3rd person's POV"Mama,ikaw ba yan?"
Naramdaman ni Natalia na narinig niya ang ang boses ng kanyang anak kaya minulat niya ang kanyang mga mata.
Hindi nga siya nagkamali, nasilayan niya ang kanyang anak na gusto niya pa dating hagkan.
Bumangon siya sa hinihigaan niya at mahigpit na yinakap si Madison.
"Anak, ikaw ba talaga yan??" Ani nito at hindi na napigilan na humagulgol.
"Mama naman ehh, inulit mo lang yung tanong ko" sabay tulo ng kanyang munting luha.
Napagpasyahan ng mga kaibigan ni Madison na bigyan ng oras ang mag ina.
"Mama, sino kasama mo dito?? Parang ang laki naman ng tinitirhan niyo at nasa tagong lugar pa" tanong ni Madison.
"Anak, wala akong kasama dito pero kapag weekends may pumupunta ditong isang lalaki na nakamascara para bantayan kung tumatakas ba ako"
Nagulat si Madison sa mga kanyang nalaman.
Lumabas na sila sa mansyon na ito at pinagpasyahan na sa bahay nalang ituloy yung dapat ikwento ni Natalia kay Madison.
"Hello Mama, ako nga po pala ang future husband ni Madison" sabay ngiti ni Bryson ng square smile niya.
"At sino nagsabi na saiyo siya ipapakasal??" Ani ni Natalia at tinaas ang kanang kilay.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Madison sa reaksyon ni Bryson at natawa din sila dahil alam na nilang lahat kung kanino nagmana si Madison.
~○~○~○~○~○~○~M.A.Q's POV
"Nasaan nga pala yung kapatid mo anak?" Tanong ni Mama sakin.
Nandito na kami sa sasakyan para makauwi na sa bahay.
"Nandoon po, naiwan sa Cavite.Makikita mo naman din po siya kapag nakauwi na tayo sa Cavite"
May pumasok na tanong sa isip ko, kung ako hindi tunay na pangalan ko ay Georgia.Paano si Georgine hindi niya kaya yun yung tunay niyang pangalan.
"Melissa Bella Tia Altamera, ang buong pangalan ng kapatid mo" sabay ngiti sakin ni Mama.
"Ma, nabasa mo yung nasa isip ko??" Tanong ko sakanya.
"Oo anak, Mind Reader yung kapangyarihan ko kaya nababasa ko yung nasa isip mo"
Napaisip ako bakit wala akong kapangyarihan pero may kapangyarihan kaya yung kapatid ko?? At bakit sobrang haba ng pangalan namin?
"Malalaman mo din yan mamaya kapag nakauwi na tayo.Trip ko lang kung bakit mahaba yung pangalan niyo"
Alam ko na talaga kung saan ako nagmana.
~○~○~○~○~○~○~Kakarating lang namin sa bahay at dumeretso na kami sa kanya kanya naming kwarto.
Pumasok na kami ni Mama sa kwarto ko at umupo na kami sa kama."Mama, simulan niyo na pong magkwento"
"Dati yung pamilya natin parang walang problema na hinaharap pero nagsimula ang lahat nung nakita ko ang papa mo...
Masaya si Natalia dahil birthday na ng asawa niya kaya lumabas siya ng bahay para bumili ng regalo.
Nakabalik agad siya, nung nasa harap na siya ng pinto at may narinig siyang tawa ng babae.
Bago muna siya makapasok, binasa niya muna yung nasa isip ng asawa niya.
Sana wag muna bumalik si Natalia baka mahuli kami ni Laine
Pagkapasok niya nahuli niya ang kanyang asawa na may kahalikan ng ibang babae.
"Simula nung araw na yung walang araw na hindi niya ako sinasaktan"
"Sino yung kasama mong lalaki ha?? Lalaki mo siguro yun porket nahuli mo akong may kasamang babae maghihiganti kana ha? Ano maghihiganti ka?!" Sabay sampal ng malakas kay Natalia.
"Nung oras na yun, nandun si Nathaniel kapag sinasaktan ako ng papa mo.Nandun din yung best friend ko pero hindi ko alam kung nasaan na siya nung time na yun.Pinagtatanggol niya ako kay Sebastian kapag may balak niya akong saktan.Pinagpasyahan ko na makipaghiwalay na sa Papa mo"
"Sebastian, ayoko na.Sawang sawa na ako sa pananakit mo at pinapakita mo pa sa mga bata na sinasaktan mo ako!"
"Ano ngayon babalikan mo na yung ama ng anak mo ha?!" Bago niya masampal si Natalia ay nasanggi niya ang kamay niya at sinampal siya.
"Sawang sawa na ako sayo!"
"Pero hindi niya pa kayo binigay sakin.Kaya nung time na nakita mo kami ni Sebastian na may nakatarak saming kutsilyo ay pumunta ka sa mundo ng tao at hindi na kita napigilan.Hindi ko alam kung sino yung sumaksak samin kasi madilim nung oras na yun at hindi ko din alam kung buhay pa si Sebastian"
Nagulat ako sa mga sinasabi ni Mama.Hindi ko alam na ganun pala kagulo ang nangyari sa amin na hanggang ngayon hindi ko parin natatandaan.
Bakit yung mga kaibigan ko naaalala ko pero yung si Bryson at yung mga nangyayari sa pamilya ko hindi??
"Sasagutin ko na yung tanong mo kung ano ang kapangyarihan mo anak.
Kami sa pamilya, ang lola mo ay mind reader at yung ang namana ko.Ang lolo mo naman ay Telekinesis at yung namana ng Tito Jonathan mo.Ang kay Tito Christopher ay scientiakinesis na namana naman sa Papa ng lolo mo"
(Scientiakinesis-manipulate knowledge)
"Ehh ano po ibig sabihin nun?"
"Lahat ng sinabi ko sayo ay kapangyarihan mo" nagulat ako sa sinabi ni Mama.
Ang lakas ko naman, applause applause.
Pero wait...
"Ano ngayon babalikan mo na yung ama ng anak mo ha?!"
Ano ibig sabihin nung kinewento sakin ni Mama?
"At isa nga pala hindi ko pa nasasabi sayo.Ang tunay mong papa ay si Nathaniel at may kambal ka"
--------- --------Maraming salamat sa nagbabasa ng mga story ko.
Saranghaeyo ^_^ sorry kung minsan lang ako nag uupdate
YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasyIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...