
                                    


* ~ ~ ~ *

Flashback


5 years ago.

"Class, may bagong transferee student dito sa section nyo and please make him feel comfortable." sabi ng adviser namin ngayong third year high school. Si miss Jane.

May pumasok namang isang lalaki at humarap ito sa buong klase. Pagkaangat ko ng tingin ay parang ayaw ko nang alisin ang pagkakatitig ko sa kanya. Fare skinned at may ngiti syang nakakatunaw pag tiningnan mo. He has bright eyes at magandang tingnan sa kanya ang uniform.

"Introduce yourself to the whole class." sabi ulit ni miss Jane. Ngumiti naman yung transferee kay mam tapos ay ngumiti ito sa amin.

"Hello everyone, I'm Alexander Villarreal ang I'm from Academia de San Martin."

"Ang gwapo nya."

"Oonga bes, may dimples."

"May bago na tayong escort."

Rinig kong bulung-bulungan ng mga kaklase kong nakaupo sa unahan. Alphabetical ang seats kaya nandito ako sa likuran ng classroom dahil sa last name kong Valdez. Sanay naman na akong nasa hulihan at may pagkaloner dahil 41 kami sa klase. Limahan lang kada row kaya naman naiwan akong magisa dito sa dulo pero ngayon 42 na kami dahil sa bagong dating na studyante ngayon.

"Alexander, alphabetically arranged ang students ko dito sa section na ito so it means na dun ka uupo sa huli at katabi mo si Valdez." napatingin naman siya sa kinauupuan ko at nagtama ang paningin namin ni Alexander sa isa't-isa. Umiwas agad ako ng tingin at pinagtuunan nalang ng pansin ang binabasa kong libro.

Ramdam ko ang pagupo nya sa kaliwa ko at inilagay nya ang bag nya sa arm desk.

"Hi!" bati nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hello." sabi ko nang hindi man lang ngumiti. Wala akong balak na pansinin sya kaya lang baka mabastusan sya sakin kung dedemahin ko lang ang isang to.

Sa totoo lang kasi, may pagka man-hater talaga ako kaya lahat ng kaklase kong lalaki ay tinatarayan ko. Sanay naman na sila saken kaya tinatawanan nalang nila ako at inaasar kapag sinisigawan ko sila. Pero may mga pagkakataon na nagagalit sakin ang iba na hindi ko naman kakilala dahil sinusungitan ko kaagad sila.

"Ako nga pala si Xander."

"Bea" matipid na pagpapakilala ko. Hindi ko naman kailangan pang idetalye ang tungkol sakin diba?

"Ilang taon ka na? San ka nakatira pati kelan ang birthday mo?" Napalingon ako sa kanya dahil sa sunod-sunod na tanong nya saken at nakita ko naman na anlawak ng ngiti nya.

Tinaasan ko sya ng kilay at tinarayan dahil he's somehow annoying. "Bakit ba ang dami mong tanong? Slumbook ka ba ha?!"

Napatawa naman sya sa sinabi ko. "Sorry Bea, it's just that I want us to be friends."

"And why is that?"

"Because you're interesting." Hindi ko na sya na question sa sinabi nya dahil nagumpisa ng magdisciss ang teacher namin kaya napunta sa unahan ang aming atensyon.

Nagrecess time na at kasama kong pumila sa canteen si Ana na best friend ko since elementary.

"Anong bibilhin mo?" tanong ko kay Ana.

"Kahit ano. Ikaw ba?"

"Yung mura."

Bumili lang kami ng cream-O at kumain sa may hallway dala ang baon naming mineral water. Lumapit na rin samin ang iba pa naming barkada na sina Dianne, Francine, Jessica, Jilyan at Evana. Actually may group name ang barkada namin. Medyo corny at jejemon but we find it cute and unique anyway. SWIT gurls ang tawag samin sa batch namin. Ang meaning ng SWIT ay Samahang Walang Iwanan Talaga.

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon