M.A.Q.'s POVNapagpasyahan na tumira kami lahat sa isang bahay.Hindi ko nga alam na may mansyon pala si Mama.
Gusto kasi nila na bantayan kami ni Mama dahil wala pa akong kaalam alam kung ano kapangyarihan ko at hindi ko alam kung paano ko poprotektahan yung sarili ko.
Umalis nanaman si Harry at hindi ko alam kung saan niya pumunta.
Pumunta ako papalapit kay Bryson at niyakap ko siya.
"Bakit naglalambing si Quinn? Ano kailangan mo?" pang aasar sakin ni Bryson.
"Masama bang yumakap sayo" sinasabi ko yun habang nakasibangot.
"Hulaan ko ha, gusto mong pumunta sa concert ng BTS"
Naalala ko nanaman na sold out na yung ticket kaya lalo akong sumibangot.
"Sold out na kaya yung ticket aber"
"Ikaw wala kang tiwala sa boyfriend mo noh?"
Tumingin ako sakanya at bumalik nalang ulit sa pagkakayakap ko sa baklang 'to.
"Pumunta ka sa kwarto mo, buksan mo yung aparador mo tapos may makikita kang kahon at dalhin mo dito" seryoso niyang utos sakin.
Umalis na ako sa pagkakayakap ko at sinunod ko na yung utos niya.
Pabalik na ako habang dala ko yung kahon na sinasabi niya.
Binuksan ko yun at may nakita akong dalawang papel na gustong gusto kong mukuha.
"Putakte Bryson, huwag mo akong biruin ng ganito" tinignan niya lang ako habang tumatawa.
"Puta, seryoso?!! Paano ka nakabili?"
"Alam mo bang pumila ako ng pagkatagal tagal para makuha yan. Ayoko namang gamitin yung kapangyarihan ko tapos mura lang yung matatanggap ko"
Umiiyak ako habang hinahampas ko siya.
Yung pinakamahal lang naman yung binili niya. Susko kung ako siya maghihirap na ako.
"Shemay naman ehh, kala ko team bahay nanaman ako. Alam mo bang daig pa ako ng mga kaibigan ko na mas bata pa sakin pero sila nakakapunta"
Niyakap niya lang ako habang tunatawa atsaka inabutan ako ng panyo.
"Punasan mo muna nga yang uhog mo" tumawa lang ako habang nakayakap sakanya.
~°~°~°~°~°~°~°~°
"Madison, samahan mo nga kami ni Lexi mag libot" sabi ni Ivy.
"Don't worry libre namin pero bago muna yan mag aayos lang kami" dagdag naman ni Lexi.
Tumango ako sakanila at ngumiti.Libre na yun tatanggi pa ba ako.
Habang hinihintay ko yung kambal, narinig ko na may kausap si Harry.
Lumapit ako doon sa kinaroroonan niya at pinakinggan ang sinasabi niya.
"Sa ngayon naman ay wala silang ginagawang plano...sasabihin ko agad kung kikilos na sila"
"Sige, kita nalang sa dating kitaan"
Bago pa ako mahuli na nakikinig, umalis agad ako at umupo sa dati kong inuupuan.
Umalis na siya at yun naman ang oras na tapos na mag ayos ang kambal.
"Tara na Madison, baka gabihin pa tayo sa pag uwi" sabi ng kambal.
Sumakay na kami sa kotse at umupo na kami pare parehas kaming hindi marunong mag drive kaya may driver.
Nakarating na kami sa SM at bumaba na kami sa kotse.
Pumasok na kami at naisipan kong dumeretso sa NBS.
"Guys, punta lang ako sa NBS kita kita nalang tayo sa food court ha?"
Tumingin sila sakin na nag aalala pero tumango sila sakin at ngumiti.
Pumunta ako doon sa lugat kung saan ko nakita yung libro at naisip ko kung hindi ko pala pinulot yun siguro hanggang ngayon wala akong kaalam alam.
May biglang kumalabit sakin at nakita ko yung dating tumulong sakin na tumayo na may bumagsak sakin na mabigat na libro.
"Ohh, kayo po pala dito rin po ba kayo nakatira sa Cavite?" Tanong ko sakanya.
"Ayy oo, nagbakasyon lang naman ako doon at namasyal masyal" sabi niya sakin.
Nakita ko nasa labas sila Lexi at Ivy ng NBS. Sabing sa food court na magkikita kita.
"Sige po mauuna na ho ako"
Sinuklian niya lang ako ng ngiti at dumeretso na sa kambal.
~°~°~°~°~°~°~°~°
Nandito na kami sa sasakyan at pauwi na.
"Madison, sino nga pala yung kausap mo kanina?" tanong sakin ni Ivy.
"Yun yung tumulong sakin sa Baguio nung nahulugan ako ng makapal na libro sa ulo" paliwanag ko sakanila.
Tumingin ako sa harapan at may nakita akong kotse na biglang humarang samin.
Hindi agad nakapreno yung driver at napuno ng sigaw ang kotse.
Everything went black.
~°~°~°~°~°~°~°
Bryson's POV
Nakita ko na may tumatawag sa cellphone ko at nakita ko na ibang number.
Pagkasagot ko ay isang boses ng lalaki ang narinig ko.
"Kaano ano niyo po si Ms. Madison Audrey Quinn Altamera?"
"Kasintahan niya ho, bakit ano pong nangyari sakanya?!"
---------- ---------
Sorry dahil ngayon lang ako nag update at short update pa.
Huwag kayong mag alala bakasyon na ngayon baka lagi na akong mag update.
Maraming salamat sa nagbabasa ng story ko at sorry sa mga typos.
Aayusin ko agad yun kapag natapos ko na itong story ko.
Malapit ng umabot ng 600 ang nakakakita nito salamat sainyo.
Maraming salamat alam kong makakaabot din tayo at sana mag iwan kayo ng comments para sa mga opinyon niyo sa kwento ko at yun lang.
Maraming salamat ulit ^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/77888570-288-k118771.jpg)
YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasyIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...