* ~ ~ ~ *
"Uy Bea?! Yuhhooo!"
"Huh? Ano yun Dan?"
"You're spacing out! Magpapa photocopy ka rin ba nitong pamplet?"
"Para san yan?"
"Pagaaralan sa Money and Credit Banking. Malapit na ang midterm exam!"
"Ahh ganun ba, sige ako din paxerox!"
"Ano ba kasing iniisip mo at palagi kang tulala? Daig mo pa ang broken-hearted eh."
"Bakit naman?"
"Si Micha kasi tulala rin palagi, broken-hearted eh. Ikaw din ba?"
"Ha? Hindi no! May lovelife ako haha."
"Sus, hindi ka nga nirereplayan ng Xander mo. Malapit na ang monthsary nyo ah. Tanda pa ba nya?"
"Huy Dan, ansama mo. Busy lang kasi yung tao."
"First year college pa lang din naman sya ah! Pa easy easy lang dapat sa taon na to. Hindi muna dapat seryosohin."
"Hindi mo kasi kilala ang Cupid ko, seryoso yun sa lahat ng bagay."
"Anong meron?" tanong ni Jp nang makalapit sya samin ni Dan.
"Eto kasing si Bea dinededma na ng boyfriend nyang Manila boy."
"Naku, naku! Iba na yan. Baka may iba na?" - Jp
"Huy ang salbahe nyo. Wag nyo ngang sabihin yan!" sabi ko.
"Alam mo Bea. Kaming mga lalaki, we know our priority, so kung sinasabi namin na palagi kaming busy, it just means na nagdadahilan lang kami kasi ayaw na namin dun sa babae. Opinion ko lang to ha!"
"Jp, iba si Xander. Hindi nyo naman sya kilala." sa totoo lang nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa sinabi ni Jp. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Minsan kasi tunay ang advice ni Jp at pinaniniwalaan ko yun dahil lalaki sya at alam nya kung ano ang nararamdaman ng mga lalaki.
Pero ayaw kong maniwala, mahal na mahal ko si Xander. Nagpromise kami sa isa't-isa na walang magbabago. Nagbuntong hininga na lamang ako.
"Payo ko lang naman yun sayo Bea, sinasabi ko lang ang kutob ko. Lalaki rin ako, natutukso."
. . . .
Nakachat ko si Xander, nagaway lang kami dahil pinagselosan nya si Jp. This past few days, we always argue in little things. Lahat ng bagay pinapalaki nya. Lagi syang nagseselos sa mga nakakasama ko sa picture na nakaupload. Kahit mga photobomber nga pinagselosan nya at pinagawayan pa namin.
Kinunsulta ko kina Dan, Micha, Chemee at Jp ang tungkol sa nangyari.
"Bea ang sa tingin ko, hindi sya nagseselos. Maliit na bagay pinapalaki nya. Pinagtutulakan ka nya palayo! Pinapalabas nya na kasalanan mo dahil may mga nakakasama kang lalaki." He sighed.
"Bea, nagets ko ang gustong iparating sayo ni Jp. Sana tibayan mo ang loob mo." sabi ni Micha.
" Actions do speak louder than words. Yung way na pinapakita nya sayo ay way nya ng pagsasabi na tapos na kayo." sabi ni Chemee.
"Ano bang pinagsasabi nyo?" tanong ko.
"Hindi mo ba napapansin lahat ng kinikilos ni Xander sa relationship nyo?" tanong ni Dan
"Nanlalamig na sya sayo Bea. Kailangan nyong pagusapan yan. Nasisira na ang relasyon nyo at wala kang kamalay-malay." sabi ni Jp
. . . .
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...