* ~ ~ ~ *Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga tanong na bumabagabag sa aking utak. Bwisit na Xander yan!
Tapos na ang lahat sa amin. Wala nang dapat pang linawin. Wala nang dapat pang ungkatin. Wala nang dapat pang balikan. Wala nang dahilan para may pagusapan pa kami bukod sa trabaho. Wala na ang lahat sa pagitan namin. Bullshit nakakabangag. Hindi ko magawa ng husay ang trabaho ko. Ano ba naman Bea?
Focus. Focus. Focus.
I sighed. Hanggang ngayon ba naman affected pa rin ako kay Xander? Pero nakamove on na ako. Matagal na panahon ko nang nakalimutan sya. Binakuran ko na ang puso ko para kay Xander at pati na rin sa mga lalaking katulad nya. Alam ko sa sarili ko na tinadtad ko ito ng bakod para wala nang trespassing at magnanakaw ng puso ko.
"Bea!"
"Ay bakod!" gulat kong sinabi.
"Inside my office. Now" rinig kong boses ni Andrei na nanggaling sa intercom. Agad kong pinindot ang middle button at umimik. "Okay sir" ani ko. Niligpit ko muna ang patong-patong na mga papel at mga dokumento sa ibabaw ng lamesa ko bago pumasok sa loob ng opisina ni Andrei. "Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ko dito.
"Bring me the blueprints of Mr. Villarreal for our project" utos nya at agad naman akong tumango. "Sige po sir, right away." hinawakan ko na ang handle ng glass door ng office nya at akmang lalabas na para kuhanin ang mga blueprints na inuutos nya na iginuhit ni Xander nang biglang umimik muli si Andrei. Sa isip isip ko ay baka may iuutos pa sya sakin pero nagkamali ako. "I told you not to call me sir and don't use po when you're talking to me." humarap naman ako sa kanya.
"But sir, with all due respect nasa opisina po tayo kaya dapat ko po kayong tawagin na sir." nakahawak pa rin ako sa handle ng glass door at magkatitigan kami.
"I'm your boss and that's my order. Just call me in first name basis." he commanded.
"But sir-" pagangal ko sa sinabi nya ngunit agad nya naman itong pinutol. "Bea, no buts" wala naman akong magagawa dahil sya ang boss ko at isa lang akong hamak na sekretarya. Sumangayon nalang ako at lumabas na. Bumalik ako dala-dala ang mga blueprints na gawa ni Xander at ibinigay ang mga ito kay Andrei.
. . . .Lumipas ang isang buwan, matapos mapag-planuhan ang lahat para sa construction ng Merkley village ay nagset ng meeting si Jason. Napagusapan namin doon na kailangan naming puntahan ang location sa Pagbilao Quezon.
"Bea sakin ka na sumabay sa kotse ko pagpunta sa Quezon" offer ni Jason. Nakaupo pa rin kaming tatlo sa loob ng conference room. Nakaalis na ang mga ibang tauhan nila at kami nalang ni Jason at ni Xander ang natira dito. Hindi sumasama si Andrei sa mga meetings kapag tungkol sa J corporation. Ikinapagtaka ko lang kasi pakiramdam ko may iniiwasan sya. May alitan siguro sa kanilang dalawa ni Jason gaya ng sinabi sakin noon ni Brian.
"Ahm, baka hindi na. Kaya ko naman pumunta dun magisa." sabi ko.
"But you don't have a car. Wait, magco-commute ka?" tanong ni Xander. "Mahihirapan ka bumyahe. It's better kung sasabay ka samin." dagdag nito. Wow concern? Ano naman kung mahihirapan ako? Nung date ngang pinahirapan nya ako wala syang pakialam. Wow lang ha. As in wow.
"Okay lang, nakakahiya naman sa inyo. Big boss kasi kayo. Siguro naman, may service ang Merkley company"
"Sumabay ka na kay Jason next week. Baka ma traffic ka pa kung magba-bus ka papunta roon." sabi ni Xander. "Pumayag ka na Bea, sabay ka na sakin." pagpupumilit naman ni Jason. Nakapout pa sya tapos nagpa-puppy eyes. Yung totoo? Is he gay? Haha. "Please, I won't mind. Gusto ko lang tayo mag-get along." dagdag sa sinabi ni Jason. Pinilit pa akong muli ni Xander. "Papayag na yan." biro pa niya. Grabe mangulit itong dalawang mag bestfriend eh.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall in Love
Teen FictionMy name is Bea Valdez. 19 years of age and lives in Quezon Province. I have a loving sister and a wonderful mother. My dad past away last year because of his disease, kidney cancer. I grew up in a broken family, that explains why I am a afraid to...