Chapter 30

12 3 0
                                        


"Sa totoo lang Madison,ikaw ang pinakamalakas samin"

"Bakit parang pakiramdam ko wala naman akong espesyal na kapangyarihan?"

"Nakalimutan mo nga kaming mga kaibigan mo, yan pa kayang kapangyarihan mo" sabi ni Jaxon.Kaya nabatukan ni Van.

Napagpasyahan ko muna na mapag isa kaya lumabas ako ng bahay.

Naiinis ako sa sarili ko, parang wala akong pakinabang dahil hindi ko alam kung nasaan yung mga magulang ko ultimo nga kaibigan ko nakalimutan ko din eh.

Bakit ko ba kasi napag-isipan na pumunta sa mundo ng tao? Ang maiisagot ko lang diyan ay ang gulo sa mundo namin.

Ang swerte nga ng mga tao dahil malaya silang gawin yung magiging tadhana nila, paano naman ako, kami.Kinokontrol kami kung ano mangyayari sa amin.

Umupo ako sa isang bench para makapag-isip.

"Miss, bakit ka umiiyak? May nanakit ba sayo?" tinignan ko siya at may nakita akong isang babae na feeling ko mga 30+ na.

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin.

"Alam mo, dati may masaya akong pamilya na pinapangarap ng lahat. May tatlo akong anak pero kinalulungkot ko na may kumuha sa isang anak ko. Tapos ng masasayang pangyayari sa buhay ko, nung gabing yun nakita ko yung asawa kona may kasamang babae at worst nasa kwarto ko sila. Hindi ako umimik nung oras na yun dahil baka once na malaman niya na nakita ko baka iwan niya ako....." Pinunasan niya yung luha niya at tumingin sakin at ngumiti "At ang kinaiinis ko pa parang nagtaksil din ako sa asawa ko ng dahil sa pagmahal ko ng ibang lalaki. Dahil yung asawa ko lagi niya na akong sinasaktan at sinasabihan pa ako ng masasamng salita sa harap ko. Tanggap ng panganay kong babae na magkaroon ako ng ibang kasintahan. Pero nagsimula na dun nagkawatak watak kami"

Tumingin siya sakin at nagulat ako nung niyakap niya ako.

"Anak, bumalik kana sakin ng kapatid mo" pagkasabi niya nun ay bigla siyang nawala.

Pakiramdam ko ngayon na para akong isang bata na iniwan ng nanay niya sa isang madilim na kwarto at walang kasama sa loob nito.

Tumakbo ako pabalik sa bahay at pagkapasok na pagkapasok ko hinanap ng mata ko si Bryson.

"Bryson, nakita ko si Mommy kanina"

Pagkasabi na pagkasabi ko sakanya nun, yumakap siya sakin at bumulong ng..

"Ang ibig sabihin lang nun, nasa paligid lang si Tita Natalia" ani niyan na ikinagulat ko.

Yumakap din ako sakanya at umiyak sakanyang bisig.
~○~○~○~○~○~○~
Unknown's POV

"Bakit hindi parin pwede na makasama ko yung mga anak ko?" ani ng isang ina na nagluluksa dahil sa hindi niya makasama ang kanyang mga anak.

"Umaangal kana ha? Gusto mo bang dagdagan ko pa yung paghihirap ng anak mo? Papayagan ko lang na makasama mo yung mga anak mo kapag nahanap ka na nila" Sabay sampal sakanya ng malakas.

"Nagmamakaawa ako sayo, huwag mo nang pahirapan yung anak ko"

Kontento na siya sa sandali niyang nahagkan yung anak niya.
~○~○~○~○~○~○~
Georgia's POV (baka sa susunod na chapter gagamitin ko na yung tunay niyang pangalan na Madison Audrey Quinn Altamera)

Tulala lang ako maghapon sa kwarto ko sa kakaisip kung saan ko makikita si Mama.

Tumayo ako sa kama ko at pupunta sana ako sa banyo kaso may nasipa akong box.

Tinignan ko kung ano yun, nakita ko yung aklat na itim doon at mga ibang gamit ko pa.

Alam ko nasa bahay yung box na 'to.Naglakad pa ako sa buong kwarto at pumunta ako sa kwarto ni Bryson.

Pagkapasok ko sa kwarto niya, wala akong nakitang Bryson sa kwarto.Kaya tinignan ko nalang yungkabuuan nito.

Pumunta ako sa closet niya at binuksan ito.May nakita akong pamilyar na jacket dito at isang bonnet na dati kong nakikita sa panaginip ko.

Kukuhanin ko sana ito kaso narinig ko yung pagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa mo diyan, Georgia?" Sabay back hug sakin.

"Bakit nasayo itong jacket na dati kong kinewento sayo na may pumasok dati sa kwarto ko at yung bonnet na kinewento ko din sayo na may na panaginipan ako?"

Tumingin siya sakin at huminga ng malalim.

Umupo kami sa kama at tinignan niya ako sa mga mata.

"Ganito kasi yan.......
~○~○~○~○~○~○~

Lucas' POV

Nandito ako ngayon sa restaurant kasama si Jasmine dahil nag aya ako ng date sakanya.

Habang kumakain kami, bigla akong nakaramdam ng pamilyar na pakiramdam.

Gantong ganto yung pakiramdam ko kapag may mamamatay.

Nagtataka ako bakit feeling ko na kilala ko siya.

Nagdadasal ako na sana hindi iyon isa sa mga kaibigan ko o isa sa mga kakilala ko.

-------- --------
Thank you sa mga nagbabasa nito.Sorry kung short update lang to.

Merry Christmas din.Saranghaeyo ^_^

The Mysterious BookWhere stories live. Discover now