Chapter 33

10 2 0
                                        


M.A.Q's POV

"Mama, bakit ganun lang kadali na sabihin mo sakin yun?" Pagkatapos kong sabihin yun,tumulo agad ang luha ko.

Lumapit sakin si Mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry anak,sorry kung nabigla kita sa mga sinabi ko.Ayoko na kasing magpaligoy ligoy pa at ayoko nang magsinungaling sayo.Gusto ko ding malaman mo na may kambal ka at simula nung pinanganak kayo nawawala na siya"

"Mama, may alam ka po bang information sa kambal ko?"

"Ang alam ko, sa bawat nalalaman mo may sagot na hindi mo alam na sobrang halaga pala nun"

Napaisip agad ako bigla sa sinabi ni Mama.Pumasok agad sa isip ko ang salitang Sierra.

Lumabas na ng kwarto ko si Mama at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
~○~○~○~○~○~○~

"Ma, punta lang po ako diyan sa Mall" lumapit ako kay Mama at hinalikan ko siya sa pisnge.

"Mag-iingat ka anak, huwag kang sasama sa mga hindi mo kilala.At isa pa pala agahan mo yung uwi mo kasi aalis na tayo pabalik sa Cavite"

"Ma,hindi na po ako bata" nagpaalam na din ako sa mga kasama ko sa bahay at napansin ko na wala dun si Kuya Harry.

Lumabas na ako ng bahay at nag abang ng sasakyan. Hindi na ako nagpahatid sakanila kasi gusto kong mapag isa.

Nakasakay na ako sa jeep. Nung makalayo layo na yung sasakyan, naaninag ko si Kuya Harry na papunta dun sa lugar kung saan nakita namin si Mama. Nagtaka ako kung bakit siya pumunta dun.

Nakababa na ako at nasa harap na ako ng SM. Lagi kong gawain pagka pasok na pagka pasok ko, dumeresto na agad ako  sa NBS.

Habang tumitingin ako ng mga libro, hindi ko namalayan na may malalaglag palang makapal at mabigat na libro sa ulo ko. Huli na kung umiwas dahil bumagsak na yun sa ulo ko.

Napaupo ako ng dahil sa hilo at may nakita akong kamay na nasa harap ko.

Tumingin ako sa taong yun at may nakita akong lalaki na parang sing edad ni Mama.

Inabot ko yung kamay niya dahil kahit anong pilit ko hindi ako makatayo.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya sakin na may bahid ng pag aalala yung mukha niya.

"Ok lang po ako. Thank you po sa pagtulong" ngiti ko sakanya.

"Dapat lagi kang mag ingat ineng, kung ayaw mong mapahamak ka" nangilabot ako sa boses niya.

Alam kong hindi niya yun intensyon pero nangilabot ako sa pagkakasabi niya.
~○~○~○~○~○~○~

"Wala na ba kayong naiwan na mga gamit niyo sa bahay?" Tanong ni Mama samin.

Wala namang sumagot samin at simula nang umandar yung sasakyan.

Katabi ko ngayon si Mama at dito ako malapit sa bintana.

Nasa dulong upuan si Kuya Harry kaya hindi ko siya matanong kung bakit siya pumunta dun sa lugar na yun.

Minessage ko siya sa messenger at buti nalang may wifi dito sa van.

Harrison Leon Spears

                    Bakit ka pumunta dun sa  lugar kung saan natin nakita si Mama?

Ha? Hindi naman ako pumunta dun. Baka kamukha ko lang yung nakita mo.

Bakit kanina hindi kita nakita sa bahay?

Nagjojodging ako nung time na yun.

Tanghaling tapat mag jojodging ka.Sinong matinong tao gagawa nun?

Tumahimik ka na nga lang diyan matutulog pa ako.

Bakit pakiramdam ko na may tinatago sakin si Kuya Harry?

------------ -----------

Sorry kung ngayon lang ako nag update.

Sorry kung short update lang din.

Btw, CONGRATULATION KAY KOOKIE
Ang saya saya ko ngayon

Baka bukas ko iuupdate yung chapter 34 hindi ko pa sure depende kung wala akong masyadong gagawin.

Babawi ako sainyo.

Maraming salamat sa nagbabasa nito.

Sobrang saya ko kasi malapit na siyang mag 500 yung nakaka basa nito
At malapit na din mag 100 votes.

Please mag comment kayo ng opinion niyo para malaman ko kung ok lang ba itong story ko.

Maraming salamat
Saranghae ^_^

The Mysterious BookWhere stories live. Discover now