Chapter 17

17 6 0
                                    

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko 'nandun si Brina.Nakatingin siya sakin ng seryoso.Yumuko siya ng sandali at tumingin ulit sakin.

Hala umiiyak ba siya bakit namumula mata niya.Baka naman napuwing lang.Pero hindi ehh namumula ilong niya.

"Hoyyy Brina,umiiyak ka ba??"dineadma lang beauty ko.Problema nito.Lumapit siya at umupo sa kama.

"Ikaw lagi kang magiingat ha.Di sa lahat ng bagay nandito ako para iligtas kita.Kaya please huwag kang maging pabaya hydneudnhsnv"ha hindi ko maintindihan 'yung sinabi niya sa dulo.

"Bakit mo ba sinasabi niyan,aber??Magsalita ka parang mamatay ka"

"Ayos ba acting ko,girlalou??Best Actress goes to Brina,The Badaf!!"sabay cat walk tapos kembot tapos kembot.WTH!What's going on???

"By the way,Brina kanino 'tong bonnet na 'toh?"sabay kuha sa bonnet.

"Ahh kay Kuya Parker yan.Mahilig sa bonnet yung lalaking yun,"sabay ngiti ng alanganin.

"Brina,hatid mo na ako samin baka mag alala sila 'dun"

"Ehh hindi pa magaling yung paa m--"

"Hindi naman nakakamatay yun.Sige na pleasee,"sabay puppy eyes.Please gumana ka.

"Oo na pero hindi ka maganda,"galing mang lait ha.Pasalamat siya mabait ako.

~○~○~○~○~○~
Nandito na kami sa harap ng pinto ng bahay nina Van.Kinakabahan nga ako.Kumatok na sa pinto si Brina.

Nakita ko si Van na puno ng pag alala yung mukha.Tumingin siya sakin tapos nangilid ang luha.

"Putapete kang bruha ka.Pinag-alala mo kami kingin* nito.Porket kasama mo na yang dyonakis mo,"tinignan ko siya ng "are you serious"look.

"Etong babaitang 'tohh.Ikaw kaya tumilampon ng dahil sa baklang 'to,makakalakad ka kaya.Alam mo namang buto bu---"

"Where the hell you came from??And who's this d*ckhead??Is that your boyfriend??Look like an *sshole"

"Kuya Harry,can you please shut up your mouth or else HAHAMBALUSIN KITA NG TAMBO!"kaysa na matakot,inagaw niya ako kay Brina at siya ang nagbuhat sakin.Ang haba ng hair ng ate mo ohh.

"Kayong dalawa tigil tigilan niyo nga ako.Bitawan mo ako Kuya Harry ako ay maglalakad nalang,"pero tinignan niya lang ako ng masama at tumingin ulit kay Brina.

"Thank you for caring my girl.You may leave,"sabay sarado ng pinto.Problema neto...at wait wait anong MY GIRL!

Tinignan ko siya at seryosong seryoso siya.Beastmode ata.Hindi ko nalang siya pinansin at nakapunta na kami sa sala at inupo ako sa couch.

Hinilot niya yung paa ko at mangiyak ngiyak ako sa sakit.Pero nagtataka ako,oo nabangga ako ni Brina kaya ako nagkaganito.Parang tumatakbo nga siya ng time na yun kaya tumilampon ako pero bakit ganito kalala yung nanyari sakin.Feeling ko nga nung tumilampon ako parang may humampas pa sa likod ko.

"Kuya Harry,pwede po bang ipunta mo ako sa kwarto,"tinignan niya ako at binuhat na.

~○~○~○~○~
'Nung pagkaupo ko sa kama ay umalis na agad sa kwarto si Kuya.Hinubad ko yung pantaas ko para magbihis kaso may napansin ako sa salamin.

Namumula yung likod ko at parang may bakat pa ng parang kahoy ba yun o ano basta something na malapad.

Alam ko wala namang pader sa likod ko 'nung time na yun.Ano yun halerr.Pero nagtataka ako,bakit ako nagkaganito.Tinignan ko yung paa ko at medyo namula mula siya.Bakit ganito akong napuruhan,para akong binugbog.

Humiga nalang ako at nagpahinga

~~~~~~~~~~
Nasa garden sila Natalia at ang kanyang anak na si Quinn.Nag kekwento kasi si Natalia tungkol sa kung paano nagkakilala si Natalia at si Sebastian.

"Mama,paano mo pinapakita kay Papa kung gaano mo siya ka love??"

"Sa pamamagitan ng pagkanta ko sakanya,"tumingin sa kanya si Quinn na parang nagtataka.

"Mama diba po dapat sinasabihin niyo po siya ng I love you,"ngumiti si Natalia at hinawakan ang kamay ni Quinn.

"Alam mo Anak,hindi lang niyan sa pamamagitan ng pagsabi ng mahal mo siya.Kahit na hindi mo sinasabi sakanya,nararamdaman niya naman ang pinapahiwatig mo sakanya.Kaya kinakantahan ko yung Papa mo kasi yun yung paraan ng pagpapakita ko sakanya kung gaano ko siya kamahal,"

"Mama,hindi ko po maintindihan,"habang nakanguso siya na nakatingin sa Mama niya.

"Maiintindihan mo din yun sa tamang panahon.At nga pala malapit mo ng makita si Baby Ella,"ngumiti sakanya ng pagkalaki si Quinn at niyakap niya ang tiyan ni Natalia.

"Baby Ella,promise ko sayo kapag lumabas kana bibigyan ka ni Ate ng mahigpit na hug"

~~~~~~~~~~~~
Nagising ako dahil sa kirot ng likod ko.Kinuha ko yung cellphone ko at nag facebook muna.

Grayson Flynn Lewis

|Confirm| |Delete|

Xavier Max Lewis

|Confirm| |Delete|

Tinignan ko yung timeline nila at nakita ko ang daming bumati sa kanila.October 7,199* pala birthday nila.Confirm ko na sila at nagpasyang bumaba muna para kumain.

Sinubukan kong tumayo at salamat naman na nakakalakad ako ng bahagya.Lumabas ako ng kwarto at habang pababa ako sa hagdan may naririnig ako naguusap.

"Ano na bang balak mo?? Napapahamak na si Georgia ng dahil sayo"

"Ginagawa ko naman ang lahat kaso di niya talaga maalala.Huwag natin pilitin baka kung ano pang mangyari sakanya.Basta sa ngayon bantayan natin si Georgie"

Nakita ko si Kuya Harry na may kausap,naramadaman nila ata presensya ko.Bakit magkausap sina Kuya Harry at si.....

Brina

------- ------

The Mysterious BookWhere stories live. Discover now