Chapter 20 Buang

11 1 0
                                    


* ~ ~ ~ *

"Because I'm still your Cupid" ani Xander. "What do you mean?" tanong ko naman dito.

"Diba si Cupid ang may pakana kung bakit nagtatagpo ang dalawang taong itinadhana sa isa't-isa." pag-eexplain nya at pinagdilatan pa ako ng namimilog nyang mga mata.

"Anong gusto mong iparating?" frustrated kong tanong dahil hindi ko magets ang kanyang ninanais. "Ihahanap kita ng soulmate mo" simpleng sagot nito kaya tinanong ko ulit sya. "At paano mo magagawa yun? Wala sayo ang book of soulmate" pinanliitan ko naman sya ng mata. Siguro pag tiningnan ko sa salamin ang itsura ko ay baka matawa ako dahil kamukha ko na si Mulan na naniningkit ang mga mata.

"Modern na ngayon Bea, hindi na uso ang libro. May notepad ako dito sa phone. Ililista ko lahat ng lalaking ima-match ko sayo." iniwagayway pa nito ang hawak nyang iPhone 6s+ sa mukha ko. Eh di sya na ang rich kid. English version lang naman yung kanyang cellphone at ang akin ay Filipino version. Mahal lang talaga ang iPhone nya kesa sa Myphone ko.

"Lahat ng kakilala ko at makikilala ko, ililista ko sa phone ko tapos ipapakilala ko sayo." dagdag pa nito't inirapan ko na lang sya sa mga walang kwentang bagay na pinagsasabi.

"So ibubugaw mo ako, ganon? I don't like the idea" ani ko't humalukipkip. Itinaas ko pa ang kaliwang kilay ko para magmukhang mataray. "Magiging masaya tong paghahanap natin sa soulmate mo. Pumayag ka na. May benefit din naman sayo eh. Matatagpuan mo ang forever mo." abot tenga pa ang ngiti ng mokong.

Tiningnan ko naman sya ng seryoso "Xander, ang love hindi hinahanap. Kusa yan na darating sa buhay natin. Wag nating pangunahan ang love, masasaktan lang tayo sa mga biglaang desisyon. Antay antay lang pag may time."

Ibinaba naman nya ang hawak nyang inumin sa lamesa at tumingin sakin ng diretso "I really hate when you talk to me with your deep words."

"Hindi ka pa ba rin sanay sa mga hugot ko?"

"Basta, hahanapan kita ng forever whether you like it or not. Wag ka nang umangal!" sigaw nya kaya napatingin ang katabi naming nasa kabilang table kaya kinurot ko sa braso si Xander at dumaing naman sya ng aray. "Who are you to scold me?" pagtataray na tanong ko kay Xander at agad na tumaas ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa pagngisi. "Your Cupid" aniya na mas lalong ikinainis ko. Irereto nya ako sa mga kakilala nya, ganon ba? May kung anong pinindot na sya sa phone nya at iniscroll pa ito. Humigop nalang akong muli sa aking inumin at dinedma sya. Nagconnect na rin ako sa wifi dito sa SB para mag IG muna.

"1st in the list." panimula nito't itinapat sa mukha ko ang kanyang iPhone 6s+ kaya napaangat ako ng ulo. "Jason Lagdameo." muntik ko nang maibuga ang kapeng nasa bibig ko dahil sa narinig kong pangalan na kanyang binanggit. "Si Jason? Bakit sya?"

"Because he's single and so you are" simpleng dahilan nya at hindi naman yun valid reason. "Hindi dahilan yun Xander"

"Sa love walang dahilan, walang rason. You have to feel it" aba natututo na syang humugot ah.

"Feel? Eh wala naman akong nafe-feel kay Jason" sabi ko.

"That's why I'm here. We'll find out kung kanino magbo-boom ang feelings mo." sabi naman ni Xander. "So, I'll set a date for the two of you" tapos ay pumindot pindot ulit sya sa kanyang phone. Ibinaba ko na ang hawak kong inumin. "Ayoko nang magkaron pa ng feeling sa kahit na sino kaya ayokong pumayag sa gusto mong mangyari"

"Bakit naman Bea? Give me a damn reason para hindi na kita pilitin pa."

"Maybe it's because, I'm afraid to fall in love"

"But why?"

"Past siguro?"

"Bea, if it is because of me. Wag mong isipin na lahat ng lalaki ay iiwan ka. Don't live your life in the past. Hindi lahat ng lalaki ay kagaya ko na lolokohin ka. I'm sorry."

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon