* ~ ~ ~ *
Sinundo ako ni Xander sa bahay para sabay kaming pumasok. Nagulat ang lahat sa nakita nila. HHWW kasi kami ni Xander sa hallway. Kaya ayun, puro interrogate ang barkada ko at sandamakmak na tanong."So ano nga Bea?" tanong ni Jessica.
"Isang tanong isang sagot!" sabi ni Evana.
"Kayo na ba Bespren?" tanong ni Ana.
Abang na abang sila sa sasabihin ko. Nagbuntong hininga muna ako at ngumiti ng napaka sweet.
"Yiiiieeeee, kayo na nga!" sigaw ni Francine.
"Kelan pa Bea?" tanong ni Jilyan.
"Pumoporeber na si Bea!" sabi ni Dianne.
"Kahapon ko sya sinagot." sabi ko.
Pumasok na kami sa room at umupo sa kanya kanyang pwesto. Hindi ko katabi si Xander ngayong fourth year dahil ramble ang sitting arrangements.
8 days after. Shortened period ngayong Thursday.
"May pupuntahan tayo"
"Huh? Saan naman Xander? Hindi ako nagpaalam kay mame!"
"Pinagpaalam ko na ang bagay na to kahapon pa"
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta! Teka para na tayo ng tricycle."
. . . .
"Bakit tayo nandito? Anong meron? Biglaan kasi. Buti nalang at tuwing Thursday tayo naka P.E uniform."
Hinigit ako ni Xander sa may mga bike at nagrent kami ng tig-isa. Andito kasi kami ngayon sa park na katabing lake. May mga nagbebenta ng balloons, cotton candy, pati mga fishball, kikiam, kwek-kwek at isaw. Andaming bata at mga pamilya na nagpi picnic. May mga couple din na nagde date. Teka date ba to?
"Baby, tara kumain? Baka pagod ka na magbike."
"Anong baby? Hindi ko alam na nagkaron ka ng matres at naging baby mo ako. Hahaha"
Pinisil nya ang ilong ko. "That's our endearment."
"Ayoko nun! Pangit, parang ikaw pangit! Hahaha"
Nagtampu tampuhan sya at tinalikuran ako. Ang cute nya palang mapikon.
"Uy Xander, wag ka na magalit. Joke lang naman eh" sinundot sundot ko ang tagiliran nya pero hindi pa rin nya ako nililingon.
"Hindi ka naman pangit. Biro lang yun. Ayoko kasi talaga ng tawagan na baby. Common." Hindi pa rin nya ako pinansin.
"Sorry na, alam ko namang gwapong gwapo ka. Uy" tumingin sya saken, umismid lang.
Hinampas ko sya ng mahina sa braso. "Xander!"
Pilit ko syang pinapaharap sakin. Aba daig pa nito ang babae. Pabebe pero mahal ko to.
"Alexander Villarreal. Will you marry me?" agad syang humarap at nanlaki ang mata. Nakaawang ngayong ang bibig nya. Haha gotcha!
"Oh ayan! Humarap ka rin sakin! Haha joke lang. Bati na tayo." agad namang kumunot ang noo nya. Nagpeace sign ako. Tapos tumalikod ulit. Nu bayan ang hirap suyuin.
"Xander?. . . . Uy Eros? Cupid ko!" ngiting-ngiti syang humarap sa akin.
"Ano yun Enid? Psyche ko?"
"Sabi ko ang gwapo mo Cupid!"
Kinurot nya ako sa pisngi. "Ang cute cute mo Psyche. Goddess of soul ka nga."
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...