Georgia's POV
Nag aayos na kami ng mga gamit namin kasi pabalik na kami sa Cavite.Sa totoo lang dapat dati pa kami nakauwi,masyadong na enjoy lang.6 hours daw yung biyahe.
Habang nag aayos ako ang mga gamit ko,natandaan ko nanaman yung nangyari kagabi.Feeling ko nangyari na din sakin yun dati sa bahay eh.
Sino naman kaya yung gagawa nun?
Nung isasarado ko na yung zipper ng bag ko,nakita ko ulit yung mga papel na nakuha ko dito.Nakuha ko rin yung sagot dun sa pattern na napupulot ko.
Sino kaya si Sierra?
Ang daming tanong ang bumabagabag sa utak ko.Simula nung napulot ko yung libro na yun at nung may creepy na babae na nagsabi sakin na parang ewan.Sasabog na ata utak ko sa sobrang daming iniintindi ko.
"Hoyy,nainlove kana ba sa bag mo??Tulala ka diyan ehh" biglang sulpot si Van sa harap ko.
"Nagtataka kasi ako sa mga nangyayari sakin"
"Ano ba nangyayari sayo?" Naisip ko na huwag muna sabihin kay Van kasi baka hindi rin maniwala sakin.
"Mahal daw kasi ako ni Bwi" sabay labas ng kwarto at dumeretso na sa sasakyan.
Nakatulala lang ako buong biyahe namin.Minsan nagsasalita ako pero maya maya matutulala nanaman ako.
Si Kuya Harry dapat ang driver kaso hindi pumayag si Tita nung nag paalam siya.May pinadala kasing driver si Tito sa amin.
Ohh sila ni rich kid ako na napagiiwanan.
"Georgia!!Nasa harap ka na ng bahay niyo.Ano dito kana ba maninirahan sa van??"
Nagulat ako na nandito agad kami.Parang ang bilis ng oras.
Nagpasalamat ako sakanila na sinama nila ako at hinatid nila ako sa bahay.
Si Kuya Harry tinanguhan lang ako.Si Van.."Puta Bess,hindi bagay.Chupi ka na nga haha" tinaboy pa ako ng bruha na tohh.
Bumaba na ako sa van at dumeretso na sa bahay.Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto,bumungad na sakin si Mama at si Georgine.
"Ate,pasalubong ko nasaan??"
"Anak,hindi ka man lang tumawag sa akin na nakarating kana.Nasaan ang pasalubong??"
"Mama,hinay hinay--" sabay abot ng kanilang ka asam asam na pasalubong "----eto na po yung t-shirt na binili ko sainyo.Parehas po kayo ni Georgine"
Dumeretso ako sa kwarto ko.Pagkabukas ko ng pinto,may nakita akong anino ng tao.
Unti unti akong lumapit para makita kung anong ginagawa niya.Nakita ko na hinahalungkat niya yung box kung saan doon ko tinago yung mga papel at libro na napulot ko.
Naramdaman niya ata presensya ko,kaya tumigil siya sa ginagawa niya.
Nakahoodie siya na black pero may design din naman at balak ko sana siyang hawakan kaso tumakbo agad siya papunta sa bintana.
Bago pa siya makalabas ng bintana,nahablot ko agad yung braso niya at hinila ko siya.Pilit ko siyang inihaharap para makita ko yung mukha niya kaso mas malakas siya sakin kaya hindi ko magawa.
"Sino ka ba??Bakit ka nandito sa kwarto ko??Naiingit kaba sa mga gamit ko dahil bakla ka??"
"Such an idiot" nagulat ako ng nagsalita siya.
"Ikaw din ba yung sa Baguio ha??Stalker ba kita??"
Pero napahinto ako ng maamoy ko yung pamilyar na pabango na yun.Bago ko pa siya maiharap sakin bigla siyang tumakbo at lumabas na sa bintana.
YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasiaIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...