Chapter 31

13 3 0
                                    


M.A.Q's POV

"Ganito kasi yan......"

Tumitig siya sakin, at huminga ng malalim.

"Kapag hindi ka pa magsalita diyan, tatadyakan talaga kita diyan"

"Eto na nga ehh, taeng tae ka.Ganito kasi yan, napapansin mo yung mga damit na nakikita mo minsan na kay Kuya Lucas pero ang totoo may magkaparehas kami talagang damit para hindi mo malaman na ako yun---" tumitig siya sakin "---kasi gusto kong maayos yung gulo na 'toh na hindi ka nahihirapan"

Kinuha niya yung box na pinaglalagyan ko ng mga napupulot ko.

"Lahat ng napupulot mo na kinukuha mo naman sa tabi tabi, yan talaga yung way para malaman mo yung mga nalilimutan mo--" kinuha niya yung libro "---- ang nagtataka ako sa libro na 'toh bakit sa dulo nito ay mayroong babae at lalaki na parang nagluluksa pero sa tingin ko tayong dalawang yun"

Nanlaki mata ko sa mga sinabi niya,bago ako makapagsalita ay dinagdagan niya ulit yung sasabihin niya.

"Kaya hindi ko hahayaang mangyari sa atin yun dahil hindi ko kayang makita sa mga mata ko na nagluluksa ka para sakin" ani niya.

Wala akong mahagilap na salita sa mga nalalaman ko ngayon.

"Kaya matulog kana para hanapin na natin bukas si Tita.Saranghae good night" sabay halik sa noo ko at lumisan na sa kwarto ko.

~○~○~○~○~○~

Handa na kaming sumakay sa sasakyan para simulan na yung paghahanap kay Mama.

(Mas prefer ko mama kaya mama nalang ang ilalagay ko please huwag kayong malito)

Nag-sorry na din sakin si Jaxon sa sinabi niya nung nakaraan.Okay lang naman sakin at tama naman din yung sinabi niya.

"Saan tayo magsisimulang maghanap?" Tanong ni Bryson.

"Sa tingin ko dun tayo magsimula kung saan nakita ni Quinn si Tita" suggest ni Briana.

Sumang ayon lahat kami sa sinabi Brianna at tinuro ko kay Bryson kung saang lugar ko nakita si Mama.

Nakarating na kami sa park at isa isa na kaming bumaba sa sasakyan.

"May nakita akong isang papasok dun, parang may nakatira dun" sabi ni Harry.

Tinuro niya yun at may nakita kaming masikip na daan yung kailangan mo pang tumagilid para mag kasya ka.

Isa isa kaming pumasok dun sa daan na yun at nung lahat na kami nakapunta sa dulo nito.Nagulat kami dahil may isang malaking gate ang bumungad samin.

Bubuksan sana namin yun kaso may passcode ito.

"Mahina ako sa mga code na ganyan!" Bulyaw ni Gianna.

Pinaghihitsa ng mga weapon ni Brianna yung gate pero wala naman pinagbago.

Humanap ako ng clue sa paligid at may nakita akong plaka may nakalagay na..

TAGT

Kusang gumana yung utak ko at may naisip akong salita na parang tugma dun sa clue na nakuha ko.Ang salitang target ang unang pumasok sa utak ko dahil hindi naman nila agad ilalagay yung salitang target kaya ang ginawa nila,nilagay nila na TAGT.

"Brianna,shoot that" sabay turo dun sa plaka.

Tumingin siya sakin na nagtataka pero ginawa niya parin.

May biglang nagbukas dun sa pader at naglakad ako papunta dun.

May nakita akong papel dun at hindi ko maintindihan kung ano nakalagay dun.

Tinignan ko yung likod ng papel at may nakalagay na..

"If you want to know the passcode, grab a thing where you see your own replica"

Ang naisip ko agad na sinabi dun ay isang salamin.Tinawag ko sila at sinabi ko na kailangan ko ng salamin.

Inabot ni Galadriel yung salamin na hinihingi ko at tinapat ko yun sa papel.

Bad luck.Yun ang nabasa ko sa papel.

Pumunta agad ako sa passcode na nakalagay at nakita ko puro numbers ang nakalagay sun na pipindutin kaysa letters.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinry ko yung nasa isip ko.

2235825 yun ang nilagay ko sa passcode at nagbukas na ang gate.

(Nakuha ko yung sagot dahil sa bar phone at sigurado ko na gets niyo na agad)

"Madison Audrey Quinn is back" sabi nilang lahat.

Tumingin ako sakanila at sabay sabi ng..

"What the f*ck??" Ani ko.

Lumapit sakin si Bryson at sabay bulong ng..

"Don't curse,baby" ginawa pa akong sanggol ng lalaking 'toh.

Pumasok na kami at biglang sumakit yung birthmark ko nasa wrist ko.

Namumula nanaman siya katulad dati.

Lumakad kami papasok at nakita namin ang isang malaking mansyon.

Hindi ko alam kung may nakatira ba dun o wala.Kumatok kami pero nakailang katok na kami pero wala paring nasagot.

Pinagpasyahan namin na pasukin yung bahay, pagkapasok namin at may nakita akong babae na nakahiga sa sala.

Mahimbing siyang natutulog at naiiyak ako dahil nakita ko na si..

"Mama, ikaw ba yan?"

------ ------
Sorry ulit dahil short update again.Baka sa susunod yung POV ni Bryson yung itytype ko.Parang throwback nadin.

Thank you sa mga nagbabasa sa story ko.Saranghae ^_^

The Mysterious BookWhere stories live. Discover now