Chapter 16

27 5 0
                                    

Nagising ako na lahat pa ng tao sa bahay ay mga tulog pa.Sarado pa yung mga ilaw sa bahay.Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na.5 o'clock palang.

Tinry ko ulit matulog kaso wala 'di na ako makatulog.Pumunta ako sa banyo at nagtoothbrush.Habang nagtoothbrush ako may nakita akong papel sa salamin.Nagmumog muna ako at naghilamos bago kuhanin 'to.

Ano nanaman 'tohh??Nagdrawing lang ng box sa isang papel what the efff

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ano nanaman 'tohh??Nagdrawing lang ng box sa isang papel what the efff.Tinupi ko nalang ito at nilagay ko sa bag ko.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba.Tumingin ako sa ref kung may makakain ba.Kumuha ako ng isang chocolate at lumabas ng bahay para maglakad lakad.

Pagkalabas ko pa lang ng pinto,naramdaman ko agad na ang lamig.Pero nakakatamad naman kumuha ng jacket.Napunta ako sa isang playground at umupo sa isang bench.

'Nung nakaupo na ako may napansin akong jacket sa bench at may nakita akong papel na nakaipit dito.

Sa susunod kasi,kapag lalabas ka may dala kang jacket.Pero eto na ang last mo na lumabas ng gantong oras,baka kung ano pang mangyari sayo.By the way suotin mo na yung jacket baka nilalamig kana.

Napaisip agad ako kung para ba sakin 'to.Wala naman kasi akong nakikitang ibang tao dito sa playground.Bahala na kinuha ko ito at sinuot.Naglakad lakad nalang ako at nagulat ako na may bumangga sakin.

Kaya natumba ako at nakaramdam agad ako ng hapdi sa palad ko at tuhod.Tinignan ko kung sino yung nakabangga sakin.Si Brina

"Heyyy whattsuupp Brina,"imbis na sagutin niya ako,tumingin siya sakin ng nag aalala siya.

Lumuhod siya at nagulat ako ng kinabig niya ako ng mahigpit na yakap.

"Ayos ka lang ba??Hindi ka ba nasaktan??"tapos tinignan niya yung palad ko at tuhod.Tinignan niya ako ulit at kinabig nanaman ako ng yakap.

"Hoyyy!dalawang beses ka ng nanananching ha.Ano nainlove kana ba sakin kaya kung yumakap ka ehhh parang maaagawan ka,"tumingin siya sakin ng puno ng pag aalala.Inirapan ko lang siya at tumayo.Kaso hindi pa ako nakakatayo bigla akong nawalan ng balanse,bago pa ako matumba umalalay na agad sakin si Brina.

"Hep! hep! Kayo ko sarili ko'"pinilit ko ulit tumayo kaso ganun pa din.Nagulat ako ng binuhat niya ako yung sa parang bagong kasal.

"Huwag na kasing ipilit kung hindi kaya.Sa susunod,huwag kang lalabas ng gantong oras ha.Delikado baka kung ano pang mangyari sayo,"pamilyar yung sinabi niya ha.Nevermind.

Habang naglalakad siya,pinagmasdan ko yung mukha niya.Bakit parang pamilyar siya sakin?Parang nakita ko na yung mukha niya.Biglang sumakit yung ulo ko na parang binibiyak na ito.

Quinn,kapag lumaki na tayo papakasalan na agad kita.Basta promise mo sakin na ako lang ha?

Promise ikaw lang yung papakasalan ko

"Anong nangyayari sayo Georgie?!?!"eto ang huli kong narinig at everyhting went black.

~○~○~○~○~○~
Nagising ako dahil sa amoy ng...wait.....CARBONARA!!Tatayo na sana ako kaso biglang sumakit yung paa ko at nawalan ng balanse.

"Alam nang 'di makatayo ehh.Dinalan na kita ng paborito mo kaya hindi mo na kailangan magtayo,"binuhat niya ako paupo sa kama.Pinagmasdan ko yung kwarto.

"Nasaan ako ngayon??"

"Nandito ka sa bahay ko.Ihahatid nalang kita kapag maayos na yung paa mo,"kukuhanin ko sana yung tinidor para kumain na kaso biglang humapdin yung kamay ko.Nakita ko na may sugat pala 'to.Malakas kasi ang pagkakabangga sakin ni Brina kaya ayan tumilampon si ako.Alam niyo namang maliit na nga ako,medyo payat pa.

"Ako na magpapakain sayo.Ako naman yung may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan,"sabay kuha ng tinidor at kumuha ng carbonara sabay subo sakin.Ngumit niya na parang may nakakatawa.Pinunasan niya ng thumb niya yung ilong ko.

"Kalat mo talaga kumain,simula palang nung nakilala kita,"bakit gutom ako nung time na yun eh.Hanggang sa maubos yung pagkain at lumabas na siya ng kwarto para hugasan na ito.

Humiga ako at may napansin ako na may nakaipit sa unan.Kinuha ko ito at may nakita akong bonnet na kulay black at may nakalagay na

V

Saan ko nga ba nakita 'to??

------- -------

The Mysterious BookWhere stories live. Discover now