Chapter 19 Still your Cupid

6 0 0
                                    


* ~ ~ ~ *

"Bea you stay, we need to talk" saad ni Andrei kaya napatigil ako sa paglabas ng opisina at hinarap muli ang boss ko.

"May kailangan ka ba Andrei?" tanong ko. Unti-unti syang lumalapit sa akin kaya napaatras ako. He step closer and closer so I stepped back hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na salamin at napasandal na ako sa glass door. Yumuko ako at tiningnan ang paa nya sa bawat hakbang papalapit sakin. Kinabahan ako. Ano bang binabalak nya? Magkapantay na ngayon ang mga paa namin then he instantly cornered me by his two hands pinned on the wall. Nagangat ako ng ulo and my eyes are widened the moment his nose touches my nose. Grabe lang ha! Nose to nose ampeg namin. Bwisit na puso ito. Daig pa ang mga kabayo sa karera sa sobrang bilis. Agad kong itinagilid ang ulo ko para maialis ang ilong nya sa ilong ko at para rin makaiwas sa mga titig nyang nakakatunaw. But wrong move Bea! He kissed my cheeks kaya itinulak ko na sya. Leche tong mokong na 'to. Siya na nga yung naging first kiss ko sa labi nung nalasing ako tapos ngayon first kisser ko sya sa cheeks. Magbabayad sya sa pagnanakaw nya ng halik sakin!

"How dare you kiss me! You have to pay for it!" sigaw ko. Sa pakiramdam ko ngayon, masasabi kong pulang pula na ako. Hindi sa kilig kundi ay marahil sa inis. Then I saw he smirked that makes my annoyance into double. Nakakapikon na!

"What I did to you is your payment for me. Ikaw ang dapat kong singilin." anito. "Huh? Wala akong utang sayo!" bulyaw ko.

"You're going to repay me because I helped you many times."

"Magkano ba? Wala akong maibabayad sayo dahil sapat lang ang kinikita ko para sa everyday expenses ko." ani ko.

"Not money" pagkasabi nya nun ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa animoy sinusuri ang katawan ko at narealize ko lang ang kanyang nais nang sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Agad kong niyakap ang sarili ko at dumikit pa lalo ang likod ko sa glass door ng office nya dahil sa pagatras ko. "No way!" muli kong bulyaw kay Andrei then he chuckled kaya napakunot ang noo ko.

"Bea, I didn't mean na madumi pala ang nasa isip mo." at tumawa pa sya habang iiling iling. I'm still standing there leaning on the glass wall dumbfounded. "Relax, I'm not interested in your body." dagdag nya. Aba ang kupal nya!

"Have a sit." umikot sya sa may lamesa at umupo sa kanyang swivel chair. I don't know what to do. Uupo ba ako? Matapos nya akong nakawan ng halik, ni hindi man lang sya nagsorry. Naggagalaiti na talaga ako dito kay Andrei. Napakalandi. "I have a deal to discuss with you" sabi nya kaya lumapit na ako sa visitor's chair nito. I'm his secretary kaya kapag tungkol sa business, kailangan ko syang sundin pero pakshet lang ha kasi hindi mawala yung inis ko dahil hinalikan nya ako sa pisngi. Nakakainis kasi sya ang nakauna sakin. Nakaunang halikan ako sa pisngi at lalo na sa labi.

Pagkaupo ko ay wala nang paligoy ligoy pa, umimik na ito kaya hinanda ko ang notepad at ballpen ko to take down everything he'll say.

"From now on" panimula nya kaya isinulat ko iyon at inulit ko pa ang sinabi nya.

"From now on" pagulit ko.

"You will be my personal maid" sabi nya.

"You will be my pers- what!?"

"You'll live with me in my condominium unit and clean my place. I want every dust of it disappear. You'll cook me breakfast and dinner. You'll do my laundry, change my bedsheet and curtains."

"Ano bang pinagsasabi mo?" takang taka na ako kung ano bang pumasok sa kokorte nya.

"Bilang kabayaran mo sakin." then he shrugged his shoulders. "You always tell me that you owe me right? Now pay for it. Katulong na kita."

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon