~~Kruuu kruuuu~~
Kuliglig yan wag kayong basag trip.
Kulang nalang kasi kailangan ng lapida at lupa ayan instant sementeryo na.Kalansing lang ng kutsara't tinidor sa pinggan yung naririnig ko.At nakakapanibago mukha siyang lalaki ngayon ha di na siya lambutin."Bilisan mo kumain,ihahatid pa kita sa inyo"
"Eh ang tanong kung alam mo kung saan ako nakatira"
"Uso magturo ng direction beh,"sabay irap sakin.Di ba yan nangangawit kakairap sakin.
Tumayo na siya at obviously tapos na siyang kumain.Eto naman ako mabait na kapwa ako nalang naghugas ng pinagkainan namin.Ika ika pa ako kung maglakad,malalim kasi yung sugat.Katangahan si ako nabubug pa kasi.
~~~~Flashback~~~~
"Huwag ka kasing magulo!"
Kainis naman kasi eh ang sakit kaya, panguya ko sakanya yung bubug eh.Serious mode siya mga kababayan."Huwag kang tumitig sakin ang creepy ," tapos natanggal na yung bubug sa paa ko.My precious foot nagasgasan tuloy kainis naman kasi eh.
"Maligo ka muna,may binili akong damit suotin mo yun," sabay bigay sakin nung paper bag.Sinilip ko yung damit at ang cute niya impernes hello kitty siya.
Pero mas maganda sana kung spongebob.Pumasok na ako sa banyo niya at daig niya pa ako ang daming anek anek dito sa banyo niya.Makaligo na nga.Sa banyo narin ako nagbihis baka kasi silipan pa ako nitong badaf nito.
Pagkalabas ko sa banyo ay nakita kong walang tao sa kwarto.Lumabas muna ako ang kwarto at naglilibot sa mensyen niya.May nakita akong isang pinto, ang pinaka kulay niya ay pink.
Pagkabukas ko dun sa pinto at wow halos lahat hello kitty yung nakapalibot dun.Pagtingin ko sa paligid may nakita akong painting pero silhoutte lang ng tao yung nakikita ko.Lalapitan ko sana yung aparador...
"Sinong nagsabi na pumasok ka dito?"sabay higit niya sakin palabas ng kwarto.
Pero nacurious ako dun sa painting,nagpaint pa siya kung silhoutte lang ng tao yung nasa canvas.
"Bakit wala naman akong ginagawang masama ha? Tinitignan ko lang naman," sabay pout.Pero di niya nanaman ako pinansin.
~~End of Flashback~~
"Kuhanin mo na yung gamit mo dun sa sofa,ihahatid na kita sa inyo," sabay irap sakin at lumabas na.
"Kuhanin mo na yung gamit mo dun sa sofa,ihahatid na kita sa inyo nye nyenye utot mo," sinarado ko na yung pinto ng bahay ni ayyy di ko parin siya kilala hanggang ngayon.
Pumasok nalang ako sa kotse niya.At ang tahimik nanaman ha di ko na kaya tohh.
"Ano bang pangalan mo ha?"
"Bryson (bray-son) but call me Bryna"(bri-na)
Tumahimik nalang ulit ako at kinalikot ko yung radio niya at..
Butterfly,like a butterfly
Machi butterfly bu butterfly cheoreom"Shettt yung mga asawa ko hinaharan---KINGINA! Bakit mo pinatay," sabay pindot ulit sa radio pero pinatay niya ulit.
"Saking kotse toh kaya ako masusunod," kung kotse ko lang to kanina ko pa naitapon sa bintana tong baklang gwapo na tohh.
Nagulat nalang ako na nasa harap ako ng bahay namin.Bumaba na rin ako sa kotse niya.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira ha?Stalker kita nohh tssk tssk bakla kaba talaga o nagpapanggap ka lang gusto mo--Bastos mo talaga eh nohh," nagsasalita pa ako pero pinaharurut niya agad yung kotse niya at sa mukha ko pa binuga yung usok.
"Georgia!!!!! Sino yung kasama mo kanina ha ha.Boyfriend mo yun nohh sabihin mo yung totoo" ani ni Vanessa na may kasama pang batok.
"Grabe ka di mo man lang sinabi sakin na nakarating kana" sabi ko naman habang hinihimas yung ulo ko.
"Ehh busy ka sa boylet mo ehh"
"Bakla naman yun bes,mas maarte nga sakin yun ehh" sinasabi ko sakanya habang nakataas yung kanan kong kilay.
"WHAAATTT THEEE!!pero pwede namang maging lalaki yun besh" habang tumataas baba yung parehas niyang kilay.
"Ayy kahit na nohh pero pwedeng pumasok muna tayo
"Oo nga naman, pumasok muna tayo neng di nakakangawit dito promise"
Papasok na sana ako kaso may nakita akong lalaking nasa puno at nakatingin dito na parang may pinagmamasdan.Pumunta ako dun hanggang sa makalapit at nagulat nalang ako ng may yumakap sakin....
"Papatayin mo ba yung sarili mo,kasi di ko kakayanin kung mangyari yun," sabi sakin ng nakayakap sakin ngayon pero di ko narinig yung huling sinabi niya.
At ngayon ko lang narealize muntik na akong masagasaan ng truck.Tinignan ko siya at nagulat ako na nandito na si Bryson este Brina.
"Paano ka nakarating dito?"pero di niya ako sinagot at may sinabi siya sakin.
"Simula ngayon di na kita iiwanan at babantayan kita"
--------

YOU ARE READING
The Mysterious Book
FantasyIsang libro na kala mo ordinaryong bagay lang.Na kala mo na isang aklat lang na nawala ng ibang tao at di na mahalaga. Isang libro na naiwan lang sa tabi at di na hinanap pa. Pero paano kung yung libro na kala mo na walang halaga ay dun pala nakasal...