* ~ ~ ~ *
Nagising ako ng namumugto ang aking mga mata. Dahan dahan akong lumabas para hindi marinig nina mame at ate ang mga yabag ng aking mga paa. Baka kasi magising sila at makita ang pamumugto sa mata ko. Ayoko namang isipin nila na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako at ibuntong na naman kay Xander ang lahat at sisihin. Kinuwento ko kasi sa kanila ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming dalawa ni Xander at galit na galit daw sila sa ginawa ni Xander sa akin. Sa pagiwan sakin. Agad akong pumunta sa banyo na nasa kusina para maghilamos. Nakatitig lang ako sa salamin at pinagmasdan ang kabuuan ng aking mukha.
"Ang pangit pangit mo na" sabi ko sa sarili ko. Para akong timang na kausap ang sarili ko sa salamin. Nakakatawa ako. Ang dami ko ng pimples dahil hindi ako makatulog tuwing gabi. Dahil rin siguro ito sa polusyon ng hangin. Simula kasi nang magcollege ay dumami na ang tigyawat ko sa mukha dahil ito sa kakabyahe ko sa jeep. Isang oras ba naman akong mahanginan at mausukan. Kaninong mukha ang hindi magkakatigyawat kung ganun ang nangyayari. Kayumanggi na nga ang balat ko, naging ganito pa ang mukha ko. Tsk. Nagtoothbrush na ako at nagfacial wash.
"Oh Bea, ang aga mo namang gumising wala ka namang pasok"
Nagulat ako sa ate ko pagkabukas ko ng pintuan. Napaatras ang isa kong paa at halos tumalon dahil sa gulat. "Ate, grabe ka! Wag ka ngang manggulat!"
"What?! Hindi naman kita ginugulat eh. Masyado ka na siguro sa kape" tatawa tawa nyang sabi kaya inirapan ko nalang ang ate ko't kumuha ng pitsil sa fridge. Isinalin ko ang tubig sa baso at ininom iyon ng diretso.
"Samahan mo ako sa Sm mamaya" sabi ng kapatid ko't binuksan ang kalan. Nakapagmix na pala sya ng pancake kaya lulutuin nalang iyon. "Bakit?" tanong ko at umupo sa isang stool. Inumpisahan na ni ate na lutuin ang pancake at amoy na amoy ko ang bango ng niluluto nya. Mas lalo tuloy akong natakam. "Bibili ako ng pangregalo sa birthday ng bestfriend ko. June 13 na sa Monday."
"Sige ate, ano bang oras?"
"After lunch" nang matapos na si ate sa pagluluto ay agad kong nilantakan ang mga niluto nyang pancake. Apat ang nakain ko. Kaya ko ngang ubusin kaso ay syempre, tinirhan ko sila ni mame. Nabusog na din naman ako nang uminom ako ng maraming tubig. Sumapit na ang alauna kaya naligo na ako. Nagshampoo, conditioner, nagsabon, naghilod, nag shower gel tapos nag toothbrush. Tuwing weekdays lang ako nakakaligo ng ganito. Pag kasi may pasok ay shampoo't sabon lang ang ginagawa ko sa pagligo.
"Finally! Natapos ka rin. Akala ko nakatulog ka na jan sa loob ng banyo eh. Bibigyan ko na sana ikaw ng unan at kumot" sarkastikong sabi ng kapatid ko kaya inirapan ko nalang sya. Galing mang-asar eh. "Ikaw na ang next." sabi ko at nagsimula ng magbihis sa kwarto ko.
Mga bandang alas dos ay pumunta na kami ni ate sa Sm para bumili ng pangregalo nya sa birthday ni ate Ela, ang kanyang bestfriend.
"Eto ba Bea maganda?" tanong ni ate habang hawak hawak ang isang clutch bag. Sinuri ko ito pati ang loob. Kulay silver at chain ang strap nito. "Hindi ba masyado atang pang formal ito ate? Dapat yung magagamit nya pang araw araw. Pamparty kasi ito eh"
"Sige, tara dun sa mga body bag" pumunta kami sa kabilang section ng mga bag. Maraming napili si ate na magaganda pero sa isang shoulder bag na simple si ate bumagsak. Binili nya ang isang beige na shoulder bag na may fringe ang palawit sa mga zipper. Isang Torri Burch ang nabili nya. May kamahalan ngunit ang sabi ni ate ay isang beses lang naman daw sya magregalo kay ate Ela kaya iniipunan talaga nya ito. Kumain muna kami sa isang fast food chain tapos ay nilibot ang kabuuan ng mall. Habang nasa department store kami ni ate at tumitingin sa mga pantalon ay may biglang kumalabit sa tagiliran ko kaya napaliyad ako dahil sa kiliti at gulat. Agad akong humarap at nakita ko ang isang lalaki na may matamis na ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...