Nagulat ako sa sinabi niya.Hindi lang pala kami simpleng kababata lang, kami pala ay nagkaroong ng espesyal ng nararamdaman namin sa isa't isa bago pa kami humantong dito."Kaya tuwang tuwa ako nung nalaman ko na may puwang pala ako sa iyo.Yung kahit hindi mo ako makilala, pero hindi paring mawawala yung mga alaala na ginawa natin"
Narinig ko yung bukas ng pinto at nakita ko yung lima na papalapit samin pero may kasama din sila.Tinignan ko silng lahat at pakiramdam ko lahat nag flashback nung mga panahon na kasama ko sila.
Naaalala ko yung mga kulitan namin at ang unang araw kung saan kami nagkakilala.
Naaalala ko din yung mga panahon na pag may problema kami at kami kami din yung gagawa ng solusyon para malutas ito.
Tumakbo ako papalapit sakanila at niyakap ko sila.Niyakap din nila ako pabalik at yung iba ginulo pa buhok ko.
"Sorry, hindi ko kayo naalala ng mahabang panahon.Sorry kung ganon ko nalang kayo nakalimutan at sorry sa lahat ng pagkukulang ko"
"Hindi ikaw ang may kasalanan, kinalulungkot kong sabihin pero talagang nakatadhana sayo yung kalimutan kami at kasama na dito si Bryson" ani ni Kuya Benjamin Dax Peyton.
"Pero buti nalang talaga na naalala mo na din kami at si Kuya Bryson" sabi ni Jaxon.
(A/N:Sa mga hindi nakakaalala si Jaxon yung kapatid ni Bryson)
Tumingin ako sakanila ng nagaalanganin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanila.Feeling ko wala akong kwentang kaibigan at kasintahan, alam kong ang bata ko pa para magkaroon ng kasintahan ng gantong kaaga pero alam kong simula ng wala pa kaming kamuang muang sa mundong ito, alam kong kami na talaga ang nakatakda
Pero nagtataka ako kung bakit hindi ko maalala si Bryson Tyler Hancher.
Nagulat ako ng may umakbay sa akin, tinignan ko kung sino yun.
"Okay lang yun kung hindi niya ako maalala ang mahalaga kilala niya yung mga kaibigan na umagapay sakanya. Alam kong may tamang oras na makikilala niya ako, malay niyo sa mismong kasal namin diba?"
Tumawa naman sila at buti nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko kahit na ganto.
Nakita ko si Van at Harrison sa paningin ko, buti nalang nandiyan si Van ng mga araw na hindi ko pa sila naaalala.May biglang pumasok na tanong utak ko.
"Guys, tanong ko lang may kapangyarihan ba kayo?" Sabi ko sakanila.
Tumingin sila sakin at nag smirk pa ang mga loko.
"Eto na ata ang tamang oras para mapakita namin sayo na hindi lang kami simpleng tao" pagyayabang ni Kuya Harry.
Unang pumunta sa harapan ko si Galadriel at Gianna. May mga kinukuha silang mga gamit at hindi ko na makita yung mga ginagawa nila sa sobrang bilis ng kilos nila.
Tapos na ata sila sa ginagawa nila at parang wala akong nakitang nagbago sa paligid.
"Humakbang ka ng tatlong beses, tignan mo yung mangyayari"
Pagkahakbang ko ng tatlo biglang may nagbukas at nalaglag ako dun.
Hindi ako makahinga sa lalim ng tubig na binaksakan ko at nagtataka ako kung paano nila ginawa yun.
Bago pa ako mawalan ng hininga, tumaas ako at nakita ko nalng yung sarili ko na nakapatiwarik ako sa kisame.
Hindi pa yun nagtatapos, nahulog ako sa puro harina at nakita ko nalang na nakatali ako sa upuan.
"Inshort, mga prankster kami" sabi pa ng kambal.
At nalaman ko din sina Grayson at Xavier ay mga prankster din. Saya siguro kung parehas sila maglalaban.
Ang sunod naman si Brianna at Benjamin.Hindi ko nga alam kung bakit sila magkasama na ipakita kung ano man yung kapangyarihan nila.
Bigla nalang nagbato ng shuriken kay Benjamin at nagulat ako ng biglang nawala tapos nakita ko nalang na naka tusok sa pinto.
Yung pinto nasa likod lang ni Brianna, kaya kinabahan ako baka kasi matamaan siya.
Sabi nila ang tawag ng kapangyarihan ni Benjamin ay apportation.
Ibig sabihin nito ay pwede niyang mapalipat ang bagay sa ibang lugar na hindi niya hinahawakan,pwede din naman na niyang gawing invisible ito at kung ano pa.
Si Brianna naman ay isang Black Smith, siya ay tiga gawa ng mga sandata pero hindi lang ito simpleng sandata dahil may kasamang lason din ito. Sabi niya hindi daw espesyal yung kakayahan niya and I was like ang astig nga eh kasi nakakabisado niya kung anong timpla ng potion na gagamitin niya sa isang sandata.
Si Kuya Lucas naman yung sunod, sinabi ni Grayson kung ano kakayahan niya dahil hindi naman pwede ipakita yung kakayahan niya. Sabi niya hindi niya pa daw masyadong nadedevelop yung kapangyarihan niya kaya ganun.
Sabi niya isang Death Warning si Kuya Lucas, ito ay kakayahan na malalaman niya kung sino namatay, kung bakit namatay yung isang taong yun or pwede din kung kailan mamatay yung taong yun. Sa sinabi nga na hindi niya pa masyadong nadedevelop kaya hanggang pakiramdam niya palang kung sino ng mamamatay.
Si Ate Jasmine naman ay Time Control sabi ulit ni Grayson. Eto ay kaya niyang patigilin, pabilisin, pahintuin, pabagalin yung oras.
Wala kasi dito si Ate Jasmine at Kuya Lucas kaya sila nalang yung nagpaliwanag.
Nung sina Kuya Harry at Van na yung susunod bigla silang nawala. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta.
"Invisibility yung kapangyarihan ng magkapatid na yun kaya hindi mo sila makita" sagot ni Xavier sakin.
Si Jaxon naman ay meron siyang photographic memory at kaya niya rin idrawing kung ano nasa isip niya. Kahit na nakapikit man siya kaya parin itong idrawing.
Nagulat ako nung nalaman ko din na si Sky ay meron ding kapangyarihan. Siya ay may kakayahang Telepathy, siguro naman alam niyo yun.
"Meron din ba akong kapangyarihan?" Tanong ko sakanila.
"Sa totoo lang Madison, ikaw ang pinakamalakas samin" ani ni Brianna na ikinagulat ko.
----------- --------
Sorry kung ngayon lang ako nakapag update, sabog kasi ako ngayon kaya sorry ulit
Sa mga nagbabasa nito, salamat at Saranghaeyo (with flying kiss ng Bangtan)

YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasiIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...