Chapter 24

10 4 1
                                    

Georgia's POV

"Pwede bang manligaw??"

"Gag*,manliligaw ka pero mas maarte ka pa sakin.Tapos nagtataksil ka pa kay Kuya Harry"

Nakita ko siya na parang hindi niya alam yung isasagot niya.Ano ka ngayon kala mo sakin uto uto ha?? Utot mo.

"Ammm...Hindi naman sa ganun.Kas-si ano naman--"
Huminga siya ng malalim "---Ganto kasi yan,ginagawa ko lang ito ng dahil sayo.Maiintindihan mo rin sa tamang panahon.Huwag mo munang intindihin yung sinabi ko"

Tumayo na kami sa upuan at binayaran na yung mga kinain namin.Hindi ko na tinignan kung magkano lahat lahat ng kinain namin baka takasan pa ako ng dugo.

Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko.

"B-brina yung kamay ko"

Tumingin lang siya sakin at hindi pinansin.

Kinalas ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Brina,ano bang ibig sabihin nitong ginagawa mo ha??"

Tumingin siya sakin at sabay ngisi.

"Can't you see,nagpapalalaki ako sayo"

Natulala ako sa sinabi niya.Anong..anong sinasabi niya.Kala ko ba sila ni Kuya Harry.Nahanginan ba yung utak niya,kaya boom nainlove siya sakin.

Spell assuming, A-K-O

"Anong nagpapalaki?? Sabog ka ba?? Parang dati lang nag ca-cat walk ka pa sa harapan ko"

Hinila niya ako at lumabas kami ng mall.

Pinapasok agad niya ako sa kotse.Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero nagkibit balikat lang siya.

Nung tumigil na yung kotse,sinilip ko sa bintana kung nasaan kami.Nakita ko,eto yung lugar na pinuntahan namin dati.

Lumabas na ako sa sasakyan niya at humarap ako kay Brina.

"Anong ginagawa natin dito??"

"Just watch,baby"

WTF.Ginawa pa akong sanggol neto.

Nagulat ako ng biglang nag iba yung lugar.

~○~○~○~○~○~○~○~

May nakita akong dalawang batang babae na naglalaro sa damuhan ng hardin nila.

At natanaw ko din na may batang lalaki na nag tatago sa malaking puno.
Lumabas yung lalaki sa puno at nagpakita sa batang babae.

Bakit parang pamilyar ito sakin??

"Anong ginagawa mo dito??Paano ka nakapasok dito??Kukuhanin mo si Baby Ella kasi napakacute niya.Robber ka rob--ampphhh!!"

"Wag ka ngang maingay,wala naman akong gagawing masama sa inyo.Gusto ko lang makipag kaibigan,"

Nagmana sakin ata itong batang tohh kaya masungit.

Paano ba naman nilahad nung batang lalaki yung kamay pero tinaasan lang ng kilay.

"By the way,Tobi nga pala.At promise di ako masama gusto ko lang makipagkaibigan,"habang nakataas yung kanang kamay niya na nakatingin sa batang babae.

Nag iba nanaman yung lugar napunta ito sa tree house ata tohh.

"Bakit naging Tobi yung nickname mo?"

"Kasi BT yung initial ng pangalan ko.Kaya BT TB Tobi hahaha,"pero di naman tumawa si Quinn kaya nagpout lang siya.

May binigay si Tobi na panyo kay Quinn.Tumingin ang batang babae sakanya na parang nagtataka.

Kinuha ito ng batang babae at pinagmasdan ito.May nakita siyang nakalagay sa panyo ito ay...

Q.T.

Bakit parang nakakita na ako ng gantong panyo??

"Nirequest ko nga yan kay mama na lagyan niyan.Ang ibig sabihin niyan Quinn and Tobi.Dapat nga T.Q. dapat"

"Ano naman ibig sabihin nun?"

"Tobi's Queen,kasi ikaw yung reyna ko haha".

At doon nagtapos ang angking imahinasyon.

Atsaka ko lang na realize na parang nasa panaginip ako kasi, paano naging ganto yung lugar??

"Nagtataka ka ba kung paano ko nagawa itong lahat?? At bakit ko pinakita sayo tohh??"

"Dahil ikaw si Quinn,alam kong ilang beses ka ng nanaginip na ganyan.Sa una di ko talaga alam kung saan ko hahagilapin yung,kababata kong kaibigan na ipanangakuan kong ihaharap ko sa altar kapag mayroon na akong ipagmamalaki"

Quinn,kapag lumaki na tayo papakasalan na agad kita.Basta promise mo sakin na ako lang ha?

Promise ikaw lang yung papakasalan ko

"Ano ba ibig sabihin nito?? Nagkanda leche leche yung buhay ko nung simula kong napulot yung libro na yun at kada araw may napupulot akong papel"

Nangingilid na luha ko ng dahil sa nangyayari ngayon.Tapos nung nag flashback kanina parang kamukha ko pa yung bata dun at kamukha pa nung kapatid ko yung baby dun.

Pero nagtataka ako,kung ako si Quinn bakit hindi kamukha ni Mama yung lagi kong napapanaginipin na sinasabi na nanay yun ni Quinn.

"Ang gulo ba?? Ayan ang dahilan kung bakit ka umalis dati sa mundo natin.Nagpasya kang pumunta dito sa mundo ng tao.Pero lahat ng napupulot mo kasama yun para makilala mo pa yung sarili mo"

"Pero tandaan mo ito,kahit na sa ayaw mo o sa gusto mo liligawan kita dahil alam kong may kaagaw na ako sayo"

Naaalala ko nanaman yung nangyari kanina.Ano bang ibig sabihin niya na liligawan niya ako?? Paano si Kuya Harry??

"Anak,tatawag daw yung Papa mo sa Skype"

Kinuha ko yung laptop ko at hinintay kong tumawag si Papa.

Nung tumawag si Papa agad na agad ko itong sinagot.

"Anak,pumapanget ka ata ngayon.Alam ko wala akong anak na panda"

"Papa naman ehh~~namomoblema na nga ako ehh"

"Ng dahil ba sa Bryson na yan??"

Nanlaki mata ko ng dahil sa sinabi niya.

"H-hindi P-papa,i-iba iniisip ko"

"May pa bulol bulol ka pa diyan.Mag kwento ka"

"Papa kasi bakla siya,tapos kanina niyaya niya akong makipag date at ang bruho sabi liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo utot niya"

Nagtaka ako kung bakit nanahimik si Papa.May nasabi ba akong mali?? Pero ngumiti ulit siya nung napansin ko na nag iba yung mood niya.

"Eto nalang tandaan mo anak,huwag kang pabagal bagal kung ayaw mong masaktan ha?? Pakausap sa Mama mo"

Binigay ko kay Mama yung laptop at dumeretso sa kwarto ko.

Ano ang ibig sabihin ni Papa??

Naging magulo na yung buhay ko ng dahil dito.Pasalamat nalang ako mahaba haba pa yung baksyon.Pero taong bahay naman ako,daebak daebak.

Naalala ko nakalimutan ko yung cellphone ko sa kwarto ni Mama.
Nung papunta na ako may narinig ako sa pinag uusapan nina mama't papa.

"Kailan mo ba sasabihin kay Georgia at kay Georgine yung tunay niyang magulang??"

"Hindi ko nga alam,hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya.Napamahal na kasi ako sa bata"

"Pero sabihin mo na para hindi na komplikado ang lahat"

Tama ba yung narinig ko hindi kaming tunay na anak ni Mama??

Naramdaman ata ni Mama na parang may tao sa likod niya at nagulat siya na nandito ako.

"Anak,kanina ka pa ba nandyan??"

"Mama,totoo po ba yung sinasabi ni Papa?"

--------- -----------

The Mysterious BookWhere stories live. Discover now