Chapter 30 Together someday

0 0 0
                                    

* ~ ~ ~ *

"Dad, si Andrea?"

"Nasa kwarto silang magina. Saglit.... manang tawagin nyo na po sina Andrea. Pababain nyo na dito." utos ng dad ni Andrei sa isang katulong kaya umakyat ito sa itaas. "I'll leave you for a while here. Dito nyo nalang intayin sina Andrea." tumango lang si Andrei at iginaya akong umupo kaya umupo kaming dalawa sa couch. Maya-maya lamang ay may bumabang babae kasama ang batang lalaki na karga nito.

"Kuya!" the girl exclaimed. Kinuha ni Andrei ang karga nitong bata. "Uncle!" sigaw nung batang lalaki. "Iwan ko muna sayo si Kyle, asikasuhin ko lang ang mga bisita sa labas"

"Sige" sabi ni Andrei ng nakatingin sa bata. Tumango lang yung si Andrea at nakangiting nakatingin kay Andrei at sa anak nito. Nakatitig lang ako kay Andrea. Magkamukha sila ni Andrei kaso ay girl version lang si Andrea. Hindi kaya kambal silang dalawa? Lumingon bigla si Andrea sa akin kaya nagulat ako at halos mapatalon. Ngumiti lang sya sa akin at umalis na. Pamilyar sa akin si Andrea, basta parang nakita ko na sya noon pa. Hindi ko lang maalala kung kelan at kung saan ko sya nakita. Nakatitig lang ako sa katawan nyang palabas ng bahay papuntang garden hanggang sa umimik na si Andrei.

"He's Kyle, my nephew" sabi ni Andrei kaya naagaw nya ang atensyon ko. Ngumiti lang ako. "Ang cute nya. Ilang taon na sya?"

"He's three years old now. Kamukha ko sya diba?" nakatitig lang sa akin si Andrei at nakangiti. Hinihintay akong sumagot. Tumango lang ako. "Pero mas cute ako diba?" I just pout with disgust.

"Uncle, sino po sya?" tanong ni Kyle habang nakaturo at nakatingin sa akin. "She's Auntie Bea" sabi ni Andrei. Nakatingin silang pareho sa akin. Magkatulad sila ng mata pero parang pamilyar ang mukha sa akin ni Kyle. "Hello Kyle" bati ko at nakangiti ng malapad.

"Hi Auntie" sabi ni Kyle at humagikgik pa. Dumoble ang kacutan nya at nawawalan ng baba kapag tumatawa. Nilaro muna namin si Kyle at binuksan ang regalo ni Andrei para sa kanya.

Niyaya nya na akong lumabas kami at tumungo sa garden para daw kumain. Iniwan na namin ang paperbag sa lamesa na puno ng regalo.

Pagkalabas namin ay lumapit kami sa buffet table at binigyan ako nung waiter ng pinggan.

"Uncle, I wanna play" sabi ni Kyle habang nakasimangot. Ang cute nya super at ang puti puti pa. "Kakain muna si uncle ha" sabi ni Andrei pero ayaw pa rin ni Kyle at nagbabadya na ang mga luha nito kaya naman napabuntong hininga si Andrei at nagpaalam sa akin na dadalhin muna ni Andrei si Kyle kay mr. Sevilla. Naiwan tuloy akong magisa dito sa pagkuha ng pagkain.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya nilingon ko ito. Halos mapatalon ako ng makita ko ang mommy ni Andrei.

"Do you and my son have something?" tanong ng mrs. Sevilla habang nakuha ako ng pagkain sa buffet table. Hiyang-hiya na talaga ako dito sa bahay nila. Biruin mo ba naman, kausapin ka ng mayayaman na tao katulad ng mga Sevilla. Nakakastar struck at parang artista ang mga kasama ko ngayon. Nalito ako sa tanong ng mommy ni Andrei. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya napatulala lang ako sa kanya.

"Why didn't you answer?"

"P-po?" I returned the question. Siguro mukha akong tanga dito dahil hindi ko masagot ang mga tanong nya. Ano nga ba ang isasagot ko? Something? Kami ni Andrei? Wait does she mean?

Agad akong napailing pero nakita kong napatawa si mrs. Sevilla sa naging reaksyon ko. "Wala ba talagang namamagitan sa inyo ng anak ko?"

"Wala po, I'm just his secretary" sabi ko dahil naisip ko kasi na baka ipagtabuyan nya ako dito sa pamamahay na ito. Kagaya nalang ng nasa pelikula na ayaw nila sa babaeng hindi mayaman na makakatuluyan ng anak nila. Kadalasan kasi ay kapag sa mayaman ay sa mayaman lamang. Totoo naman pati talaga na walang namamagitan sa amin ni Andrei. Boss ko sya at empleyado nya lang ako.

Afraid to Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon