M.A.Q.'s POVMinulat ko ang aking mata at puro puti ang nakita ko.
May naramdaman akong may nakahawak sa kamay ko, nakita ko si Bryson na nakatungo.
Bumangon ako at naramdaman niya atang nagising ako.
"Ano may masakit ba sayo?? Ano kailangan mo? Gusto mo bang kumai---"
"Bryson, ok lang ako" ani ko sakanya para hindi na siya mag alala.
Biglang humapdi yung sugat ko sa ulo at sa braso pero hindi ko pinahalata yun baka mag rap nanaman si Bryson.
Bumukas yung pinto at nakita ko si Mommy at Mama.
Kasama din yung mga kaibigan ko pero pansin ko wala si Harry at si Benjamin.
"Anak ok ka lang ba?" tanong sakin ni Mommy.
Tumango ako at ngumiti sakanya.
"Eto prutas na binili namin ng Mommy mo para may makain ka dito. Bukas ka pa kasi makakalabas" sabi sakin ni Mama.
Nagpasalamat ako kay Mama.
"Nasan sina Lexi at Ivy??" tanong ko sakanila.
"Nandun sa kabilang kwarto, namamahinga sila. Wala namang napuruhan sainyo pati din yung driver ayos lang din," sagot sakin ni Brianna.
May biglang yumakap sakin at nakita ko si Georg-- este si Bella.
"Ate, buti ok ka lang. Abayy tignan mo sarili mo may bukol sa ulo mukha ka tuloy eng eng. Mahiya ka naman sa kapatid mong maganda," sabi sakin ni Bella na may pagtataray.
"Mag 9 years old ka pala sa April,kung magtaray ka wagas ha?" sabi ko sakanya na may kasamang batok.
"Kuya Lucas, bakit hindi mo kasama si Ate Jasmine?" tanong ko sakanya na may halong panunukso.
"Kasi may ginagawa siya ngayon pero pinapasabi niya na mag ingat ka daw," sabi niya na namumula pa ang lantod.
Kinalabit ko si Bryson, tumingin siya sakin at hinihintay na sabihin ko kung ano kailangan ko.
"Gusto kong puntahan sina Lexi at Ivy, Grayson," sabi ko sakanya.
"Quinn, hindi ka pa masyadong magaling baka kung ano pa--"
Nilapat ko sakanya ang labi ko sa labi niya para naman tumahimik na siya.
"Sige na Bryson, gusto kong makita kung ayos lang sila."
Nagbuntong hininga siya at tinulungan niya akong tumayo.
"Punta lang po kami sa kabilang kwarto," paalam ni Bryson.
"Baka naman sa ibang kwarto mo dalhin si Audrey ha?" tumataas baba pa yung kilay ni Jaxon.
Inirapan lang siya ni Bryson at lumabas na kami.
Binuksan ni Bryson yung pinto at nakita ko si Lexi at Ivy na kumakain ng mansanas.
Nagulat ako nandun sina Grayson at Xavier.
Si Grayson nagtatalop ng masanas kay Ivy habang si Xavier naman inaabutan ng tubig si Lexi.
"Kayo ha, may hindi kayo sinasabi sakin."
Inupo muna ako ni Grayson sa upuan at tumabi sakin.
Tumingin silang lahat sakin at ngumiti.
"Parang dati lang nag aaway kayo diyan... Tssk tssk," panunukso ko sakanila.
YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasyIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...