Georgia's POV
"Babe,mahal mo ba ako?"
"Hinde ehh napipilitan nga lang ako"
"Ahh ganun di mo na ako mahal huhuhu Georgia di na love ni babe si Sky"
"Huyyy joke lang eto naman ehh wag ng magdrama.I love you"
"I love love love love you too"
At ako ngayon bangag na bangag na ng dahil dito sa pinsan ko na si Edward Sky Altamera .Kanina pa sila nung girlfriend niya ehh ano kailangan pang iloud speaker para ibroadcast na may girlfriend siya.
Nandito kasi siya sa kwarto. Dun siya sa sofa natutulog,ayaw niya daw kasi dun sa guest room natatakot daw siya. Ngayon nambubulabog siya at ang sarap isigaw sa kanya kanina pa na....
"Edwardo!!, mag patulog nga kayo"
"Wag kang bitter," tapos nakitawa pa yung girlfriend niya.Katuwa lang ehh nohh kung mapalakpakan ko kaya yang mukha niya kaliwa't kanan.
~°~°~°Kinabukasan~°~°~°
Pagtingin ko sa salamin at expect ko na mukha akong panda.Nakatulog na ako mga 12 na ng madaling araw.Wala atang balak magpatulog.
Tapos aalis pa ako ngayon para pumunta sa mall at kung ano man ang mabili.Yayayain ko sana si Vanessa kaso natandaan ko nga pala na pupunta sila sa probinsya nila ngayon.
Tinignan ko sa salamin yung suot ko ngayon.Okayyy mukha akong nagtitinda ng tinapa walang halong biro,humanap ulit ako ng pwedeng maisuot.May nakita akong isang dress na kulay blue na may belt na white basta,nasuot ko na tohh dati nung pumunta ako sa birthday party.
Bumaba na ako at nagpaalam kay mama na pupunta lang ako sa mall para maglibot-libot.
------ ------
Masyadong mabait tong katabi ko sa jeep.Busog na busog na ako sa buhok niya promise.Tapos yung sa kanan ko naman,masyadong advance bagong taon na agad sakanya.Inshort may putok.Pero may napansin ako sa kaharap ko sa jeep,ang weird niya nakayuko siya pero feeling ko maganda siya.May nakita ako sa wrist niya na parang tatoo na nakasign na kidlat.Ang astig nga ehh.
Bumaba na ako ng jeep at pumasok na sa mall.Dumeretso agad ako sa NBS
para maghanap ng mababasa.Habang naghahanap ako ng libro may nakita akong libro."All about the Arematla Sierra Academy"
Niyan yung nakalagay sa libro at ang kulay niya ay black.Parang ngayon lang ako nakakita ng gantong libro.Kinuha ko siya at pinagmasdan ko wala namang nakalagay sa likod netohh.
Binuklat ko siya at wala namang nakalagay na sulat yung talagang papel lang talaga pero halata nang luma eto.
Tinanong ko sa cashier kung meron paba tong ibang copy baka kasi nagkamali lang ng labas ganern.Pero sabi niya ay wala daw silang bineben-tang ganung libro baka daw may nakaiwan lang.
Tinignan ko yung bag ko kung nandun ba yung wallet ko pero HOLYCOCONUT TREEE wala sa bag ko.
Hinanap ko agad kung saan saan ultimo panty ko tinignan ko baka nandun.May biglang naganounce na may wallet daw dun sa lost and found.
Pumunta agad ako dun at nakita ko nga yung wallet na nakita ko.Kukuhanin ko sana yung wallet ko kaso may humawak din nun.
"Ayyy kuya akin po yang wallet"nakatingin lang sakin yung lalaki na parang bored na bored.
"Kuya,binge kaba o sadyang bingibingihan lang"
"Tss.Stupid"
Ay kingina netoh ha katuwa lang.Pero na may nakita akong wallet dun na isa pa at kaparehas ng hawak ko.Narealized ko nalang na yun yung wallet ko.
"Heheheh,sorry kuya kala ko kasi yan yung wallet ko,magkaparehas kasi---"
Ay kabastos na bata biglang tumalikod di man lang ako pinatapos.
Nadala ko pala yung libro na nakita ko sa NBS.Bahala na nga lang anong mapapala ng iba dito sa libro na wala namang laman diba.
Bumili nalang ako ng burger at sundae sa Mcdo.May bigla akong nakabangga.
"Sa bawat taong nakakasalamuha mo ay kailangan mong kilalanin
Kung ayaw mong mapunta ang buhay mo sa alanganin
Dadating na ang unos na binaon na sa limot
At ang natatakdang tao ang mag aalis ng puot
Kaya sa bawat desisyon mo ay kailangan ay sigurado
Kung hinde madadamay ang taong mahal mo"
Sabay alis nung babae,ang weird niya ha promise.Ano kayang ibig sabihin nung sinabi niya.Tapos di ko naman siya kilala ehh.
Napansin ko na parang namumula yung birth mark ko ata or peklat ewan.Kasi ang ayos kasi neto tatlo na parang kalmot.
Nung hinawakan ko tohh ay bigla akong natumba at everything went black.
-------- -------
YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasyIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...