* ~ ~ ~ *"Sir Andrei, I better get going. Masyado na po akong istorbo sainyo. Thank you po dahil hinayaan mo akong matulog dito sa condo mo" isinabit ko nang maayos ang body bag ko sa kanang balikat ko at tinalikuran na si sir Andrei.
Akmang lalabas na ako sa condo unit ni sir Andrei pero hinawakan nya ang braso ko at pinaharap sa kanya.
"Bea, I already cooked a breakfast meal. It would be such a waste if you didn't join me." sabi nya habang hawak hawak pa rin ang braso ko kaya marahan ko itong binawi mula sa kanya. Napansin nya na unti-unti kong binawi ang braso ko sa kanya kaya bumaba ang tingin nya sa kamay nya. I've never seen this side of him. He never begged for me. Ngayon ko lang sya nakita na nagkakaganito. He's always been cocky and arrogant kaya palagi akong naiinis sa kanya sa opisina. At higit sa lahat, napaka playboy nya. Walang palya na may babae syang kasama at kita ng dalawa kong mata kung paano sila maglandian. I knew better, hinding hindi ako magpapadala sa pinapakita nya. I snorted. I don't want to be one of his girls.
"I'm sorry sir but I have a meeting to attend later with Mr. Villarreal at the Food Palace. I need to meet with him, he's our new engineer. Kailangan ko na po talaga umalis." pagtanggi ko sa alok nya ng breakfast. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na wag magpadala sa mabangong amoy ng pagkain na nagmumula sa kanyang kusina. I am tempted pero ayokong umabuso and besides ayoko rin na isipin nyang madali akong mauto. Wala ako sa tamang pagiisip kagabi kaya nagawa ko ang bagay na yon.
Bago pa man sya makapagsalita ay nabuksan ko na kaagad ang pintuan at nagmadali nang tinahak ang daan papunta sa elevator. Magisa lang ako sa loob ng elevator at walang kasabay kaya pinindot ko na ang ground floor. Magsasara na sana ang elevator ngunit agad namang may humarang na kamay dahilan ng muli nitong pagbukas. Inangat ko ang tingin ko only to find out that it was sir Andrei.
Parang de javu. It's like the first time I met him noong araw na ika-dalawang linggo ko pa lamang sa kompanya ng pamilya nya. Kinamot nya ang likod ng batok nya at tumabi sakin sa kaliwa ko sabay sabing "Bea, Ihahatid na kita."
Hinarap ko naman si sir Andrei. "There's no need sir. Thank you po sa offer mo but I can manage myself and pasensya na po sa abala." pagkasabi ko ng mga salitang iyon sa kanya ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami at nagbukas na ang elevator. I stepped my right foot forward but he instantly pulled me near him and he immediately press the button of the last floor of the building which is the parking area. "I insist. Don't hesitate on arguing with me." aniya. Muling nagbukas ang elavator at hinawakan nya ang palapulsuhan ko sabay hila papunta sa kanyang kotse. Pinindot nya ang isang button mula sa kanyang car keys kaya naman tumunog ang kotse ni sir Andrei na Toyota 86 na color black. Isinakay nya ako sa passenger seat at mabilis na umikot papunta sa driver seat at agarang pinaandar ang sasakyan kaya hindi na ako nakaangal pa. Pang two seater lang ang kotse nya.
Hinayaan ko nalang sya na ihatid ako sa aking boarding house para menos ako sa gastos ng pamasahe. Sobrang tahimik naming dalawa sa loob ng car ni sir Andrei pero hindi naglaon ay nabasag ang katahimikan dahil tinanong nya ako. "Ahm, I don't know where you live. Can you lead me the way?" Tumingin sya sakin saglit tapos ay binalik ang tingin sa kalsada. "Sa tapat lang po ng industry ng kompanya nyo." sabi ko.
Itinigil nya ang kotse nya dahil nakastop light ang ilaw sa streets kaya nilingon nya ako. "You live around our company? May bahay ka ba doon?"
"No, sir. Nagre-rent po ako sa boarding house sa tapat ng Merkley company. Taga Quezon Province po kasi ako talaga." pagkasabi ko nun ay tumango tango nalang si sir Andrei at pinaandar muli ang kotse nya.
"Jan nalang po sa tabi sir" sabi ko at pinarada sa tabihan ng gater ang kotse nya. Hinawakan ko ang seatbelt ko para tanggalin. Narinig ko naman ang pagbukas tapos ay pagsara ng pintuan ng kotse nya. Pagangat ng tingin ko sa driver seat ay wala na ron si sir Andrei. Bumukas naman ang pintuan sa tabi ko at naglahad ng kamay si sir Andrei. Hindi ko yun pinansin dahil hindi ko matanggal ang pagkakalock sa seatbelt ko. Tss. Ang shunga ko namang tingnan. Bakit ba naman kasi ganito kahigpit ito? Kabago- bago ng sasakyan nya pero maganit na ang seatbelt. "Tsk, let me" aniya. Nahawakan nya ang kamay ko na nasa lock ng seatbelt kaya mabilis kong tinabig ang kamay nya. "Wag na po" sabi ko. Hindi nya ako pinansin at muling hinawakan ang lock kaya tinanggal ko na ang mga kamay ko. Nakaharap ako sa may kaliwang ibaba kung nasaan yung lock but I can see in my peripheral vision na halos magdikit na ang mukha naming dalawa. Kinakabahan ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong natatae sa sobrang pagkatense. Pati parang umiikot ang buong kalamnan ko, yung feeling na mapupururot ka. Nakakahiya dahil baka any minute mapautot ako ng mabaho at sobrang bilis ng puso ko. Pakiramdam ko ay may mga paru-parong umiikot sa loob ng tyan ko. Bakit kasi ang tagal nyang matanggal yung lock ng seatbelt? "There, natanggal na." napangiti ako sa sinabi nya kaya lumingon ako sa kanya. Shet, I forgot. Both of our faces are only an inch away. Hindi ako nakaiwas dahil nakaupo pa ako sa passenger seat nya. Pagkaatras ko kanina ay nauntog lang ang ulo ko sa upuan kaya naman magkalapit pa rin ang pareho naming mukha. Ngumiti si sir Andrei na ikinamula naman ng buong pisngi ko. Ano ba naman ito? Siguro kung titingnan sa salamin ay para nang nangangamatis ang pisngi ko sa pula. Nilabas na nya ang kalahati ng katawan nya sa kotse at muling inilahad ang kamay nya. Nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba ang kamay ko sa kanya para alalayan ako. Nakatitig lang ako sa kamay nyang nakalahad pero bigla nalang nyang kinuha ang kamay ko at inalalayan na nga ako sa paglabas sa kotse nya na Toyota 86. "Sir Andrei, thank you po sa paghatid at dahil na rin po hinayaan mo akong matulog sa unit mo. I owe you a lot."
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Fiksi RemajaMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...